Nakarating sa street nila sila Eke at Lyka ng hindi nakakapag-usap. Gustong-gustong magtanong ni Eke kaso natatakot siya, pero dahil curiosity killed the cat, satisfaction brought it back , nagtanong siya.
''Kilala mo siya?"
Nauunang maglakad si Lyka kesa sa kaniya ng iilang sentimetro. Hindi magawang tabihan ni Eke ang kaibigan kasi baka mamaya bigla nalang siyang manugod.
"Eh may ideya ka ba kung sino?"
Hindi makasalita si Lyka sa tanong. Dahil kung tutuusin hindi rin niya alam kung sino yung babae dahil ngayon lang din niya nakita.
"Kung ano man yang tanong mo, wala rin akong alam sa sagot." sabi nalang bigla ni Lyka. Nakarating sila sa apartment ng napatigil si Lyka sa pagpasok sa gate. Humarap ito kay Eke.
"Eks, pwede favor?" tanong ni Lyka at um-oo nalang si Eke. "Wag na wag ka sanang magbabanggit kila Krishie, Majo at Ste ah?"
"Bakit naman?"
Huminga muna ng malalim si Lyka bago amgsalita.
"Gusto ko kasing kami ni Paolo mag-ayos nito, ayokong may nadadamay." sabi ni Lyka at ngumiti nalang si Eke.
Pumasok sila ng walang nagsasalita.
"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni Majo na busy-ng busy sa pag-gupit ng kaniyang project.
"Secret." sabi ni Lyka, trying to be cheerful.
"Nice try, Lyka." sabi ni Krishie na ikinabigla niya. "May nangyari no?"
Kinabahan sila Eke at Lyka.
"Ayan na naman yang instinct mo kuno, Krishie. Tigilan mo yan." natatawang sabi ni Stena at binato siya ng papel.
"De joke lang, girls. Nabili niyo ba yung favourite flavour ko na Chips Ahoy?" Nabuhayan naman ng dugo ang dalawa. At inilabas nalang nila yung mga pagkain nila.
Gumawa sila ng tahimik habang nakain. Kaso si Lyka hindi makapag-concentrate sa ginagawa. Habang kinakabahan naman si Eke kay Lyka.
"Ouch!" sabi ni Lyka na ikinabigla ng apat. Aksidente niyang nagupit ang hintuturo habang iniiisip niya ang nakita.
"Yan na nga ba ang sinasabi ko eh." sabi ni Eke ng inabot kay Majo, na marunong sa first aid, ang first aid kit nila. Siniringan nalang ni Lyka si Eke para sabihing wag ng ipaalam.
"Inaantok ka na ba?" tanong ni Majo at tumingin sa orasan na 11:30PM na. "Hindi ka nga pala sanay matulog ng late no? Matulog ka na after nito, ah?"
Nang malinis ni Majo ang dalawang hiwa sa daliri ni Lyka ay pinagpahinga na nila siya. Alam kasi nilang nasasaktan ni Lyka ang sarili niya sa tuwing late siya matutulog dahil siguro sa hilo kapag dis-oras na ng gabi. Pinangako nalang nila na tatapusin ang project para sa kaibigan.
Pero hindi iyon ang alam nila na totoo. Si Eke lang ang nakakaalam nun.
Nagising sila kinabukasan ng late dahil late naring sila natulog. At dahil sabado, wala silang gagawin kung hindi tumunganga sa apartment nila. Si Lyka ang pinaka-late na nagising sakanila na ikinabigla ng apat. Dahil kahit gaano ka-late si Lyka matulog, siya ang mga nangunguna sa maagang nagigising kinabukasan.
"Ste, katukin mo nga kwarto ni Lyka, alas-onse na o." sabi ni Majo habang nagluluto ng kanilang pananghalian. Ginawa naman ni Stena ang inuutos sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Clash of Teen Buddies
Teen FictionA clash between two group of friends, na dati ay magkakaibigan naman. Ano kaya ang nangyari sa loob lamang ng kanilang huling taon sa highschool?