Nagdaan ang unang linggo ng February, meaning Grad Picture na nila, meaning almost 60 days nalang before they graduate highschool. Sinet aside muna nila ang Research Paper na patapos na. Fina-finalize nalang ng kani-kanilang group leader ang kanilang paper works at ready na silang mag-defense.
Wala silang 2nd to the last, and last period gawa ng kanilang Grad Picture. Kaya busy ang buong 3 sections ng Seniors sa pag-aayos ng kani-kanialng sarili.
"Krish, okay na ba ako?" tanong ni Stena habang inaayos ang curly-tip nitong buhok. Tinignan ng maigi ni Krishie si Stena.
"Yup, you're perfect!"
"Eh ako, Krishie?" tanong ni Eke na kakatapos lang mag-kulot sa kaniyang buhok. Unusual sa pakiramdam niya ang buhok niya na curly. Nung una, wala siyang pakealam sa buhok niya, basta maayos ito at walang sabit, okay na siya. Tinignan muli ni Krishie si Eke.
"Yeppers! Baka malaglag ang panga ni Cam sayo!" nakatanggap nalang ng palo sa braso si Krishie.
Tumingin si Krishie sa salamin para tignan ang sarili niya kung okay na ba siya o kung may last-minute changes. 20 minutes nalang kasi bago matawag ang section nila, dahil sa kasalukuyan, ang kabilang section ang naka salang sa pictorial.
"Krishna Marie!" tawag ni Majo sa kaniya at utmingin ito kay Majo.
"Anong problema mo, Marjorie Michelle?" sabi niya at lumapit kay Majo.
"Hindi ba ako mukhang sinampal sa make-up ko?" tanong ni Majo at natawa si Krishie.
"Nope, it's okay actually. Pwede ka ng sumama sa akin maging kikay!" sabi ni Krishie.
"Uhh, no thanks." sabi ni Majo at binatukan nalang siya ni Krishie.
Pumunta si Krishie kay Lyka na kanina pa nakatitig sa salamin. Maayos na ang buhok niya, pati ang make-up niya, sadyang hindi niya malaman kung ano ang kulang. Hindi rin kasi siya pala-make up.
"Lyks, anything wrong?"
"Check mo mukha ko, parang may kulang diba?" sabi ni Lyka at pinatingin ang mukha niya kay Krishie na sa kasalukuyang tinitignan.
"Kulang sayo, ito!" sabi ni Krishie at inangat ang isa pang-make up.
Mga after 5 minutes, natapos sila.
"Ano ba 'tong nilagay mo sa pilik mata ko!" reklamo ni Lyka, na wala nga namang alam sa nialgay ni Krishie. "Bakit parang ang bigat? Gusto mo atang nakapikit ako eh!"
Natawa silang apat sa sinabi ni Lyka. "Praning, mascara ang nilagay sayo!" sagot ni Stena.
"Tss, akala ko naman kung ano." sabi ni Lyka.
"Don't worry, masasanay rin yang pilik-mata mo diyan maya-maya." sabi ni Eke.
Lumabas sila ng waiting room para sa mga babae. Kailangan kasing humiwalay ng boys sa girls dahil kalangan pang magpalit ng mga lalaki ng long sleeves with tie.
"Okay last sections of Seniors, please fall in line alphabetically." sabi ni ateng na masungit na assistant ng photographer.
Isa-isa na silang tinawag at nagpa-picture. Since may choice sila na magdala ng props, (school jerseys, nusic instruments, friends etc) matapos magpapicture ng buong section ay naisipan ng magbabarkadang magpapicture silang sampu bago ang per-couple.
Natapos ang pagpapapicture ng sampu at napag-isipang magsiuwi dahil sa kailangan nilang mag-tapos ng kanilnag mga project at pati narin ang kanilang Research Paper.
Nakauwi sila maliban kila Paolo at Israel na naisipang tumigil sa 7/11 para bumili ng quick snack. Hindi kasi sila nakapag-lunch kanina dahil narin sa tinapos nila ang kanilang extra homework para sa El Fili.
"Bebe Paolo?" nagulat silang dalawa sa narinig. Silang dalawa lang naman ang nasa loob ng 7/11, maliban sa guard at sa dalawang workers, kaya dali-daling lumingon si Paolo.
