/42 Love&Care

717 30 0
                                    

STENA'S POV

Finals day! UGH. 

Filipino lang naman ang Finals at Econ. Kaso, pucha, pa-major eh! Nakakainis! Kahit hapon pa naman ang scheduled exam namin, nagising na ako ng maaga para mag-review. Baka kasi makalimutan ko ang mga pinagaralan ko kagabi. Nakakainis talaga, sana uamga nalang ang schedule namin. 

"Stena, kain na." aya sakin ni Majo. 

"Hindi ako gutom, Majo. Thanks." sabi ko at nagbasa ng notes ko. Ang totoo niyan, wala talaga akong ganang kumain. Kinakabahan kasi ako sa Finals, pero kasi nag-aalala ako kay Israe-

ANO BA YAN STENA. Nag-aalala ka pa ba sa mokong na iyon na walang ginawa kundi atupagin ang Dance Contest? Asan ang pangako niyang uunahin ang acads kesa sa pagsasayaw? Nasan yung pag-asa mong rereply siya sa mga text mo or tawag manlang? 

Naguguluhan na ako. I'm supposed to be mad at him, not worrying about him! Wala siyang kwenta! Nasan ang pangako niya? Wala! Nasan ang pakealam niya? Wala! Bwisit. 

Wala na ba akong karapatang mag-alala sa kaniya bilang girlfriend niya? Mismong projects niya hindi niya maasikaso dahil sa Dance Contest na yan! Pano kung hindi siya maka-graduate on time? 

"Hoy, Stena!" sigaw ni Eke at nagulat siya, "Umagang-umaga lutang ka!"

"Gaga." sabi ko nalang at natawa. 

"Wag mo ako ginagaga 'gaga' diyan, alam kong may problema ka." 

Boom, huli. 

Kahit kailan talaga, matalino talaga itong babaeng ito. Maski ka-plastikan ko nahahalata niya. Aba, siya na. 

"Wala, baliw." sabi ko nalang at ibinaling ang atensyon ko sa reviewer ko. 

"Kung ayaw mong mag-sabi, okay lang." sabi ni Eke at umupo sa sofa, "Maghihintay kami." 

Ang swerte ko talaga sa mga pugong ito. Kahit ayaw kong sabihin, nalalaman parin nilang may problema ako. Kilalang-kilala talaga nila ako.

Nag-aral nalang ako, ang kaso, wala talaga napasok sa isip ko. Pucha, paano kapag zero ang makuha ko sa exam mamaya? Tsk. 

"Kapag walang napasok, mag-break muna." sabi ni Lyka at ngumiti nalang ako. 

"Parang ikaw wala kang problema ah." sabi ko at biglang nagbago ang expression niya. Sabi ko na nga ba eh. 

"Mahal mo pa ano?" bigla kong tanong at nabigla siya. 

"Hi-"

"Subukan mong tumanggi." sabi ko at binantaan ko siya. Nakikita ko naman talaga sa mata niya tuwing nakikita niya si Paolo o magkakasama kaming magbabarkada na may 'something' na nasa mata niya. 

"Ewan ko sayo!" pikon na sabi ni Lyka at pumaok sa kwarto niya.

Hindi parin ako nawawalan ng pag-asa na anytime this day, or bago mag-graduation, magkakasundo ulit ang dalawa. 

"Krishie, maligo ka na!" sigaw ko ng matapos akong maligo. Pupunta na kasi kami sa school para mag-exam. 

Kinakabahan kasi talaga ako. Sa apat na oras na nilaan ko para magreview ngayon umaga, ni isa walang pumasok sa utak ko kakaisip sa hinayupak na iyon. Na hindi manlang ako inaalala. 

Oo nga't nag-text, goodluck naman. Putek, hindi goodluck ang kailangan ko sakaniya ano! UGH!

Nag-handa kami ng mabilis para maagang makapasok sa school. Duty pa kasi kami sa CAT; officers kasi kami kaya kailangan on time ang pasok. Kung hindi lang talaga ako officer, magpapa-late ako sa exam time eh. As if namang magawa ko iyon. 

"Ano exam niyo?" tanong sa akin ni Karina, na batchmate ko, kabilang section kasi siya. 

