2 days passed at interview day na nila sa English. Ipaapasa naman nila ang question and answers para dun mabase ang grades ng klase. Nagkaron muna ng last minute meeting ang magkaka-grupo, in case. Kasi nasa criteria rin ang pagtutulong-tulungan ng members per group.
"You may begin." sabi ng teacher nila kaya nag-sitayuan na sila.
Naghanapan na ng ibang members ang kanilang iinterviewhin, kasi nasa rule rin ang: kapag may nagiinterview na sa gustong interviewhin, bitawan nalang daw at maghanap ng iba.
Si Majo, ininterview si Bianca, while si Ram naman, ininterview ang tahimik na si Neil. Si Krishie, ininterview ang isa pang ka-close friend na si Luis, tapos si Kyle ininterview si Hannah. All of them are interviewing other people, sawa na daw kasi sila sa pagmumukha ng isa't-isa kaya napagdesisyunan nilang maghiwalay nalang. Tska isa pa, kilala na nila ang isa't-isa so why bother asking them the questions that they already know the answer?
Nahagilap ng mata ni Paolo ang kaniyang ex-girlfriend na nakikipag-interview kay Francie at tumatawa pa sila. Nang mailinga pa niya ang mata niya, natanggpuan ni Paolo ang isang bakanteng kaklase na si Marie.
Agad niya itong pinuntahan at nagtanong kung may partner na ba siya, at tamang-tama dahil wala.
"After nating grumaduate ng highschool, ano ang plano mo sa buhay?" unang tanong ni Paolo sa kaklase.
"Hmm," nagisip si Marie ng isasagot. "Actually, wala pa akong balak. Pero, since, passion ko yung mag-handle ng pera?" natawa silang dalawa. "Baka mag-Accountant nalang ako or anythin related sa money."
Sinulat naman ni Paolo ang mga sagot ni Marie sa ilalim ng kaniyang tanong. At ng matapos siya, sinabihan niya si Marie na siya na ang sunod.
"Paolo," tawag ni Marie sakaniya at napatitig naman ito. "Ito yung tanong ko."
May kinuhang ballpen ang partner ni Lyka na dahilan para mapunta sila malapit kila Paolo at Marie.
"Bakit wala na kayo ni Lyka?"
Napatigil ang dalawa sa narinig. Tinititigan lang ni Lyka ang papel niya while si Paolo napatingin sa naka-tulalang si Lyka.
Nakaramdam ng kakaibang atmosphere si Marie kaya agad niyang binawa ang tanong.
"No, no." pagpipigil ni Paolo, "that's okay, actually. You don't have to be sorry." ngiti ni Paolo
"Actually," Pasimula nito "Ako talaga yung may kasalanan. Boyfriends should take good care of his girl right? And I am so messed up not to do that."
"I mean, of course, boyfriends should be responsible and be more mature to be able to handle the relationship. But, I guess, I don't deserve her after all."
"I didn't break up with her, because I don't love her anymore, but the truth is, ayokong nahihirapan siya sa taong gaya kong walang kwenta at hindi marunong alagaan ang sariling girlfriend."
Nahuli ni Paolo na nakatitig sakaniya si Lyka na naluluha na."Gusto mo pa bang makipag-balikan sa kaniya?" nagulat si Lyka sa tanong. Paolo didn't mind the question actually.
"Of course," pa-cool na sagot ni Paolo. "I really want to. Pero kung darating man yung araw na iyon, gusto ko may ipagmamalaki na ako. I'm going to make sure na maaalagaan ko siya ng mabuti at ipagmamalaki niya ako kahit kanino."
Agad namang napatayo ang babae at pinunasan ang luha at nagpaalam na kailangan niyang mag-banyo. Sinundan nalang ng tingin ni Paolo si Lyka.
Lunch break ng magkita ang magbabarkada. The usual, wala parin si Lyka, napagdesisyunang magpunta sa library for some reason. Walang alam ang barkada sa nangyari sa pagitan nila Paolo at Lyka.
"Ang saya saya nung interview!" sabi ni Eke at kumain ng baong sandwich.
"Walang kwenta yung ininterview ko!" reklamo ni Israel. "Puro, 'hindi ko alam.' , 'wala pa akong naiisip' Parang yung totoo? May balak ka ba talaga o wala?"
"Baka naman kasi kung anong pinagtatatanong mo." natatawang sabi ni Stena sa boyfriend.
"Masaya namang ka-interview si Hannah." sabat ni Kyle at agad na pinalo sa hita ni Krishie at tinignan ng masama. Tumawa nalang ang bakrada.
"Masaya pala ah." sabi ni Krishie "Wag kang magpapakita sa akin, tignan ko lang."
Agad namang napayakap si Kyle at humingi ng sorry. Arte lang yan ni Krishie!!
"Si Danielle din, okay kausap." sabi ni Cam at tumingin bigla kay Eke na tahimik lang kumakain.
"Bakit ganiyan ang itsura mo?" pagtatakang tanong ni Eke ng makita ang boyfriend na parang dinidepensahan ang sarili.
"Akala ko mananakit ka." natatakot na sabi ni Cam.
"Sus, bahala ka sa gusto mong gawin." sabi ni Eke at bigla nalang niyakap ni Cam. "Kapag may nabalitaan lang ako, humanda ka sakin."
"Wag ka na magselos!" tinignan nalang ng masama ni Eke si Cam.
"Ugh, shut up." sabi nalang ni Eke dahil sa hiya. Kumain nalang siya ulit para mawala ang hiya sa katawan niya.
"Sana mataas naman yung makuha natin sa interview na yun!" biglang singit ni Majo.
"Tama, gusto kong itaas yung grade ko dun." sabi ni Stena.
"Nasa 85 yung akin, pero balak ko pang pataasin." sabi ni Ram.
"80 nga lang ata ako dun." sabi ni Kyle.
Hanggang sa mag-uwian, hindi nalapit sila Paolo at Lyka sa barkada. Ayaw makita ang isa't-isa. Inis na inis si Lyka sa naring mula sa ex-boyfriend niya.
"Nakakainis!" biglang sabi ni Lyka ng nasa sala sila. "Akala mo kung sinong biktima!"
"Ano ba kasi nangyari?" tanong ni Stena.
Kinuwento ni Lyka ang nangyari nung English class nila. Dahil sa inis na nararamdaman, naluluha siya pero gusto niyang manakit. Galit na galit siya kay Paolo, pero mas galit na galit siya sa sarili niya.
"Hindi na ako magmamahal ulit." sabi ni Lyka, "Itaga niyo man yan sa bato."
Simula nung nag-hiwalay sila ni Paolo, nagbago na siya. Simula sa pagka-mahiyain, unti-unti na siyang nagoopen up sa iba. Balik kpop addict na naman siya. Nag-aaral na siya ng maigi kesa mag-emo sa gilid. Dahil hindi na niya kailangan mag-laslas, dahil nagagawa niya iyon ng hindi niya namamalayan.
BINABASA MO ANG
Clash of Teen Buddies
Ficção AdolescenteA clash between two group of friends, na dati ay magkakaibigan naman. Ano kaya ang nangyari sa loob lamang ng kanilang huling taon sa highschool?