Pinagmasdan niya ang tumawag sa kaniya, inaalala kung kilala ba niya ito o hindi. Ngumiti lang siya at biglang niyakap si Paolo.
"Nuno sa punso! Di mo ba ako naaalala?" Nuno sa Punso? May biglang naalala si Paolo. Bigla siyang humiwalay sa yakap at naalala niya ito.
"Nonet?" Laking ngiti naman ng babae at niyakap uli si Paolo. Habang si Israel ay gulong-gulo sa nakikita.
Nunu sa punso ang tawag ni Nonet kay Paolo kasi nakita niya 'tong umiiyak sa nuno sa punso. Eh alam naman natin ang kasabihan sa nuno sa punso. Tawag pa nga dapat ni Nonet kay Paolo noon ay unano, kaso suhestyon ng Lola ni Paolo na bebe nalang since mas matanda naman siya ng ilang buwan kay Paolo.
"How are you, Paolo? Wow, puberty really hit you hard, eh?" sabi naman ni Nonet habang tinitignan si Paolo from top to bottom.
"Sus, dati palang naman ah? Pogi na ako." pagmamalaki ni Paolo. "Ayos naman ako, ikaw ba? Kailan ka dumating?"
"Mayabang ka parin," tawa ni Nonet. "Nung nakaraang linggo lang, dumaan ako sa bahay niyo ah? Palagi kang wala?"
"May tinatapos lang na acads, kailangan kasi para grumaduate, alam mo na."
Patuloy lang na nag-usap ang dalawa hanggang sa nag-salita si Israel na tapos ng bumili ng kaniyang quick snack.
"Paolo?" tawag ni Israel at tumingin nman ito sa kaniya. "Mauuna na ako ah? Tatapusin ko pa yung sa SocStud eh."
"Sige, sige. Ingat ka ah." sabi ni Paolo at umalis na si Israel at naiwan ang dalawa na parang sarap na sarap sa pag-uusap.
-
"Girls, nagugutom ako." reklamo ni Lyka habang nasa sala sila't gumagawa ng sari-sariling acads.
"Palagi ka namang gutom." banat ni Stena at nakatanggap siya ng palo sa braso.
"Sus, nanghihingi ka rin naman sa akin!" sabi ni Lyka at nag-belat.
"Sige, tara Lyks, samahan na kita may gusto rin ako bilhin." prisinta ni Eke at tumayo siya.
Kumuha silang dalawa ng wallet sa kani-kanilang kwarto bago lumabas. Nagtanong muna sila kung may ipapabili ang tatlo.
"Sa 7/11 nalang tayo ah?" sabi ni Lyka habang nakasakay na sila ng tricycle papuntang bayan.
"Sure," sagot nalang ni Eke.
Ng makababa sila ng tricycle sa harapan ng 7/11, dali-dali silang pumasok ng 7/11 dahil may biglang asong tumahol sa harapan nila.
Dumeretso sila Lyka sa chips section, samantalang si Eke naman ay sa softdrinks section. Matagal na niya kasing gusto ng Starbucks Drink na Mocha Flavour. Everytime kasi na pumupunta siya ng 7/11 o di kaya naman sa grocery, palaging out of stock.
Ng makuha na nila ang gusto nilang bilhin at ang pinapabili ng tatlo ay pumunta na sila sa cashier. Habang nagbabayad si Eke, si Lyka naman ay nasa magazine section.
Hanggang sa napansin niya si Paolo. Ayaw pa niyang pansinin kasi baka kahawig lang. Pero pinilit niya ang sarili inyang tawagin si Paolo,
"Pao-"
Nagulat sila Lyka at Eke sa nakitang paghalik ng babae ni Paolo sa labi.
'Ly-ka" napatigil din si Eke dahil nakita rin niya si Paolo na may kasamang babae.
Napatingin si Paolo sa gawi ni Eke at napatayo siya.
"Sino siya be?" tanong ni Nonet na ikinagulat ng dalawang babae.
Bago pamandin makapag-salita si Paolo, dali-daling umalis si Lyka sa 7/11 at sinundan ni Eke na may bitbit bitbit na 7/11 bags.
BINABASA MO ANG
Clash of Teen Buddies
Teen FictionA clash between two group of friends, na dati ay magkakaibigan naman. Ano kaya ang nangyari sa loob lamang ng kanilang huling taon sa highschool?