"Filipino tska Econ." sagot ni Krishie. 

"Kami nga Trigo at Social." sabi niya at kamot sa sarili. 

"Buti pa kayo, major subejct agad!" sabi ni Lyka at nag-pout. 

"Goodluck nalang sa exams niyo ah!" sabi ni Karina at nagpaalam na. Isa siya sa mga officers ng CAT, kaya medyo close kami sakaniya.

Dumating si Kyle at niyakap si Krishie na katabi ko. Hay nako, love birds. Ganon din ang ginawa ni Ram kay Majo, na akala ko magkakaway at amgkakaron ng WWIII nung nakaraan, pero naayos din. Tapos si Eke at Cam? Nako, time out daw muna ang PDA, pag-aaral muna daw ang atupagin. Saka na ulit mag-resume after Finals. 

Ako tska si Israel? Nako. Hindi na ako aasa. Mag-aaral nalang ako. 

"Lo-"

"Guys, library lang ako. Hindi ko kinakaya ang ingay ng mga bata sa cafeteria." sabi ko at umalis bigla. 

Half true, tho. Hindi talaga ako nakakapag-concentrate kapag maingay ang paligid ko, pero siyempre, dahil dumating si Israel, ayoko muna siyang kausapin. Nakaka-wala ng kunsentrasyon. 

Hindi umangal ang barkada. Kasi alam nilang ganito ang gawain ko kapag finals talaga, hindi nila napapansing iniiwasan ko si Israel. 

"Hay salamat, tahimik ang paligid." sabi ko sa isip ko at nagumpisang nagbasa. May almost 45 minutes pa naman bago mag-bell. 

Iilan lang ang mga studyante dito sa loob ng library, siguro ayaw din ng maiingay. Break time kasi, kaya maingay ang school, wala kasing nagttest kapag break time, so malayang nakakapag-ingay.

"Mag-usap tayo please." nagulat ako sa narinig ko. 

Humarap ako kay Israel na nakatayo sa harapan ko. Ibang iba na ang itsura niya nung huli kaming nagkita. Nagkaka-hugis ang kaniyang mukha na dati bilugan (hindi siya mataba, pls), yung mugto mga mata niya, lumaki ang eyebags niya. Gusto kong maawa sa kaniya ang kaso.. hindi kayang bumaba ng pride ko.

Okay Stena, hindi mo naman siya papatawarin agad eh. Pakinggan mo muna ang side niya bago ka mag-decide. Hindi naman kailagan ngayon-ngayon mo siya patawarin. 

Lumabas ako after makipag-talo sa isip ko. Naupo kami sa may malapit na hagdan sa may library kung saan pababa papuntang cafeteria at mga ilang classrooms. 

"Nandito ako para imbitahin ka sana bukas sa Dance Contest." 

WHAT THE HELL? 

Paliwanag, Stena? Yeah right. Asa ka boi. 

"Kung hindi naman pwede, okay lang. Alam kong nagseseryoso ka kapag Finals." sabi niya at ngumiti. Hindi ko kinaya ang confidence nito. Boyfriend ko ba talaga 'tong kausap ko?

"Yan lang ba ang sasabihin mo?" pagta-taray kong sabi. Naiinis kasi ako. Hindi ko naman kailangan ang goodluck at ang pag-imbita niya sa akin sa Dance Contest!! Babae ako, kailangan ko ng pagmamahal niya at pag-aalaga niya! 

Umalis ako sa harapan niya at dumeretso sa school gym. Tamang-tama kasi na nag-bell para magumpisa ang assembly bago mag-exam proper. Nakakainis siya, infairness. Ang manhid niya, ngayon ko lang napagtanto. 

"Ano na namang nangyari at busangot ka diyan?" tanong sa akin ni Eke ng makita niya akong papalapit sa linya ng klase namin. 

"LQ yan." sagot ni Lyka. 

"Baliw." sabi ko nalang. 

"Ano nga ulit yung nangyari after mamatay ni Pedro?" tanong sa akin ni Majo. 

AY PUCHA. 

Sabi ko na nga ba. Dapat hindi ko kakausapin si Israel eh, para hindi ko makalimutan pinag-aralan ko. Nakakairita naman, 

Clash of Teen BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon