/40 Ngiti

729 32 0
                                        

A/N: 10 Chapters left! ^^

***

Monday.

Isang week na puno ng deadlines ng kanilang mga projects, mga pasahan ng final projects, final requirements as a Graduating student. Handa na ang barkadang magpasa ng kanilang projects sa lahat ng subjects nila, maliban lang sa isa- Israel. Gipit na gipit kasi sa oras ang pag-pa-practice niya, kung may pagkakataon naman siyang gumawa ng kaniyang mga requirements, hindi niya magawa kasi nakatuon ang kaniyang isip sa choreography na naiisip niya.

"Please, pass your projects forward." sabi ng kanilang Economics teacher. Lahat sila nagpasa na, takot sa magiging reaksyon ng teacher kapag kulang ang nagpasa. Sinabihan kasi sila na dapat on time ang pagpapasa para hindi mahirapan ang teacher at hindi rin mahirapan ang student lalo na nga't graduating sila.

Binilang ng kanilang teacher ang mga folders ng kanilang kaklase at tumungo, pinapahiwatig na kumpleto ang projects.

Naguluhan si Israel kaya napagdesisyunan niyang kausapin ang teacher mamaya para magpaalam na ipasa ang kaniyang project kinabukasan, tutal tapos na nman niya ang project niya.

Hindi pinapansin ni Stena si Israel dahil alam naman niyang busy ang tao, kung hindi 'May practice ako mamaya.' ang maririnig niya, 'Wala ako oras.' . Kaya, why bother asking him?

"Nasan si Israel?" tanong ni Kyle ng makahanap sila ng pwesto para sa kanilang lunch.

"Kinausap ata si Mr. Pats tungkol sa Econ niya." sagot ni Cam. Tumahimik lang ang babae na busy sa pagkain. Si Eke at Cam nagrereview na para sa finals next week.

"Hindi muna pala ako makakasama sa group study mamaya." sabi ni Ram. At naintindihan nila iyon. Alam na nila ang nangyari kay Lianne. Pinangako naman ni Ram na wag silang mag-alala dahil hindi niya pababayaan ang Finals.

"Gusto mong samahan na kita?" sabi ni Majo. Gusto rin kasing dalawin ni Majo si Lianne.

"Marjorie, may kailangan kang tapusin sa Filipino, sira." sabi ni Lyka sa kaniya at parang nagka- lightbulb.

"Ay, onga pala." sabi nalang ni Majo at natawa. Ngumiti nalang si Ram sa narinig.

"Guys una na ako, mag-aral pa ako." sabi ni Stena at biglang tumayo.

Walang nakapansin sa kinikilos ni Stena dahil tuwing napapalapit ang Finals, nagiging seryoso si Stena sa pag-aaral kaya wala silang ni-react kundi, 'Sige, kita kits mamaya.'

Ang totoo nyan, gusto lang talaga mapag-isa ni Stena. Pumunta siya sa library, tahimik na, wala pang manggugulo sa kaniya. Gusto niyang mag-isip ng kahit na ano.

It's been 4 straight days ng hindi sila nagkikita ni Israel, maliban sa klase, minsan dederetso agad sa Dance Room si Israel para mag-practice, hindi narin sila nag-uusap maski text messages man lang. Maski nga batian lang sa hallway, wala.

Pilit iniintindi ni Stena sa Israel sa ginagawa nito dahil sobrang busy at gahol sa oras. Ayaw niyang maging under niya si Israel, gusto parin naman niyang gawin ni Israel ang gusto nito. Pero ang hindi pag-pansin at pag-kamusta sa girlfriend? ibang usapan na yan.

"Thank you po, Mrs. Perez." paalam ni Stena sa teacher at uamlis siya ng Teacher's lounge.

"San ka galing, Stena?" tanong ni Eke ng makasalubong niya ang kaibigan. Pareho silang papunta pabalik ng classroom galing lunch.

"Wala lang, may tinanong lang." sagot ni Stena.

