Nasa school na ang barkada, maliban ang dalawa - Lyka at Paolo. Nagtext si Lyka na kailangan niya munang manatili sa bahay nila, habang si Paolo naman ay nag-text dahil may kailangan daw siyang gawin.
"Last practice na, saka naman wala yung mga yun!" sabi ni Eke patungkol kila Paolo at Lyka.
"Pinayagan naman sila nila Mrs. Co, kung maka-reklamo?" sabi ni Stena,
"Hindi naman, malay mo may sudden changes, diba?"
"Kalma, okay?" sabi ni Eke.
"Nagbibiro lang naman ako, Eks." sabi ni Stena at niyakap niya si Eke.
Mga ilang sandali, nag-start na naman ang mahabang pagpa-practice. Kahit huli na ito, hindi parin mawawala sa mga mukha ng Seniors ang pagka-bagot.
"Omg, I want to take a break." reklamo ni Krishie
"Kahit covered 'tong MPH, ang init parin." sabi ni Majo na sinangayunan ni Stena.
"Lunch break na ata after nitong pasadang ito." sabi ni Kyle at binigyan ng tubig si Krishie.
"Sana naman ano, sus naman." sabi ni Eke.
"Sana after ng lunch break, tapos na talaga." at sabay tawa ni Stena dahil alam niyang hindi mangyayari.
"Ay girl, magdilang anghel ka sana." sabi ni Krishie at nag-apir silang dalawa ni Majo.
"Punta kami sa apartment niyo mamaya." biglang sabi ni Israel at napatingin ang mga babae sa kaniya.
"At anong gagawin niyo doon?" tanong ni Stena sa boyfriend.
"Mag-oovernight ulit!" sagot ni Ram.
"Ha? Sinong may sabi?" tanong naman ni Majo.
"Kami?" sagot ni Kyle at tinitigan siya ni Krishie.
"Teka nga, bakit, ayaw nio ba?" tanong ni Cam.
"Biglaan kasi kayo magdesisyon!" sabi ni Eke.
"Ay, ano bang problema dun?" kalmadong sabi ni Kyle,
"Wala kayong kakai-"
"Then, kami bahala sa pagkain?" sabi ni Israel.
"Mag-aambagan kami." sabat ni Cam na sinangayunan lahat ng mga lalaki.
"Call." sabay-sabay na sabi naman ng mga babae.
Yun kasi ang gusto ng mga babae; dahilan lang yung mga sabi nila kanina. Ang totoo niyan, gusto rin nila. Pero mas gusto nila yung mga lalaki ang magpo-provide ng pagkain. Genius, right?^^
Pinag-lunch break ang Seniors at imbis na kumain sila ng sabay-sabay, nagrquest sila na solo-solo muna at sumangayon ang lahat.
As usual, kwentuhan ng ibang bagay. Mga future plans sa college, kamustahan sa pamilya at kung ano ano pa. Minsan, nagrereminisce sila sa mga nangyari nung nakaraan, or kung pano naging sila or kung anong nangyari bakit may ganito or ganiyan, etc.
"Magkakatuluyan pa kaya sila Lyka at Paolo?" tanong ni Stena sa boyfriend na sa kasalukuyang kumakain ng tinapay.
"All they need to do is to talk." sabi ni Israel, "I mean, kapag naayos nila edi mas maganda. Kapag hindi naman, dapat at least maging magkaibigan uli sila. Although mahirap yun."
BINABASA MO ANG
Clash of Teen Buddies
Ficção AdolescenteA clash between two group of friends, na dati ay magkakaibigan naman. Ano kaya ang nangyari sa loob lamang ng kanilang huling taon sa highschool?