STENA'S POV
Sinadya ko talagang hindi umuwi sa apartment kagabi, nandito ako kila Mama ngayon. Last day na ng Finals pero may huling CAT training pa bukas at mag-aannounce na kami ng bagong set of officers para sa next school year. Imbis na bakasyon na and stuff. Kaso, sa friday, last day na. Well, of course, except sa aming graduating dahil kailangan naming mag-practice bukas ng hapon at friday ng hapon bago ang graduation ng Monday.
Monday? Graduation? I KNOW RIGHT!
Kamusta kami ni Israel? Ayun, so-so.
Hindi naman ako galit sakaniya actually. Nagtatampo ako. Hindi dahil siya ang pinili para sumayaw, hindi dahil wala siyang oras sa akin, hindi dahil sa wala akong pakealam sakaniya. Kundi pinapabayaan niya ang pag-aaral niya.
Nandyan lang naman ang pagsasayaw. Pero kapag wala ka na sa wisyo para mag-aral, wala ka na.
Yun lang naman ang tanging hinihiling ko sakaniya noon, bago siya sumabak sa huling Dance Contest niya ngayong highschool. Pero anong nangyari? Ako pa ang mga nagpasa ng kaniyang mga projects, nakiusap na bigyan siya ng extended due date para matapos ko ang projects niya.
Nakiusap pa ako kay Paolo na tignan yung computer files niya para lang hanapin ang drafts ng kaniyang projects, kung meron, para ako na ang magtuloy.
Nawala ako sa pagiisip ng tinawag ako ni Tristan.
"Ate, tara na."
Inilapag ko ang reviewer ko at nag-suot ng jacket at umalis na kami ni Tristan at ni-lock ko ang pintuan.
Siguro 2m ang layo ko sakaniya dahil yun ang hiling niya. Ngayon, titignan ko kung may tinatago siya samin.
Ng malapit na kami sa pinag-aaralan niya, humarap siya sa akin at pinaaalis. Tumungo lang ako, at tumigil saglit. Ng nagpatuloy siya sa paglalakad, sumunod parin ako.
Maya-maya, may lumabas na babae at niyakap si Tristan.
Like really?
Gandang ganda ako sa babae, pero pinatuluyan niya si Tristan na monggoloid?
Teenage love nga naman. Natatakot mapagalitan ng magulang kaya tinatago. Pero bakit niya tinatago? Eh legal nga kami ni Israel both sides eh?
Pagkadating ko sa bahay, naligo na agad ako para mag-ayos na papasok. Medyo 45 minutes pa ang ba-byahiin bago makarating ng school.
"Alam kong na kila Tita ka, don't forget duty tayo sa CAT." text sa akin ni Eke.
Hindi ko alam kung kanino niya nalaman, pero sinabi ko sakaniya na alam kong may duty ako sa CAT, at nagpasalamat ako.
Habang nag-hihintay ako ng oras, chineck ko ang bahay kung may nakasaksak pa ba at tinignan ko ang mga kalan kung naka-sarado at siniguradong walang maiiwang nakabukas. Mamayang gabi pa naman sila Mama at Papa makakauwi.
"San ka galing, Stena?" tanong agad sa akin ni Majo ng makita niya ako palapit sa copacobana.
"Uh, sa bahay?" sabi ko ng patanong at umupo ako. Hay kapagod.
"Di mo manlang kami sinabihan?" tanong ni Krishie.
"Ay, di kayo maka-gets?" biglang singit ni Lyka ng magpapaliwanag na dapat ako.
Umiling lang ang dalawa at napakamot sa ulo sila Eke at Lyka.
Si Israel ang BatComm namin. At ako ang sumunod sakaniya. At sumunod na ang iba. Basta, kaming sampu nasa listahan ng officers.
BINABASA MO ANG
Clash of Teen Buddies
Teen FictionA clash between two group of friends, na dati ay magkakaibigan naman. Ano kaya ang nangyari sa loob lamang ng kanilang huling taon sa highschool?