Nag-plano ang barkada na mag-group study at syempre, hindi mawawala dun ang bonding. Sasasma ang lahat, maliban kila Israel at Ram. Wala namang naging bad reaction ang lahat, dahil alam naman nilang may mga valid reasons ang dalawa.

Late dumating si Eke dahil may hinabol pa sa library- sinauli niya yung librong hiniram niya na 2 days ng due. Baka kasi pagbayarin pa siya kapag hindi pa niya isauli.

"Pag-aralan natin ang Math please." sabi ni Majo ng binuklat niya ang kaniyang Math textbook at ang kaniyang notes.

"Sa Physics naman ako." sabi naman ni Kyle.

Abala sila sa pag-aaral at sa pagtuturo sa isa't-isa. Nagluto naman si Majo at Krishie ng kanilang merienda habang nag-aaral. Si Stena naman, nakaupo sa sofa, naka-earphones at nagbabasa ng kaniyang notes- parang wala siyang tanong sa mga subjects nila.

Bigla niyang sinarado ang notes niya at pumasok sa kwarto, at paglabas niya may dala-dala siyang laptop at USB. At nagulat sila sa naktia.

"Ano gagawin mo diyan?" tanong ni Majo

"May ise-search lang ako, parang mas naiintindihan ko minsan sa online." sabi ni Stena. "Not meant to be offensive sainyo ha!"

"Sus, wala iyon. Tska, nagtuturuan din kami dito, don't worry." sabi ni Eke at ngumiti.

Nagpatuloy sila sa pag-aaral habang si Stena ay busy rin.

Hapunan ng mag-aya sila Krishie kumain. Nagluto si Majo ng simpleng putahe na Sinigang na Baboy dahil naka-thaw naman ang baboy sa loob ng ref. Habang nag-luluto si Majo, na kasama si Ram, nanonood sila ng movie para daw break sa pag-aaral.

"Wag yan please!" sabi ni Kyle .

"Wrestling nalang!!" suhestyon ni Cam

"Wrestling na naman?" reklamo ni Eke at nagkamot ng ulo.

"Eh diba, babe, favourite mo si Triple H dun?" tanong ni Cam.

'Ano naman alam ko diyan sa mga wrestling na yan!" sabi ni Eke.

"Manood nalang tayo ng nakakatakot." suhestyon ni Paolo.

Hindi nag-react si Lyka, kasi ayaw na ayaw niya ang horror.

"Ay de joke, di nalang." sabi ni Paolo ng mapansini niya ang reaksyon ni Lyka. Bigla niya kasing naalalang ayaw na ayaw niya ng horror.

"Please, wag mong tatangkaing pindutin ang romance!" sabi bigla ni Kyle, ng naghahanap si Krishie ng movie sa category na 'Romance'.

"Manood nalang kayo ng anime, Juice miyo." sabi ni Stena.

"Detective Conan, utang na loob!" biglang sigaw nila Majo at Ram at natawa sila parehas. Favourite nilang dalawa ang Detective Conan.

At dahil wala ng ibang ma-suggest ang barkada, Detective Conan ang pinanood nila.

Nakatapos sila ng dalawang esisode at natapos sila Majo at Ram magluto. Kaya habang nanonood sila, nakain din sila sa sala.

Nakayakap si Eke kay Cam habang nanonood kasi kinakabahan siya sa tuwing nagsasabi na si Conan ng kaniyang mga ebidensya or kapag nagfa-flashback yung nangyari. Hindi din niya alam kung bakit ganon siya.

Nagtakip ng mukha si Lyka, kahit wala namang nakakatakot. Sadyang ayaw lang niya talaga yung ginagamit na background music sa tuwing lulutas na si Conan ng case. Para kasing may biglang susulpot. Napapikit siya at hindi niya namalayang nasasandalan na niya si Paolo. Hinayaan lang iyon ni Paolo dahil gusto niya rin naman.

Hindi na niya naiisip ang pinapanood, basta ang nasa isip niya ay si Lyka. Naku-cute-an siya sa tuwing natatakot ito, at hindi niya namamalayang napapangiti siya.

Clash of Teen BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon