/47 Sick

723 24 2
                                    

Thursday ng hapon pagkatapos ng kanilang graduation practice, naiwan sila Majo, Krishie, Eke at Stena sa school para mag-decorate ng stage para sa Recognition ng undergrads bukas ng umaga.


"Mauna na kami ah?" paalam ni Ram kay Majo at isa-isa silang nagpunta sa kanilang ka-relasyon para magpaalam.

Maaga ring umuwi si Paolo dahil may kailangan balikan sa kaniyang bahay

"Napagdesisyunan naming mag-laro muna ng computer games diyan sa kanto, okay lang naman diba?" tanong ni Kyle sa girlfriend na si Krishie.

"Subukan niyong mag-adik at gabihin, magiging last niyo na yan." at sinangayunan naman ng ibang babae.

"Of course, isa o tatlong laro lang naman tapos uuwi narin kami." sabi ni Israel at umakbay kay Stena.

"Kapag hindi kayo sumunod sa usapan, ano mangyayari?" tanong ni Stena

"Of course," sagot ni Cam, "Alam na."

Ngumiti nalang si Eke sa sagot ng kaniyang boyfriend. Hindi naman kasi sa hindi nila pinagkakatiwalaan ang kanilang boyfriends, dapat lang kasi talagang may assurance sa lahat ng bagay.

"Magpunta kayo sa apartment, mamaya." alok ni Krishie, "Kain tayo dinner."

"Niceeee~" sabi ni Kyle at nakipag-apir kay Ram at Israel. "Sure, what time?"

"Mag-ttext kami kapag okay na," sagot naman ni Stena at um-oo ang ibang babae.

"Pero siguraduhin niyo lang na isa o tatlong laro lang kayo ah." sabi ni Majo at umirap kay Ram at napakamot sa ulo.

"Yes, ma'am." sabi ni Ram at niyakap si Majo.

"Eks, penge hug." sabi ni Cam at nag-pout siya. Nagdalawang isip pa si Eke na yakapin ang boyfriend, pero ginawa naman niya

"You are always beautiful, Eke.." bulong ni Cam at bigla namang namula ang pisngi nito.

"Ugh, shut-shut up!" sabi ni Eke at pinalo sa likuran si Cam ng mahina.

"I'm only kidding." sabi ni Cam at natawa, "Mas maganda ka kapag naka-yuko." 

Agad namang bumitaw sa yakap si Eke para mahampas ang boyfriend.

"J-joke lang!" sabi ni Cam habang tumawa, "Hin-di na!" 

Humirit pa ng isang hampas si Eke bago kumalma.

Bago makapag-salita si Eke, tinawag na sila ni Mrs. Sy para umpisahan ang pagde-decorate para matapos ng maaga.


Imbis na dumeretso si Lyka sa apartment, umuwi ng kanilang bahay para doon muna mag-stay. Nagulat ang kaniyang kaniyang kapatid sa sobrang putla ng kapatid.

"Uy, Lyka, okay ka lang ba?" tanong nito ng nakita niyang umupo si Lyka sa kanilang sofa.

"Ate, tubig." pakiusap ni Lyka at agad naman kumuha ang ate niya.

"Nako kang bata ka," sabi ng Ate niya, "Kung kailan naman wala sila Mama at Papa dito, at aalis ako, saka ka pa nandito, may sakit pa." 

Dali-daling pumunta ang ate nito sa kusina para kumuha ng maligamgam ng tubig para idampi sa noo ni Lyka na nakahiga na ngayon sa sofa nila.

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ng ate nito at dinampi ang bimpo sa noo niya.

"Ssh, ang ingay mo ate." 

Inirapan nalang siya ng ate niya at nagpatuloy sa ginagawa.

Tumawag ang ate nito sa trabaho niya para magpaalam na male-late lang siya. Habang natutulog si Lyka, tinawagan nito ang taong malapit kay Lyka para ipaalam ang sitwasyon niya.


**

LYKA'S POV


Nagising ako at napansin kong walang tao sa bahay. Umupo ako ng maayos para tignan ang paligid ng makita ko ang sticky note na nakadikit sa nakatakip kong pagkain sa lamesa.


Kumain ka.


Creepy.

Hindi ito penmanship ni Ate, kaya imposibleng siya ang nagsulat nito.

Tumayo ako para tignan ang paligid, baka may kung anong pumasok dito sa bahay para lang magnakaw or whatnot. And yes, I'm being a paranoid.


Thank goodness, wala naman.

Binuksan ko ang TV para manood habang kumakain ng mag-text sa akin si Mama na nakibalita kung okay lang ba ako.

"Ma, I'm fine." 

At sinabi saking pauwi na daw sila ni Papa.


Alas sais na pala ng gabi. Kailangan kong tumawag kila Majo na nandito ako sa bahay namin.

"Uy, san ka?" tanong sa akin ni Majo ng masagot niya ang phone niya.

"Nandito ako sa bahay, emergency lang."

"Everything's okay, diba?"

"Yup, kita-kits nalang sa practice bukas ng hapon."

At binaba na niya ang tawag matapos naming mag-paalam.


Papunta ako ng kusina ng may mapansin akong desert na blueberry chessecake, na paborito ko. At may sticky note na namang nakadikit sa lagayan:


Alam kong hindi ka satisfied sa main dish.


Creepy.

Ugh, who the heck is this person.

Paano kaya kung may lason ito? Tsk. Nakaka-tukso ah!


Come to think of it, Angelica, kung may lason yung pagkain, edi sana kanina ka pa nangingisay? So, walang lason ang blueberry cheesecake!

Dahil magaling ang sense ko, kinain ko nga ang cheesecake. And, oh my goodness, please let me take a bath with cheesecakes! *v*

Naubos ko ang cheesecake, wala pang 5 minutes. Please, penge pa ako T_T


Inilapag ko ang pinagkainan ko sa lababo at umakyat ng kwarto. Mamaya ko na huhugasan ang pinagkainan ko, tutal ako lang naman ang kumain. And of course, kumain na ang mga kasama ko sa bahay.

Pagka-bukas ko ng kwarto, may nakita akong human-sized teddy bear sa ibabaw ng kama ko. Omg, so fluffy.


Sa bawat paghihirap na nararanasan mo, ito sana ang panangga mo sa lahat.


Wtf, these notes are creeping me out!

I mean, ano ba talagang nangyayari? Bakit wala ako alam?

May hidden camera ba dito sa bahay? NAPAPARANOID NA AKO!

HUHUHUHUHU, Nasan ang mga parentals ko at ang ate ko!

Tinext ko muna sila Papa at Mama, na kasalukuyang nasa gitna daw ng trafic. Ganon din si Ate, na nasa office para mag-trabaho.


Being alone makes me imagine things a lot. I mean, mga what ifs sa buhay, mga regrets and etc. Pumapasok yung mga naging desisyon kung tama ba ako noon, o hindi.


Hay nako, Angelica Francine Razon, siguro kinokonsensya ka dahil hindi ka pa naghuhugas. No choice kundi ang bumaba.

Nawala ang konsentrasyon ko sa paghuhugas ng pinagkainan ko ng may biglang kumatok. Baka naman sila Mama o Papa yun? Bakit hindi nalang buksan gamit ang susi nila? Sus.


Tumingin muna ako sa peephole ng pintuan at nakita ko ang hindi inaasahang tao sa labas.

Should I open the door?

Clash of Teen BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon