SUDDEN UPDATE, again. EXPECT WRONG GRAMMARS HEHEHE :))
--
[Lyka&Paolo]
Nasa school grounds sila, sa copacobana, dun nila napagisipang magusap while last break nila bago matapos ang huling dalawang natitirang klase nila. Ayaw ni Lyka kasi na may kagalit siya, o may kasamaan ng loob, o kaya naman ayaw niyang ma ka-'awkward' drama siya.
"Sorry," panimula ni Lyka.
Napag-desisyunan nilang mag-usap after four days na tanungin ni Paolo kung pwede ba siyang manligaw. Di sila nagpansinan sa loob ng 4 na araw dahil sa awkward na sitwasyon at sa di ma-describe na nararamdaman.
"hindi pa ako handa, to be honest. But I want to try it..especially if it's with you." Ngumiti si Lyka na medyo nahihiya, dahil naiisip niya sobrang 'cheesy' ito.
Biglang ngiting-aso naman si Paolo, at biglang niyakap si Lyka."Ikaw ah, di 'ko alam na may 'cheesy' side ka palang tinatago." Sabi ni Paolo at ngumiti, yakap yakap parin si Lyka.
"Apat na araw na akong ginugulo ng konsensya ko, kesyo kelangan ko naman daw ikaw bigyan ng chance, kailangan daw masubukan ko kung magiging mabuti kang tao sakin, titignan ko daw kung magbabago ka ba once na maging tayo na, and etc...in short, I'm willing to take the risk." Sabi ni Lyka, ng humahiwalay sila sa yakap.Bago pa man din makapagsalita si Paolo, hinawakan niya ang pisngi ni Lyka, na parang mine-memorize niya ang mukha nito.
"I'll do my best to make your risks worthy to take." and he give Lyka a quick deep kiss.
"Thank you." Sabi ni Lyka pagkatapos niyakap niya ito.
"No, Thank you." sabi ni Paolo.
Bumalik sila sa school grounds ng nakangiti. Magaan na sa loob nila ang nangyari, at sa wakas, parehas na nilang tatahakin ang next level na kanilang relasyon.
"Uyyyy ah~" usisa ni Stena.
"Alam namin ang ngiting 'yan!" sabi ni Majo at tumingin kila Eke at Stena.
Kabado si Lyka,pero pinipilit niyang ngumiti, kasi kahit paaano, kinikilig siya na nahihiya."Kayo na ba?" Biglang tanong ni Eke na nakakaloko
"Uy grabe ka naman, Eke! Nappressure yung tao eh." sabi ni Paolo, at si Lyka ay pulang-pula na dahil sa hiya at sa kilig.
"Ay, overprotective, confirm yan, sila na." sabi ni Stena
"Oo na, kami na. Okay na? Masaya na kayo?" Nahihiyang sabi ni Lyka.
Inakbayan nalang ni Paolo si Lyka para i-comfort."Assa~!" sabi ni Majo at natawa sila lahat.
"Sana nandito si Krishie!" sabi ni Majo bigla.
[Krishie&Kyle]
Umabsent si Krishie ngayon, dahil gusto niyang umiyak lang maghapon. These past few days became too depressing for her. Gusto niyang kausapin si Kyle para magsorry, pero hindi niya magawa dahil maski si Kyle, hindi siya pinapansin. But the good side of it, hindi ito alam ng barkada dahil busy sa kani-kanilang syota.
"Krish, okay ka lang?" nagtext si Eke sakaniya
Kasalukuyang nakikinig si Krishie ng sad OPM musics ng malakas ang volume, at umiiyak, samahan mo pa ng pagkaing nasa sahig niya. Halata mong sobra siyang na-broken hearted.
BINABASA MO ANG
Clash of Teen Buddies
Fiksi RemajaA clash between two group of friends, na dati ay magkakaibigan naman. Ano kaya ang nangyari sa loob lamang ng kanilang huling taon sa highschool?