Natapos ang Final Exam nila at dumeretso silang lahat sa apartment, as usual. Balak nilang mag-sleep over para sabay-sabay silang pumasok para sa huling CAT training at para ipakilala narin ang bagong officers next SY.
"Mga pakulo niyo kasing apat kayo eh!" sabi ni Krishie ng tumingin sa mg alalaki.
"Pagbabatitiin nalang ang dalawa, pinagulo niyo pa lalo!"
Naunang natapos mag-exam si Stena kaya ang aga niyang umuwi. Pagdating nga siyam sa apartment, nadatnan nilang nanonood si Stena. Ang apat na mga lalaki naman, biglang lumuhod sa harapan ni Stena na dahilan ng pagkagulat niya,
"Sorry na." sabi nila while doing praying gesture at puppy eyes. Tinignan ni Stena isa-isa ang mga lalaki, hoping to see what she wants to see. Pero wala ito, sa halip nakita niya ang boquet na red roses at tumingin siya sa humahawak.
"Israel.." sambit ni Stena at agad tumayo at niyakap si Israel.
"Sorr-y." pasimulang sabi ni Stena at umiyak. Kino-comfort lang ni Israel ang girlfriend. Na-gi-guilty siya dahil nagsosorry sa kaniya ang girlfriend niya, na dapat siya ang gumagawa.
Napakamot ang apat na lalaki dahil hindi sila pinansin ni Stena.
"Sorr-y, gusto ko lang naman tal-"
"Ssh, I understand." sabi ni Israel at patuloy parin sa pagko-comfort.
Lumabas ang walo sa apartment para mag-gala. Ayaw nilang makinig sa usapan ng dalawa dahil alam nilang hindi rin naman sila mapapansin kapag nanatili pa sila sa loob.
Naupo ang dalawa sa sala ng magkaharap at tinitignan ang isa't-isa sa mata. Hinawakan ni Israel si Stena sa pisngi at ngumiti bago hinalikan sa noo.
"I'm sorry, Stena, okay?" sabi ni Israel. "Kasalanan ko ito lahat, nangako ako sayo na hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko, hindi ko tuloy natapos lahat ng projects ko, sorry talaga at hindi ko nagawa ang responsibilidad ko bilang boyfriend mo at bilang studyante."
"Bukas, kakausapin ko mga teachers ko para humabol ng mga projects ko. Kaya baka within 2-3 days, di muna ako makabisita sayo. Saglit lang naman talaga, gagawa lang ako ng mga projects at requirements para maka-graduate ako at mapapirma ang clearance ko."
Ayaw sabihin ni Stena ang ginawa niya sa boyfriend dahil ayaw na ayaw ni Israel na may gumagawa ng kaniyang projects. Pero sa loob naman ni Stena, "Tinulungan ko na nga siya, ayaw pa?"
Niyakap nalang ni Stena ang boyfriend dahil super namimiss na niya. Kahit anong pilit niyang magalit sakaniya dahil sa ginawa sa CAT kahapon, eh di niya magawa. Pagod na pagod lang siyang magalit pa at palakihin ang kaniyang problema.
Bumalik ang magbabarkada, at nagsimula na silang kumain ng kanilang merienda. Nagdala sila ng ibang makakain dahil alam nilang wala talagang makakain sa kanilang apartment.
Sama-sama silang kumakain, na parang walang problema at ilangan. Syempre, maliban kila Paolo at Lyka na hindi nagpapansinan, pero sometimes, naguusap sila, pero casual lang, yung parang strangers lang sila ulit. Wala namang sinabi ang barkada about dun kasi at least, nagkakausap ang dalawa.
"So, okay na raw ba yung set of new officers ng CAT?" tanong ni Stena sa kaniyang boyfriend na BatComm. ng batch nila.
"Yup, he doubled check it and we're good." sagot ni Israel at kumain.
"Nakakalungkot naman iwanan ang CAT no?" biglang sabi ni Cam
"Wala ka ng paparusahan kapag mali ang tupi ng hankie," sabi ni Majo at natawa.
"Wala ka ng pagpu-push up-in kapag late." sagot ni Krishie
"Wala ng military greetings kapag may birthday sating officers!" sabi ni Eke at niyakap si Lyka.
"Wala narin tayong pagti-tripan!" sabi ni Ram at nag-apir sila ni Kyle.
"Abusing of power!" sabay na sabi ni Lyka at Stena.
"Nope! We aren't!" sabay naman na sigaw nila Ram at Kyle.
"Basta, mamimiss ko ang CAT!" sabi ni Paolo at ngumiti silang lahat.
-
All set na ang buong barkada para matulog sa sala ng apartment. Ang walo, nasa lapag, nakahiga sa banig at may kumot, habang si Paolo naman at Lyka at nasa magkabilang couch at nakabalot ng sleeping bag. Hindi parin sila kumportable na magkatabing dalawa.
"Guys, mag-alarm kayo pls." sabi bigla ni Krishie at nag-open ng phone.
"Baka walang magising sa atin." sabi ni Majo at nagopen din ng phone.
Lahat sila ng open ng phone para mag-alarm. 5:30AM hanggang 6:30AM ang inalarm nila, with 10minutes in between. Sinet din nila ang kanilang alarm tone ng super lakas at nakakairitang tono para magising sila.
"Guys, konting push nalang, graduate na tayo." biglang sabi ni Stena at niyakap siya patagilid ni Israel.
"Grabe ang pinagdaanan natin ngayong buong school year." komento ni Kyle and he caress Krishie's cheeks while thinking kung gano kahirap ang pinagdaanan nila bago naging sila.
"Yung clash moments natin! So childish!" sabi ni Majo at tumawa, bigla nalang niyang pinalo sa dibdib si Ram ng mahina.
"Pero yung sabunot talaga ni Eric, nakakaloka." sabi ni Lyka at nagsitawanan silang lahat.
"Di man tayo iisa ng university, pero ipapakita natin sa kanila na may forever!" sigaw ni Eke at umulan ng, 'tama!' ang sala.
"Guys, swimming after grad please!" sabi ni Paolo at nag-agree naman ang lahat.
'Pakiusapan ko sila Mom about the beach, kasi may kakilala ata sila ni Dad." sabi naman ni Kyle.
"Potluck nalang sa pagkain ah!" sabi naman ni Cam at nag-apir sila ni Paolo. Mga walang alam sa pagluluto!
"Kahit 1 day lang tayo dun or overnight, okay na iyon!" sabi naman ni Ram.
"Should we invite our parents?" tanong naman ni Eke.
"Should we?" balik na tanong ni Majo sa barkada.
"Hep-hep!" sabi ni Krishie,
"Hooray!" at nakatanggap ng batok si Kyle dahil sa sinabi.
"Wag na muna natin isipin, kasi may ilang araw pa naman bago ang grad!" sabi ni Krishie.
"Matulog na nga lang tayo, maaga pa tayo bukas." sabi ni Israel.
"Baka tayo pa ang parusahan ni Mr. Ariel kapag late tayo." sabi naman ni Ram.
"Goodnight guys!" sigaw ni Cam at umulan ng goodnight sa sala.
BINABASA MO ANG
Clash of Teen Buddies
Roman pour AdolescentsA clash between two group of friends, na dati ay magkakaibigan naman. Ano kaya ang nangyari sa loob lamang ng kanilang huling taon sa highschool?