Ang kanilang samahan ay puno ng problema at saya. Hindi man maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan, in the end, pare-pareho parin silang masaya. May natutunan sa bawat problemang nagdaan, may ilang lunok din ng kanilang pride dahil alam nilang mas mabuti iyon gawin kesa taasan pa.
Sa clash nabuo ang kanilang samahan. Hindi man inaasahan na doon nagsimula, pero ng dahil sa clash na nangyari, dun nila nalaman angkanilang saloobin at ang kanilang nararamdaman sa isa't-isa.
Marami din ang nagbago simula ng nagkamabutihan sila hanggang sa naging sila. Ang dating maarte, naging simple na ngayon. Ang dating mayabang, mabait na ngayon. Ang dating naiinis sa insecurity, ngayon niyayakap niya nalang.
Hindi dahil matatapos ang kanilang storya, palagi ng happy ending. May pagkakataon talagang kailangan muna ng konting pahinga para mag-isip at ma-realize ang kailangang maisip.
Puso o isip? Isa sa mga tinatanong ng mga naguguluhan. May pagkakataong isip ang sinunod pero nagsisi. May iba namang sinunod ang puso, pero nasaktan ng tunay. Alin ba talaga ang kailangan piliin?
Hindi lahat ng tao ay nakalaan para sa isa. It's either they come to teach us lesson, or they come to learn a lesson. We don't need to pleased everybody. Iba iba ang pananaw ng tao sa buhay. Pero may ibang tao na may kulang sa kakayahan, kaya may nakalaang isang tao para punuan ang kakulangan.
Hindi man madali ang kani-kanilang pinag-daanan throughout their Senior year, marami silang natutunan sa iba't-ibang aspeto. Nasaktan, nagmahal, umiyak, tumawa, nainis..lahat naranasan sa buong taon ng pagiging Senior Highschool.
Nagbunga ang kanilang paghihirap at pagsasakripisyo para sa kanilang kinabukasan.
Graduation Day!
At nasa awarding ceremony na. Lahat ng Senior kabado dahil wala silang alam kung sino-sino ang mga nakakuha ng award.
"3rd Honourable Mention.." banggit ng kanilang school Principal, "Kyle Marcus Caasi."
Nabigla ang sampu sa narinig. Si Kyle? 3rd Honourable?
"Whoo, boyfriend ko yan!" sigaw ni Krishie at tumawa ang lahat. Kamot ulo tuloy so Kyle umakyat ng stage kasama ang paluhang magula niya.
"For the 2nd Honourable Mention," sunod na sabi nito "Lauren Ty."
"1st Honourable Mention," banggit ng Principal matapos ang pagbibigay ng medalya. "Angelica Francine Razon!"
Nagulat din ang lahat. Hindi alam ni Paolo kung ano ang reaksyon. Masaya siya, oo. Siguro kaloob na maghiwalay sila dahilan ng pagsisikap ni Lyka sa pagaaral nitong nakaraang buwan.
"I love you!" sigaw ni Paolo at namumula na ang pisngi ni Lyka sa hiya habang paakyat sila sa stage.
"Salutatorian for this batch is," sunod na sabi ng Principal.
Nakapikit sila Eke at Cam. Wala naman kasi talaga silang inaasahan. Alam ng buong batch na silang dalawa ang maglalaban sa posisyon ng Valedictorian at Salutatorian. Meaning, kung sino ang tatawagin ngayon isa sa kanila, automatic ng Valedictorian ang isa.
"..Danica Zazula."
Napatingin si Eke at Cam sa isa't isa. Ibig sabihin, isa sa kanila ang Valedictorian. At ang isa ay nagpabaya.
Marami ang nagulat, maski si Danica, na ngayon ay umiiyak sa gulat, hindi nila inaasahang isa kila Eke at Cam ay nawala sa Honour.
Nagpanumbalik ang mga tingin ng Seniors sa Principal na sa kasalukuyan ay nagulat sa nabasa. Hindi niya inaasahan ang magiging ganon ang resulta ng Valedictorian.
"Valedictorian for this batch is," panimula ng Principal. Nawala na ang excitement nila Eke at Cam, pero naroon parin ang kaba na sana isa sa kanila ang makakuha.
"..ops, hindi pala 'is', kundi 'are'!" nanlaki ang mata ng ibang Seniors. "Kristi Anne Munoz and Bill Cameron Legaspi Congratulations!"
Sigawan na ang ibang Seniors, iba ay nagulat, at sila Eke at Cam ay nagtinginan muli sa isa't-isa. Hindi pa nagsi-sync in ang narinig. Dalawa sila? Tie? What?
Sabay silang tumayo at ng magkita sa gitna ay hinalikan ni Cam sa noo si Eke na umiiyak. Magkahawak-kamay silang nagpunta sa stage kasama ang kanilang magulang. Hindi rin inaasahan ng mga magulang nila ang nangyari. Minsan lang mangyari na mag-tie ang Valedictorian.
"They both have 98% average, sakto! Walang decimals!" sabi ng Principal nila na naluluha. Hindi rin kasi niya inaasahan na mangyayari iyon.
Nagsitayuan ang Seniors para palakpakan ang dalawa na sa kasalukuyan ay sinusuotan ng kanilang medal. Yinakap nila ang isa't-isa.
"Congratulations, Eks!" bati ni Cam na bakas sa mukha ang saya.
"Cong-ratulations, Cam!" bati ni Eke sa gitna ng kaniyang hikbi, "I love you!"
Inakbayan niya ang girlfriend, "I love you too!"
Matapos ang ceremony, nagtipon tipon ang buong batch para mag-group hug. May naiyak, may natuwa, may walang pakealam, may mga nalungkot. Isa na yon sa mga nararamdaman ng bawat nagtatapos sa paaralan. Inaming ayaw na nila pumasok, pero in the end, ang school parin ang nagturo sa lahat ng kakaibang aral sa buhay.
Isa-isa nila hinablot ang kanilang Grad cap at hinagis pataas bilang simbolo na nagwagi sila sa kanilang paghihirap sa buong apat na taon na inilagi nila.
Hindi lang sa pag-graduate ng highschool nagtatapos ang lahat, may mga nagsasabing kapag grumaduate ka na, mas marami ka ng kailangang sakripisyong ilaan sa college.
Alam nila sa sarili nila na iba ang kanilang haharapin sa bagong yugto ng buhay nila, pero iisa lang ang ang masasabi nila,
"Kaya yan."
xx
PS: Kyaaa~ 30.5K readers! T__T Ang crappy ng plot nito, pero binabasa niyo parin! Huhuhuhu. Salamat sa pagsuporta nitong story na 'to! So cliché, pero binasa niyo parin! Salamat! Salamat! Salamat! Salamat! I love you all!
BINABASA MO ANG
Clash of Teen Buddies
Teen FictionA clash between two group of friends, na dati ay magkakaibigan naman. Ano kaya ang nangyari sa loob lamang ng kanilang huling taon sa highschool?