/49 Request

710 27 0
                                    

LYKA'S POV

*flashback*

Tumingin muna ako sa peephole ng pintuan at nakita ko ang hindi inaasahang tao sa labas.

Should I open the door?

Handa na nga ba ako?

Pero bakit siya ang nandito? Bakit alam niya bahay namin?

Psh, ate.

Dahil nakonsensya ako sa kakarinig ng katok niya, binuksan ko ito.

Nagtitigan lang kaming dalawa. Hindi malaman kung ano bang unang gagawin. Ano nga ba ang ginagawa ng mag-ex jowa? Iyakan? Bangayan?

"Uh, an-o.." nauutal niyang sabi,

"P-asok ka muna."

Okay, Angelica Francine. San nanggaling ang pasok muna? Nasan ang galit mo?

Dahil sa sinabi ko, pumasok siya sa bahay namin. At nakatayo lang siya, di parin alam ang gagawin.

Sabi ng puso ko, yakapin ko siya. Sabi ng utak ko, tama na.

Ano ba talaga ang dapat sundin? Ang puso o ang utak?

"Sabi ng ate m-"

Napatigil siya sa pag-sasalita ng niyakap ko siya. Naghihintay ako ng yakapin niya ako pabalik pero hinayaan ko siya; siguro dahil narin sa gulat kasi niyakap ko siya.

"S-sorry." sabi ko ng mangiyak-ngiyak. Siguro naghihintay ako ng sasabihin niya, pero tanging yakap ang naramdaman ko sa likuran ko at umiyak pa ako lalo.

"Sobrang sak-it lang kasi nung sina-bi mong mag-cool off tayo." sabi ko sa gitna ng aking hikbi. "Ang gusto ko kasi yung mag-ayos tayo, pero ma-s pinili mong mag-cool off tayo."

Hinahagod niya ang likuran ko at pinapatahan; pero hindi ko magawa so I keep on talking.

"Pagkasabi ko palang nag makikipag-hiwalay na ako sayo nagsisi agad ako. Gusto kong bumalik sayo para bawiin, pero pagod na kasi ang puso ko kakaintindi nung panahon na iyon."

"Depress na depress ako nung mga nakaraang araw. Sinisisi ko palagi ang sarili ko dahil sa nangyari sa atin."

"Ay-" napatigil ako sa pagsasalita ng magsalit si Paolo.

"It's not your fault, Lyka." sabi niya, "Stop blaming yourself."

At lalong humigpit ang yakap namin sa isa't-isa.

Lalo lang ako napaiyak ng sabihin niya sa akin iyon. Kahit alam ko sa sarili kong ako talaga ang may kasalanan.

Naghiwalay kami sa yakap at nakahawak ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ko.

"Do you still love me right?"

Mahal ko pa nga ba siya? Kahit sobra niya akong nasaktan noon?

"Of course," sabi ko "I still love you."

Tumulo, muli, ang luha ko at agad niya itong pinunasan.

"I didn't stop loving you." pahabol ko pa. At nakita ko ang ngiti sa labi ni Paolo na sobrang namimiss ko na.

"Can we.." sabi ni Paolo at napatingin ako sakaniya, "Can we start again?"

Handa na ba ulit akong makipag-relasyon sa kaniya? Handa na nga ba akong masaktan ulit, if ever?

Tinitigan ko muna ang mata niyang punong-puno ng sinseridad. Parang kahit hindi niya sabihin, makikita ko sa mata niya na ganon ang gusto niyang sabihin.

To be honest, I really love being his girlfriend. Kumbaga nasa kaniya na ang lahat. Pero di naman maiiwasang may kulang talaga. It is just the matter of how you solve and adjust in that situation.

"I would love to." and our lips met and niyakap ko siya.

This it the best day ever.

**

PAOLO'S POV

Muntik ko ng makalimutan na may sakit pala ang girlfriend ko. Naalala ko nalang ng hinawakan ko ang pisngi niya para halikan siya.

"You still have a fever, missy." sabi ko sakaniya. "Kailangan mo magpahinga."

Nakita ko ang busangot niyang mukha. Alam kong ginagawa lang niya yun para magmakaawa.

Wala siyang nagawa kundi humiga sa kama niya at kinumutan ko siya. Of course, marunong ako magalaga ng may sakit.

"Kung dati wala ako sa tabi mo nung may sakit ka, ngayon, ako na magaalaga sayo." sabi ko ng idampi ko ang tuwalyang nilubog ko sa maligamgam na tubig sa noo niya.

"Solo ka ng barkada noon, ngayon ako na ang sosolo sayo at wag kang magrereklamo." ngiti ko at nakatanggap ako ng batok.

"Bakit mo pala alam na may sakit ako?" tanong niya sakin habang pinaglalaruan ko ang nakahawak niyang kamay sa kamay ko.

"I think your ate thought that we were still in a relationship." sabi ko at tinitigan ko ang mukha niya.

"Did your parents knew what happened before?"

"Wala akong nabanggit sa kanila, maski ang naospital ako dahil sa disorder ko. But they knew I went to hospital pero sinabi ko na nahilo lang."

Napakamot ako sa ulo ko. Nagsinungaling pa pala siya sa parents niya para lang maitago ang nangyari sa relasyon namin.

"Uy!" nawala ako sa pagiisip ko ng pinalo niya ang braso ko. "Ano na namang iniisip mo? Nagsisisi ka bang tayo uli?"

Lumaki ang mata ko sa gulat sa sinabi niya. How could she say that?

"Baliw!" sabi ko at kinotongan ko suya sa ulo ng mahina "Alam mo bang hindi na ako mapakali nung nalaman ko kay Ate na may sakit ka? Na palagi kong naiisip kung ako ba ang dahilan kung bakit ka nagkasakit or iniisip ko kung magkakabalikan pa ba tayo."

"E ano ba kasi ang inisiip mo?" tanong niya

"Mga bagay na posibleng dahilan kung bakit ka nagkasakit."

"Hindi mo naman kasalanan," at hinaplos niya ang mukha ko dahil pi alapit niya ako. "Baby."

How I missed being called by her like that. Nakakamiss na merong palaging nandiyan para may umintindi sayo.

Yung kahit may nagawa ka ng kasalanan, may tatanggap parin sayo kahit sobrang sakit ng nagawa mo.

Kaya dahil sa chance na 'to, aayusin ko na ang sarili ko. I always set my priorities straight kasi kung hindi, sakin din naman bagsak ng desisyon ko. Karma..

"Kantahan mo nga ako, baby." sabi sa akin ni Lyka at napakamot ako sa ulo.

"Alam mo namang hindi ako marunong kumanta."

"Anong hindi, narinig kitang nakanta ng OPM dati." sabi niya at dinuro ako habang tumatawa.

"When?"

"Nung nasa backstage ka," sabi niya. "aksidente akong napunta sa backstage kasi tinataguan ko yung stalker na lower batch."

What? Nagka-stalker siya?

"Stalker? You had a stalker?" sabi ko at mukhang naguat siya.

"Hindi ko dapat sabihin yun," bigla niyang sambit. "Okay, oo meron. But, that was in the past."


Hindi ako makapaniwalang ngayon ko lang 'to alam.

"Baby, forget about it and please sing a song for me."


Ano pa nga bang magagawa ko kundi sundin ang gusto niya?

Pangako ko, last ko na 'to. Hindi na ako kakanta.

Clash of Teen BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon