Nakalipas ang ilang araw, at nanatiling maayos ang lahat na parang walang nangyari. Yung homeworks nila, nagtutulungan sila para masagot yung mga homeworks; naka-usad na sila sa kanilang Research Paper, sa wakas, at ang ibang grupo ay nasa Chapter 4 na. They still have almost 2 weeks bago sila mag-defense.
"Can we talk?" biglang sabi ni Israel kay Stena na nagawa ng kaniyang late homework sa Trigo. Ayaw niya sanang makipag-usap kay Israel ngayon, kaso dahil sa seryosong tono nito, pumayag nalang siya.
Pumunta silang dalawa sa copacobana ng school grounds. Maraming naglalakad na studyante pero wala silang pake-alam sa ibang tao. Makapag-usap lang sila ng matino.
"Ano talaga ang problema natin, Ste?" tanong ni Israel sa nakaupong si Stena.
"Bakit ayaw mong mag-salita?" kalmang sabi ni Israel, gusto na niyang magalit, pero hindi niya magawa. "I'm trying to fix our relationship, here?"
Hindi makapag-salita si Stena. Oo, gustong-gusto niyang makipag-ayos, pero feeling niya may mali sa sarili niya.
"P-pwede bang sa ibang araw nalang tayo mag-usap?" sabi nalang ni Stena.
"I've been giving you almostt 1 week to think? Hindi pa ba sapat iyon?"
Kung tutuusin, matagal na nilang issue iyon; kaso ayaw lang nila pansinin. Hanggang sa isang araw, may naganap..
Nagkita sila Stena at Israel sa isang coffee shop. Gusto kasing pag-usapan ng personal ni Israel ang problema nila ni Stena.
"Totoo ba yung tinext mo sa akin?" tanong ni Israel.
"Feeling ko kasi you don't deserve me, Israel." sabi ni Stena ng hindi natingin kay Israel.
"Ano namang karapatan mo para sabihin mo yan? Yung kung deserve ka ba sa pagiging girlfriend ko, ako ang nakakaalam nun, bakit mo ba iyan naiisip?"
"Gusto ko naman kasi mag-hingi ng space to think," sabi ni Stena. "Yung lang muna Israel. Mag-iisp muna ako, ha?"
Umalis lang si Stena at naiwan si Israel na litong-lito habang tinitignan ang text sakaniya kagabi ni Stena.
"Israel, let's break up."
"So, Stena. Ano na?" sabi ni Israel. Gustong-gusto na kasi ni Israel malaman ang problema. Gusto niyang maayos silang dalawa.
Hindi parin nagsasalita si Stena.
"Do you still love me?" tanong ni Israel ng nilapitan niya si Stena. Si Stena na naluluha na sa mga nangyayari.
"O-ofcourse, I do." sabi ni Stena at napapikit nalang siya. Mahal na mahal niya si Israel, siya lang ang taong nakakaintindi sa kaniya.
"Then, ano ibig sabihin non?" tanong ni Israel at pinunasan niya ang luha ni Stena. "I want this relationship to work out. Gusto kong magkaayos tayo."
Nagtitigan lang silang dalawa. Naghihintay kung sino ang magsasalita.
"I-Israel.." panimula ni Stena, "Naiinsecure ako.." sabi nito.
"Naiinsecure ako dahil hindi na kita naaalagaan na gaya ng dati, naiinsecure ako kasi maraming babaeng lumalapit sa iyo na sobrang ganda, sobrang matalino, naiinsecure ako kasi mayaman kayo, ako mahirap lang, naiinsecure ako kasi feeling ko wala akong kwenta, naii-"
![](https://img.wattpad.com/cover/3330317-288-k126245.jpg)
BINABASA MO ANG
Clash of Teen Buddies
Fiksi RemajaA clash between two group of friends, na dati ay magkakaibigan naman. Ano kaya ang nangyari sa loob lamang ng kanilang huling taon sa highschool?