A/N: Wag kayong magtataka kung may pasok sila ng Saturday. Uso ang Saturday Classes sa school nila e. Hahaha.
xxx
Chapter Forty
SAGE
Binuksan ko ang aking mga mata at umupo sa gilid ng aking kama. Kung sinuswerte ka nga naman, napaka-ganda ng view ko dito ngayon. Ang kanyang matangos na ilong, expressive eyes kahit may eyebags, ang makinis niyang muka, mapupula at kissable lips, at ang mala-korean style na buhok niya. Kapag nakita mo siya, siguradong maiinlove ka.
Oh well papel, SINO PA BA?
EDI AKO. YES, ME!
AKO. Tama kayo. Si SAGE (^.^)
Salamin ba naman ang sumalubong sa Akin pagka-gising ko. Ikaw ba naman ang makakita ng ganyang ka-gwapong nilalang, hindi ka magu-good vibes? Hahaha!
“Aray. Ang sakit ng ulo ko ah.” Napahawak agad ako sa aking sentido. Parang sinapak kasi ako sa sobrang sakit. Feeling ko nga binibiyak na parang buko ang ulo ko.
Damn hangover. Tss! Konti lang naman ang ininom ko kagabi ah (-.-’)
*looks at the alarm clock*
“MEGAAAHHHHDDDD! 8:30 am na! Late na ako!”
9am kasi ang first subject ko ngayon at bawal ang malate. Terror pa naman ang teacher ko. Agad akong nag-tungo sa banyo, ginawa ang daily rituals ko at saka nag-ayos ng bag tapos ay pumunta na ako sa dining table upang mag-agahan. Naabutan ko si Ate Aries na kumakain na ngayon.
“Oh, bakit ang aga mo ata?” Natatawang sabi ni Ate Aries sa akin. Maaga pa ako sa lagay na yan ha? Male-late na nga ako e! Ugh.
“Ate naman! Diba sabi ko sayo, 9am ang klase ko. Bakit hindi mo ako ginising agad? Malelate na ako. 8:30am na ako nagising. Anong ora—” Napatingin ako sa wall clock at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. “7 o'clock????!!!”
“Sorry, bro. In-advance ko yung alarm clock mo. Haha!” Natatawa niyang sabi sa akin. Kaya naman pala nagtataka siya at maaga ako. Tss. (-.-) Sinamaan ko lang si Ate Aries ng tingin.
(.~~) ------------ (^^.)
Ibig sabihin, may two hours pa ako bago mag-start ang klase? Eh yung shampoo ko nga, ginagawa ko na ring facial wash sa sobrang pagmamadali tapos malalaman kong maaga pa pala ako? Hay! Kung hindi ko lang mahal ang ate ko, pepektusan ko to! Ugh.
“Nakakainis ka! Ang aga ko pa pala.” Sabi ko ng may halong pagkainis. (~.~)
Tinawanan lang ako ni Ate Aries, pagkatapos ay ininom ang kape niya saka tumayo. “Oh paano, mauna na ako sayo. May dadaanan pa ako e. Huwag mong kalimutang i-lock ang pinto. Namalengke si manang, ha. Bye baby boy.” She kissed me on the cheeks.
Kadiri. Agad ko iyong pinunasan. “Yuck! Baby boy ka diyan. Ano ako, bata?”
“Oo. Kahit alam kong may iba ka ng baba—I mean, baby girl.” Sinamaan ko ulit ito ng tingin. She chuckled. “Okay, bye. I’ll zip my mouth na. Toodles!” Sabay takbo palabas ng bahay.
Lakas talagang mang-asar nun =______=
Anong gagawin ko? Ayoko pang pumasok eh. Ang aga-aga pa oh. Okay, isip isip *kagat ng sandwich* Ano bang magandang gawin? (-___-’)
*Ting*
Bright idea. Yeahmen!
Binilisan ko na ang pagkain at nilagay ko na agad sa lababo ang pinagkainan ko. Si manang na bahala diyan. Basta kailangan ko na gawin tong naiisip ko. Hahaha. I’m a genius!
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Square
Teen FictionFind out how did Aicel, Sage, Patch and Lewis experience their wild and crazy love square story and how did they conquer the fear of rejection.