Nagdaan ang pasukan matapos ang Pasko at ang Bagong Taon. Lahat sila ay excited dahil masasaya ang kanilang pagdiriwang. Nasa cafeteria sila kumakain ng lunch ng may napansin si Lyka.
"Guys, parang may kulang."
Kumunot naman ang noo ng lahat maliban sa isa. Dahil alam niya kung ano o sino ang kulang.
"Pinagsasasabi mo diyan, Lyka?" sabi ni Stena sa kaniya na hindi alam kung ano ang sinasabi ng kaibigan.
"May kulang talaga sa atin eh." sabi ni Lyka habang kinukusot ang pisngi.
Natahimik ang ilan, di alam kung ano o sino ang iisipin nilang kulang o kung meron man.
"Si Ram." biglang sabi ni Majo na ikinabigla ng lahat. Sa loob niya, hindi niya alam kung maiinis ba siya dahil sa nangyari saknila nung Christmas break, o dahil sa hindi niya pag-pasok ngayong taon. Ang gusto lang naman niya ay kaliwanagan. Masama bang ibigay 'to sakniya?
Nagulat ang lahat sa sinabi niya. Bigla silang nagkatinginan sa paligid para ikumpirang wala nga si Ram. Isa-isa silang nagkaron ng guilt na kalimutan ang kaibigan.
"M-ay nangyari ba sainyo?" tanong ni Krishie habang ninenerbyos. Wala kasi siyang alam sa dalawa. Ni hindi nga nag-te-text sakniya si Majo kung meron man silang pinag-awayan.
"Masama bang malaman lang ang side niya muna bago ako mag-react?" sabi ni Majo habang nakatingin sa kawalan, inaalala ang tawagan nilang dalawa nung disperas ng Pasko.
Tumingin silang lahat kay Majo na naguguluhan. Ni isa sakanila walang alam sa nangyari. Yung iba sakanila nag-baitan lang ng Maligayang Pasko, pero wala manlang isa sakaninla na nag-sabi ng kanilang problema,
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Eke. This time, tumingin na si Majo sa gawi nila. Kahit nasa cafeteria sila, sobrang ingay ng paligid, wala silang pakealam, ang gusto lang naman nilang marinig ay kung anong nangyari.
"Nag-tawagan kami ni Ram nung disperas ng Pasko," panimula ni Majo. Pinipilit niyang wag munang mag-eskandalo; pinipilit niyang wag munang magalit; pinipilit niyang paniwalaan si Ram. "okay naman kami mag-usap eh. Bigla nalang may nag-salita na babae sa background. Hindi naman boses ng mommy niya yun o ni Ate Che."
Walang imik ang walo sa narinig. Ni walang alam sa mga nagaganap;
"Nung nagtanong ako kung sino iyon, binabaan lang ako." Nagulat ang lahat sa nangyari. Kasi alam nilang hindi ganong tao si Ram. "I mean, wala na ba akong karapatang mag-tanong kung sino iyon?Nakaka-stress ah."
Umupo sa katabing upuan ni Majo si Krishie. Wala kasi siyang ideya na may ganong ganap. Sino nga ba sila para husgahan ang lalaki, ni hindi nga nila alam ang totoo.
Uwian na ng naisipan ng mga lalaki na puntahan ang bahay nila Ram. Habang ang mga babae ay nasa apartment kasama si Majo na hindi malaman kung anong ire-react.
"Naiinis ako sa sarili ko.." biglang sabi ni Majo habang nanonood sila ng TV.
"Bakit?" tanong ni Stena habang ang mata ay nakatitig sa TV.
"May karaptan naman akong mag-react ngayon diba? Pero bakti hindi ko magawa?" sagot ni Majo.
"Normal lang naman ang mag-react ng ganiyan, Marjorie." sabi ni Krishie at tumingin sa kaibigan. "Syempre, girlfriend ka. Dapat may alam ka."
"Malay mo naman may pinagdadaanan yung tao kaya hanggang ngayon hindi pa nagpakita." sabi ni Eke na ikinabigla ng lahat.
"Kung may pinagdadaanan siya, dapat sinasabi rin niya kay Majo, diba?" sabi ni Lyka.
"Gustong-gusto ko, actually, magwala, kaso hindi ko magawa." sabi ni Majo ng may pagka-inis. "Pero gustong-gusto kong malaman yung side muna niya bago ako mag-react!"
Niyakap nalang ng apat si Majo; hindi kasi nila alam kung ano rin ang gagawin. Gusto nilang mainis sa kaibigan dahil sa nire-react nito, pero hindi rin naman nila siya masisi kasi siguro ayaw lang ni Majo na magka-misunderstand silang mag-boyfriend.
Alas sais na ng gabi ng maisipan ni Majo na aliwin ang sarili niya sa pamamagitan ng pagluluto ng hapunan habang ang ibang kaibigan ay nasa kani-kanilang mundo. Gustong-gusto na niyang kontakin si Ram para mabalitaan kung anong nangyari sakaniya o gusto niyang makarinig ng mga sagot sa gma tanong niya para matapos na ang pagka-baliw niya.
Nang hiwain niya ang kaniyang mga putahe para sa lutong Giniling, pinainit ang kalan, at ng nailagay na niya ang bawang at sibuyas, biglang tumunog ang phone niya na nasa lamesa. Hininaan ang apoy bago ito sagutin,
"O, Cam, bakit?" sagot niya habang naggi-gisa.
"We already know what happened to Ram."
Bigla namang kinabahan si Majo. Oo, nangingibabaw ang inis at tampo kay Ram, pero sa tono ng boses ni Cam, parang nawala na lang iyon.
"Where is he?"
"He went back to Canada."
"What? He went where?" napatigil si Majo sa paggi-gisa sa narinig mula sa kabilang linya. Bakit niya kailangang umalis? Siya naman itong may kasalanan kay Majo?
"He went to Canada kasi his parents had an accident."
At dahil sa balitang iyon, nasunog ang bawang at sibuyas sa kawali.
xx
Hello! Thank you sa 20K reads! <3 Kaloka lang!! =))
BINABASA MO ANG
Clash of Teen Buddies
Novela JuvenilA clash between two group of friends, na dati ay magkakaibigan naman. Ano kaya ang nangyari sa loob lamang ng kanilang huling taon sa highschool?