Nasa school na silang sampu, thank goodness sa sunod-sunod na alarm nila kagabi at nagising sila at naligo na. Naka-uniform sila na pang-CAT para sa kanilang huling soot nito sa highschool. Malungkot man ang kanilang loob, masaya naman sila dahil alam nilang nasa mabuting kamay ang bagong set of officers for next school year.
"OFFICER'S FORM!" sigaw agad ni Israel ng nagpupulot ang ilang officers sa loob ng kanilang school at ang iba naman ay nag-aayos ng konting disenyo sa stage para sa awarding. Silang officers lang ang nasa compound.
"DA RAP!"
"TULUYANG BILANG, NA!" at isa-isang nagbilang ang mga officers.
Matapos mag-ulat ni Fajardo, pinakamatangkad sa officers, naglalakad na papuntang copacobana si Mr. Ariel para i-check ang officers.
"PUGAY, KAMAY!" at sabay-sabay silang nag-hand salute sa papuntang Mr. Ariel.
"Sir, Good Morning, Sir!" bati ng officers, kasama si Israel. At nag-hand salute din si Mr. Ariel, hudyat na pwede na nilang ibaba ang kanilang kamay.
"Good morning, Officers!" bati ni Mr. Ariel habang sumasali sa form si Israel.
"I just want to congratulate you all for the huge success of this school year's CAT because of your hardwork. Base sa mga nakikita ko at sa nababalitaan ko, magaganda ang pinag-ga-gagawa ninyo sa SLTC pati narin sa CAT ng batch ninyo."
"Kung saan man kayo patungo sa hinaharap, ang gusto ko lang naman ay wag ninyong kalimutan ang karanasan niyo simula nung nag-SLTC kayo last year, hanggang sa naging officers kayo ngayong year."
Patuloy na pagsasalita ni Mr. Ariel. Sobrang init ng araw, kahit ang aga-aga, gustuhin man nilang punasan ang kanilang mukha ay hindi nila magawa dahil sa patuloy na pagsasalita parin ni Mr. Ariel at syempre, bawal gumalaw.
Nag-announce din si Mr. Ariel tungkol sa kanilang gagawin mamaya para sa awarding ng bagong set of officers ng CAT for next year at bago sila pinagdismiss.
Halos bente minutos silang nakatayo sa initan habang nag-aanounce si Mr. Ariel, kaya lahat sila deretso MPH kung saan malilim at pinapaypayan ang sarili.
Ang call time ng SLTC ay 9:00AM pero kahit 8:45AM palang ay nasa compund na ang ilan, kaya nagdesisyon si Israel na magpa-form.
"SLTC FORM!" sigaw ni Israel, "'SA! 'WA!.."
Nakaupo ang mga officers sa plantbox kung saan nakikita nila ang pagtakbo ng mga SLTC na naka bihis ng kanilang SLTC Uniform at isa-isang nag-form.
"SAMPU! 'DA RAP!"
Bumalik muli si Mr. Ariel from teacher's lounge at umikot sa mga naka-form na SLTC Cadettes. Pinagmamasdan kung sinunod ba nila ang huling utos sa kanila para sa araw na ito.
"Ngayon, gagawa tayo ng ilang drills para maipakita kay Mr. Ariel, at sa ibang officers kung gano kayo nag-improve." sabi ni Israel. "Naintindihan niyo ba!"
"SIR, YES, SIR!"
"HARAP SA KALIWA HARAP!" at nag-marching ang SLTC Cadettes at naiwan ang ibang officers sa plantbox.
Kahit sobrang tirik ng araw, hindi parin nagpatinag ang pagsunod sa utos ang mga SLTC Cadettes sa mga utos ni Israel.
"'DA RAP!" nagpalakpakan ang mga officers sa mga SLTC Cadettes dahil sa matagumpay na drills nila.
BINABASA MO ANG
Clash of Teen Buddies
Fiksi RemajaA clash between two group of friends, na dati ay magkakaibigan naman. Ano kaya ang nangyari sa loob lamang ng kanilang huling taon sa highschool?