The week went well. Going strong parin ang relationship ng barkada, with the exception of Paolo and Lyka; mga hindi parin nagpapansinan. Friday na at uwian, napagdesisyunan ng barkadang mag-gala naman dahil minsan nalang sila mag-gala. Umuwi nalang si Lyka sa apartment, kesyo may gagawin daw. While si Paolo ganon din.
Dumating sila sa malapit na mall after 15 minutes travelling. They decided to go to food court first to eat before to roam around. Snacks lang ang binili nila dahil mga busog pa naman dahil sa school.
"Buti nalang weekend na!" sabi ni Stena at hiniga ang ulo sa table matapos niyang kumain.
"May projects pa kay Ms. Tolentino!" sabi ni Majo at hinilamos ang kaniyang mukha.
"I know right! Hirap hirap ng project niya." sabi naman ni Krishie matapos niyang maglagay ng polbo sa mukha niya.
"Nasan na nga ba sila Cam? Tagal ah?" reklamo ni Eke ng i-check niya ang phone niya. Tinitignan kung nag-text ang boyfriend pero wala.
Tinatawagan na nila ang kanilang ka-relasyon pero ni-isa sa kanila walang sumagot. Hanggang sa namataan ni Stena ang boyfriend na si Israel at nasa likod naman nito ang tatlo.
"Bakit ang tagal niyo?" tanong ni Majo ng makaupo sa tabi niya si Ram.
"W-ala." utal na sabi ni Ram. At dahil sa utal na iyon, nagkaron ng kutob ang mga babae.
"Kumain na kami, kayo?" tanong ni Krishie. Nagkatinginan ang apat at sabay sabay na nagsabing hindi sila gutom.
Nagtataka ang mga babae dahil wala sa mga mood ang kanilang ka-relasyon. Ang mga lalaki pa nga minsan ang mga nangunguna sa kalokohan, pero anong nangyrai ngayon at wala sila sa mood?
Nag-decide ang barkada na maghiwa-hiwalay kumbaga couple date. Though sawang-sawa na sila sa isa't-isa, hindi parin nila maaalis sa isipan na mas masaya parin ang gala kung ang kasama ay ang mga ka-relasyon. Kumbaga, kahit cliche na, eh na-eenjoy parin nila ang isa't-isa.
The usual date ang ginawa ng magka-relasyong Eke at Cam. Harutan at laro sa mini theme park ng mall. Yun kasi ang kanilang stress reliever para ma-relax naman ang kanilang utak mula sa acads. Paborito nilang sakyan ang vikings tapos sumunod ang bump car. Kung gaano kalakas ang bungguan nila sa bump car, ganon ka taas ang frustrations nila sa acads.
Maski sila Majo at Ram ganon din. Ang pinagkaiba lang nila, sa gadgets sila tumatambay at nakikilaro ng free video games. Paunahan silang mainis, matatapos lang sila kapag nag-walkout ang isa. Usually si Majo ang nananalo, pero si Majo ang nagwa-walk out. I know, their relationship is weird.
Sila Stena at Israel naman, obviously, nasa isang dance studio sila. Nirerentahan iyon para dun sila gumawa ng sayaw o minsan ng free-style na steps. Kapag may natapos sila, ire-record nila iyon at ilalagay sa youtube. Libangan na nila ang gawin iyon, since palagi silang sinasali ni Ms. Tan sa mga dance contest at gusto ni Ms. Tan na palaging short notice ang kaniyang yaya. Ayaw na daw kasi nila ng ngaragan, kaya nila ginagawa yun para laging handa.
Sila Kyle at Krishie naman, parang wala sa mood gumala. Ni hindi magawang magsalita ni Krishie dahil sa nararamdamang awkwardness sa pagitan nila. Hanggang sa bigla nalang umupo si Krishie sa bakanteng upuan at sumunod naman si Kyle.
"Okay, Kyle" pasimula ni Krishie "What's wrong?"
Ayaw sabihin ni Kyle ang nangyari kanina. Ayaw niya kasing masaktan ulit si Krishie ng dahil lang dun.
"Wala," sabi nalang ni Kyle. "Don't worry."
Nagbuntong hininga nalang si Krishie. Dahil alam niyang nagsisinungaling ang boyfriend.
"Kung ayaw mong sabihin, okay lang." sabi ni Krishie at tiningnan si Kyle. "Ang gusto ko lang talaga is yung honest ka sakin."
Ngumiti nalang si Kyle. Hinawakan niya ang dalawang pisngi ni Krishie at saka hinalikan sa buhok. Nag-aalala tuloy ang girlfriend sa ginagawa ni Kyle.
Napagdesisyunang maging maganda ang atmosphere nilang dalawa. Dahil ma-fashionista ang dalawa, nagpunta sila sa department store para mag-tingin ng ibang usong damit.
"Kyle?" napatingin ang dalawa sa taong tumawag kay Kyle, at nagulat si Krishie, pero mas nagulat si Kyle.
"Cloe?"
Bigla nalang niyakap ni Cloe si Kyle ng wala manlang pasabi. Inunawa nalang ni Krishie ang nangyari pero sa isip niya, kanina pa niya pinatay si Cloe.
"How are you?" tanong ni Cloe kay Kyle habang nakahawak parin siya sa braso ni Kyle. Tinititigan nalang ni Krishie silang dalawa, wala siyang ginagawa dahil ang gusto niya mismo ay si Kyle ang lumayo, pero wala atang balak.
"I-I'm doing good." sabi ni Kyle. "Ikaw?"
Hinihintay ni Krishie na ipakilala siya ni Kyle kay Cloe. Of all girl students in their school, kay Cloe siya nagkaron ng malaking insecurity na hindi mawala-wala kahit sila na ni Kyle. Dahil feeling niya, konting kembot lang ni Cloe, bibigay na si Kyle.
Napagdesisyunan ng umalis ni Krishie ng hindi nagpapaalam. Hindi na niya kasi mahintay yung plano niya sa utak niya, wala nga atang balak. Masaya naman ata siya na kausap ang babae. Tinext niya ang mga barkada na mauuna na siyang umuwi at iniwan ang boyfriend kasama si Cloe.
"Where are you?" text ni Kyle sakaniya ng makauwi siya ng kanilang apartment. Hindi sinagot ni Krishie ang text ng boyfriend and she turned off the sounds to her phone.
"Ano nangyari?" tanong ni Lyka na kasalukuyang nanonood.
"Si Kyle kasi," sabi ni Krishie at kumain ng Roller Coaster. "Nagkita sila ni Cloe."
"What?" gulat na tanong ni Lyka. "Cloe, as in yung gumamit kay Kyle para pagselosin ang boyfriend?"
"Oo," sabi ni Krishie.
"Anong problema?"
"Bwisit, inuna niya ang pakikipag-usap sa babaeng iyon?" Pagpapaliwanag ni Krishie, "Hello? I'm the girlfriend here?" at irap niya.
"Hindi ka manlang ba hinabol or what?"
"Umalis ako ng walang paalam sa inis ko." sabi ni Krishie at umirap. "Si Cloe ang landi, tapos si Kyle gustong-gusto! Umaasa nga akong lalayo siya eh! Hindi nakakaramdam!!"
"Hay, bukas magusap kayo ah." sabi ni Lyka.
Hindi nakasagot si Krishie at nanood nalang rin ng TV. Chineck niya ang phone niya kung may panibagong text, pero ni-isa wala parin.
BINABASA MO ANG
Clash of Teen Buddies
Novela JuvenilA clash between two group of friends, na dati ay magkakaibigan naman. Ano kaya ang nangyari sa loob lamang ng kanilang huling taon sa highschool?