/23 Arrival

920 23 0
                                    

1 week passed nung nalaman nila ang totoo. Obviously, hindi parin nakakabalik si Ram from Canada at ang barkada na ang nagsabi na bumalik si Ram sa Canada for personal reasons. Tumawag narin pala ang Tita ni Ram para sabihan ang school.

Weekend ng mag-plano ang iba na mag-hang out para lang aliwin si Majo na isang linggo ng depress sa nangyari. Feeling niya siya ang may kasalanan sa nangyari sa mga magulang ni Ram which is so absurd para sa barkada. I mean, paano magiging kasalanan ng isang tao from Philippines ang aksidente sa Canada? Unless Majo were calling them? but she weren't. 

As usual, hindi sumama si Majo sa mga planned gala ng barkada. Gusto lang daw niya mapag-isa, kaso si Krishie ayaw naman paawat na ikina-dahilan pa ng pag-aaway na naman nila.

"Bakit ka pa depress diyan?" sabi ni Krishie.

"Malamang, I feel bad for Ram. Masama ba yun?"

"To the point na pinababayaan mo sarili mo? To the point na parang ikaw ang nawalan?" sabi ni Krishie. Gustong-gusto ng magalit ni Krishie kay Majo these past few days, pero ngayon lang siya sumabog. 

"Oo, because I care about him!"

"Oo nga, nandun na tayo sa 'you care about him' pero pati sarili mo pinababayaan mo? Alam mo namang ayaw ni Ram na pinababayaan mo ang sarili mo!" napagtaasan na ng boses ni Krishie si Majo na ikinabigla naman niya. Masama na palang alalalahanin ang boyfriend sa masamang nangyari? Saang lupalop nabasa o narinig ni Krishie ang ganon?

"Pero nagi-guilty ako!" sigaw ni Majo at naguguluhan naman si Krishie. "Nagi-guilty akong magpakasaya habang si Ram nasa Canada, ni hindi ko manlang alam kung ano ng balita sakanila! Nagpapakasaya ako dito pero si Ram nagdudusa doon! Imbis na nandoon ako sa tabi niya, wala kasi nandito ako nagpapakasaya!" 

Nag-umpisa ng umiyak si Majo. Nakaka-relate kasi siya sa pinagdadaanan ng kaibigan. Although, alam niya sa sarili niya na hindi siya sobrang katulad nung pinagdaanan niya nung 3rd year highschool. Niyakap nalang niya ang kaibigan. 

Ang ibang barkada ay busy sa Research Paper nila na ang kanilang defense ay last week of February. Because they love procastinating, Chapter 2 palang sila out of 5 na simula palang ng School Year nila sinimulan ang Research Paper. Nasa isang cafe silang walo ngayon habang ginagawa ang kanilang Research Paper.

May product na sila, triny na nila, nag-sulat na sila ng trial and error, or kung ano-ano pang informations tungkol sa kanilang product. Sadyang paper works nalang talaga ang kanilang pino-problema. Seniors na sila kaya alam nilang hindi basta-basta defense ang gagawin nila, ang teacher na titingin sa kanilang product sa kanilang Oral Defense ay gusto perfect ang lahat, walang sabit. 

"Nagsisisi akong hindi ko agad ginawang priotity 'tong Research Paper!" sabi ni Eke, na lider ng kaniyang grupo na kabilang sila Israel, Majo at Paolo sa group. 

"Ako nga din eh! Nawala kasi sa isip ko 'tong Research paper. Masyadong maraming nangyari." sabi naman ni Cam na lider din sa kanilang grupo kasama sila Krishie, Ram at Stena.

"Yung lider namin wala talagang kwenta forever." reklamo ni Lyka ng mai-assign sa kaniya ang Chapter 3 ng group leader niya. Pwede naman niyang gawin yung iba, ayaw na ayaw lang niya ang Chapter 3.

"Buti nalang Chapter 5 ang in-assign sa akin!" tuwang-tuwang sabi ni Kyle. Ka-grupo niya si Majo kung saan natapos na niyang ginawa ang Chapter 1 noon kaya, for short, wala na siyang po-problemahin. 

Habang nasa galaan ang ibang barkada, si Majo naman ay naka-upo sa sofa sa kanilang salas. Naka-on ang TV pero hindi iyon pinapansin ni Majo. Ilang araw na rin siyang balisa, ialng araw narin niyang hinihintay ang texts ni Ram pero walang nadating. Maski ang text mula sa Ate Che niya ay wala rin. 

Clash of Teen BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon