Chapter Twenty-ThreePATCH
Nang maghiwalay kami ni Aicel, nag-derecho agad ako sa Student Council Room. Kung sila Zion ang bahala sa venue, kami naman ni Lewis ang naka-toka sa schedule and activities ng Concert for a Cause dahil officers kami.
Nakita ko siyang busy sa pagta-type sa laptop niya. Ang bilis naman niya at nandito agad siya. Mukang seryoso si Lewis sa ginagawa niya, kaya bago pa magpalit ang muka niya at monitor ng laptop, tinawag ko na siya. “Lewis!”
Mabilis niya akong tinignan at bumalik rin ang atensyon sa ginagawa niya. “Oh, Patch. Andiyan ka na pala. Maupo ka muna dito.”
“Huh?” Lumapit na ako sa kanya. “Eh, tapusin na natin yan para ma-settle na agad. Ano bang maitutulong ko sayo?”
Sumilip ako sa ginagawa niya. Tinatype niya sa MS Word ang schedule, time, activities, and production numbers para sa concert.
“Maupo ka lang diyan, I can do this.”
“Do this, your face.” Kinuha ko sakanya ang listahan ng mga performers. “Tayo ngang dalawa ang assigned dito e. Kaya kailangan nating magtulungan.”
“Huwag na. Ako na. Matulog ka na lang diyan.” Sabay hablot sa akin ng listahan.
“Uhh. Tell me what to do. Ayokong tumunganga dito.”
Lewis sighed. “Stare at me. Yan, titigan mo na lang ako at kikiligin pa ako.” Then he winked. Oh god. I can’t believe this man. How can he pissed me, made my heart beat fast and made me blush all at the same time?
“Ha ha ha, Lewis.” I tried to show my annoyance. “That’s funny. Ano nga?”
“Ayoko nga kasing napapagod ka. Kaya ako na ang bahalang tumapos nito.” Sabi niya ng seryoso. Pero asar, ayoko ngang solohin niya. Tsaka bakit ganon? Kinikilig ako. Stahp it, Patch!
“Muka mo!” (-___-’)
“Gwapo.” He chuckled.
“Shut up! Let me do this.” Tinulak ko siya palayo sa harap ng laptop at nagsimula na akong mag-type. Kaso tinulak rin niya ako paalis sa laptop at siya naman ang nagtype.
“Kulit talaga ng baby ko.” He murmured.
“What did you say?” Hindi ko kasi naintindihan ang sinabi niya.
“Wala, wala. I said, I’ll finish this right away.”
“Hindi kita maintindihan, Lewis. Ikaw na nga itong tinutulungan e.” (-___-’)
“I don’t understand you either. Ano bang mahirap sa umupo na lang diyan ang take a rest? C’mon Patch, let me finish this first tapos pwede na tayong mag-date.”
“D-Date ka diyan.” Shet. Feeling ko namumula na ako. Keep your calm, Montes. Keep cool. “Diba nga dapat nagtutulungan tayo para matapos agad to? Tapos ayaw mo akong pagtrabahuhin. Baliw ka ba? Kung sila Bench ang andito, panigurado may teamwork kami. Eh ikaw? Anong mahirap intindihin don?”
“Eh anong mahirap sa mahalin ako?”
O_______O
What the! Bakit ba bigla bigla niyang naisisingit ang tungkol doon? Nakakainis. Magaling naman ako sa Question and Answer portion, pero pagdating sa mga ganoong tanong, natatameme ako. Ano nga ba, Patch?“E-Ewan ko sayo.” Kinuha ko ulit sa kanya yung listahan kaso inagaw niya ulit sa akin. Hanggang sa mag-agawan kami sa papel.
Parang ewan talaga tong si Lewis. T__T
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Square
Teen FictionFind out how did Aicel, Sage, Patch and Lewis experience their wild and crazy love square story and how did they conquer the fear of rejection.