Nagising si Krishie ng maaga which is nagulat ang barkada. Krishie is not a morning person. Pero ng ma-gets nila, hindi na nila pinilit pang kausapin si Krishie.
"Good morning." normal na bati ni Kyle na may dalang pandesal. Nilagay niya naman ito sa lamesa kung saan may nakahain na scrumbled egg at hotdog.
"Okay na kami, mag-usap na kayo." bigla naman sabi ni Lyka.
Naiinis parin si Krishie, pero hindi niya magawang sumbatan agad ang lalaki. Or let's say hindi niya kaya. Tumigil sila sa paglalakad sa kabilang village sa park don para tahimik at since maaga pa naman, wala pang masyadong tao.
"What's wrong?" nang-init bigla ang tenga ni Krishie sa narinig. What's wrong? Tinatanong ba talaga iyon? O sadyang manhid lang siya?
"Really? You're asking me that question?" pagtataray ni Krishie. She cross her arms at tumingin sa malayo. Feeling niya tuloy hindi ito yung tamang panahon na mag-usap sila.
"First of all, tell me honestly kung ano ang problema, para maintindihan ko naman." kalmadong sabi ni Kyle. As much as possible, ayaw niyang nag-aaway sila. Ayaw niyang bigyan ng insecurity ang dalaga.
Nanahimik muna saglit si Krishie bago nagsalita. Ibinaba ang kanina'y naka-cross arm at humarap kay Kyle na naghihintay ng sagot sa tanong niya.
"Alam mo naman ang nararamdaman ko kapag nakikita ko si Cloe na kausap mo diba?" mahinhin na paliwanag ni Krishie. "I mean, oo, matagal na nga yung sinasabi mong nangyari sainyo pero sa tuwing nakikita ko kayong dalawa nananatili sa puso ko ang sakit."
"Yeah, I trust you. Pero hindi mo naman maaalis sa isip ko ang insecurity ko kay Cloe na yun. Nainis lang ako kahapon kasi mukhang masaya kayong naguusap. Ano pa nga bang magagawa ko eh may pinagsamahan naman kayo? Ayoko namang pagbawalan ka sa lahat ng bagay, Kyle."
Hindi napansin ni Krishie na naluluha na pala siya. Siguro dahil sa sobrang dami ng hinanakit niya kaya nadaan lang sa luha. Pinunasan ni Kyle ang luha niya saka ito niyakap.
"Hey, don't cry." panimula ni Kyle at hinalikan ang noo nito. "I'm yours now, see? And you're mine. Nagkwento siya sakin nung nangyari sakaniya these past few weeks about sa family niya and she's experiencing some problems now. Ako lang daw ang naisipan niyang kausapin at sakto namang nasa mall tayo nun. And when I want to end our convo, bigla ka namang nawala."
Guilty naman si Krishie sa paliwanag ni Kyle. Inuna na naman niya ang instinct niya kesa paniwalaan ang boyfriend. Pero ano nga bang magagawa? Kakambal na ng babae ang instincts.
Bumalik ang dalawa ng ayos na. Gusto nga ulit nilang mag-gala actually, pero wag nalang daw dahil marami ngang kailangang tapusin sa school. Nagagawa nga naman ng school sa magka-sintahan ano?
"Uy, Majo. Tigilan mo na yan."
Nagulat ang bagong dating na Krishie at Kyle ng marinig ang sinabi ni Stena. Pagkabukas ng pintuan nilang dalawa, nadatnan nilang nakatayo silang walo; si Majo may hawak na unan at si Ram na nakayuko.
"Anong nangyayari?" tanong agad ni Krishie. Walang nagsalita ni-isa sakanila, maski ang barkada. Siguro nga wala silang karapatang magsabi ng problema nung dalawa kasi wala sila sa posisyon.
Umiiyak lang si Majo hanggang sa tinapon niya ang unan sa lapag at sinabunutan ang sarili. Litong-lito ang dalawa sa nangyayari kasi pinuntahan nalang ni Krishie si Majo at niyakap at ganon din ang ginawa ni Kyle kay Ram. Wala sila Cam at Paolo dahil may inaasikaso.
"For all this time?" biglang bulalas ni Majo at tinignan si Ram. "Yung totoo, minahal mo ba ako o hindi?"
Kahit naguguluhan ang dalawa, hindi sila nagsalita. Gusto nilang malaman ang nangyayari pero sa hindi ganitong paraan.
"I-I'm Sor-ry." Ram's voice cracked; dala narin siguro ng umiiyak siya. Hinilamos niya ang mukha niya at biglang napaupo at lumuhod sa harapan ni Majo. Pumikit si Majo at tumulo ang luha niya. Napa-hawak siya sa noo niya at patuloy na umiiyak.
"Don't tell me you're sorry," sabi ni Majo matapos magbugtong hininga. "Because even if you apologize to me, I couldn't figure it out if it's sincere or a joke anymore." At saka nag-walk out si Majo. Gustong sundan nila Eke at Lyka si Majo pero pinigilan ito ni Stena.
Hindi tinanong nila Kyle at Krishie ang nangyari kay Ram dahil ayaw nilang makisawsaw sa damdamin nito. Sa halip ay kakausapin nalang nila ang kaibigan at inaasahang magsasabi sila ng nangyari.
"Pagka-labas na pagka-labas niyo, pumasok si Ram. May dala ring pagkain, alam mo na, typical na masayahing si Ram." paliwanag ni Stena. Nakaalis sila Ram kasama si Kyle para makauwi narin sakanila.
"Then nung nag-CR si Ram, may tumawag sa kaniya. Si Majo na bilang girlfriend, tinignan kung sino at may nakalagay na 'Mahal.' Nagtaka si Majo kasi nung nakaraan na pinagtripan niya ang phone ni Ram, tinawagan niya ang sarili niya at tanging Majo lang ang nakalagay and nothing else."
"Dahil sa curiosity, tinanggap ni Majo ang tawag, at bago paman din siya makapag-salita, nagsalita ang nasa kabilang linya, 'Hey, mahal. I'm already in fornt of your house. I can't wait to see you.'"
"Dahil nasa sala kaming tatlo at si Majo ang nasa hapag-kainan, nagulat kami at umiiyak na si Majo. Hanggang sa lumabas si Ram ng CR at napansin niyang hawak ang phone niya agad niyang kinuha at naktia ang kaka-end call na tawag." paliwanag ni Lyka.
"Nasasayangan naman ako sakanila." biglang bulalas ni Eke. "Hindi lang pala si Paolo ang may saltik, si Ram din pala."
"Nagja-jump into conclusion na naman kayo eh," sabi ko at inaawat sila. "Hear Ram's side first before you react."
"Kinumpronta ni Majo si Ram. Of course, tanggi ng tanggi ang lalaki hanggang sa bigla nalang siyang napatigil kaka-deny at siyempre na-gets agad ni Majo kaya sinimulang pagbabatuhin si Ram."
Nagpatuloy sa pagku-kwento ang tatlo.
"Sino daw yung girl?" biglang tanong ni Krishie.
"Si Lianne." deretsong sabi ni Eke at nagulat si Krishie.
"I thought, she went abroad?"
"Who knows?" sabi nalang ni Lyka.
"Alam niyo, hindi ako naniniwala sa kasabihan, pero dahil sa nangyari ngayon?" sabi ni Stena. "First Love Never Dies, ano?"
BINABASA MO ANG
Clash of Teen Buddies
Novela JuvenilA clash between two group of friends, na dati ay magkakaibigan naman. Ano kaya ang nangyari sa loob lamang ng kanilang huling taon sa highschool?