/7 Open forum

2.3K 63 1
                                    

As I promised guys, here's the Update! :)

Nga pala, ito ay NORMAL POV ng mga lalake ok? Kasi puro babae na ang ating nababasa =))

--

NORMAL POV

Pumasok sa school yung limang lalake na medyo kinakabahan at natatakot dahil baka di sila paniwalaan ng mga babae sa sasabihin nila.

"Pre, paniniwalaan kaya tayo?" sabi ni Israel

"Sana." sagot skniya ni Kyle.

"Di na nagpapakita sakin sila Eric eh." dagdag ni Kyle.

"Dapat ksi pinursige pa natin sila eh." sabi ni Paolo

"Oo nga, pre eh." sagot ni Cam

"Hayaan niyo na." sabi ni Ram.

Pagdating nila sa classroom, hindi sila pinapansin ng mga babae. Kaya hindi na nila pinilit pa. Gusto lang naman nila masabi ang totoo.

Lunch break at nagsipunta silang lima sa cafeteria para kumain.

Konti lang ang kinakain nila dahil hinahanap nila yung limang babae na kanina pa nila hinahanap.

"Ayaw na yata nila tayo kausapin, Kyle." sabi ni Israel at kumagat ng fries.

"Kahit anong mangyari, pupunta at pupunta tayo ng tagaytay hanggang sa magsara tong school." sagot ni Kyle.

Pero wala eh, natapos ang break, lunch at last break nila, hindi nagpakita ang limang babae.

Uwian na at walang puntang locker ang lima at dumeretso sa tagaytay.

Nagsilabasan na sila ng phones nila para hindi ma-bored, at para mag-facebook o gamitin ang kung ano mang meron silang Social Networking Sites.

Nakalipas na ang isang oras at hindi parin nagpalakita ang hinihintay nila.

"Ano, mauuna na ba tayo?" sabi ni Ram at inilapag ang binabasang libro.

"Maghihintay pa ako kahit konti." sagot ni Poalo habang kinakalikot ang phone niya para sa susunod na kantang papakinggan niya.

"Hintay pa tayo, guys. Kahit another 1 hour." sabi ni Cam at nagsimula uli magbasa ng notes.

Mga kalahating-oras ang nakalipas, dahil busy sila sa kanilang ginagawa, hindi nila namalayang dumating si Krishie at saka sumunod yung apat.

"Ehem." panimula ni Lyka.

Di napansin ng mga lalaki si Lyka.

"EHEM" sunod naman ni Stena.

"Kayo nagimbita samen tas di kayo mamamansin?" sabi ni Majo.

"Oy ano ba?" iritang sabi ni Krishie na nagulat naman ang lahat.

"Ay, pasensya na." panimula ni Kyle at tinago na nila lahat ng earphones nila sa bag.

Umupo ang mga babae na malayo ang distansya sa mga lalake kaya napansin to ni Cam.

"Lumapit naman kayo kahit konti. Alam kong marami kaming kasalanan senyo pero, kahit ngayon lang."

Walang nagawa ang mga babae kaya sinunod nila sila.

"Ano bang paguusapan?" sabi ni Eke.

"Anong problema niyo samen?" kalmang tanong ni Kyle na nakaharap kay Krishie at ineexpect niyang sasagot ito.

Kaya lang, si Stena ang sumagot.

"Kung tutuusin, wala naman talaga kaming problema sainyo eh. Akala namin, wala na yang Clash na yan."

"Ni hindi namin naalala na may clash pala sa batch natin. Kaya ang expect ko masaya tong year natin." dagdag ni Lyka.

"Grabehang pangungulit sa classroom pa." biglang singit ni Eke.

"Yun lang naman ang amin." sabi ni Majo.

"E samin ba?" dagdag niya.

Napatahimik ang mga lalake. Di nila alam kung sino ang sasagot muna sknila.

"Ang amin lang, bakit kame kagad ang pinagbintangan niyo sa ginawa senyo nila Eric?" bungad kagad ni Paolo.

"Sinabi nila Eric samin." sagot ni Lyka.

"Tska, iba tahimik niyo kahapon." dahilan ni Stena.

"Hindi naman porket tahimik, kami na kagad gagawa." sagot ni Israel.

"Yun din ang gusto namin malaman na kung bakit tumahimik kayo kahapon?" sabi ni Majo.

"Sa totoo lang, kahapon pa namin gustong makipagayos sa inyo. Kaya nga lang, nabalitaan naming inaway kayo ng grupo nila Eric." sagot ni Ram

"Nabalitaan? Wow. E nung pumasok kame sa classroom wala kayong ka-rea-reaksyon. Imposible." sabi ni Lyka

"Maniwala kayo't sa hindi, totoo tong sinasabi namin." sabi ni Paolo.

Napatahimik ang mga babae at nagisip ng mabuti. May part sa kanila na, ayaw maniwala pero may part din na, gusto nilang maniwala para lang matapos na to.

"Hindi lang naman kami pumunta dito para lang sa Open-Forum at malaman kung sino talaga nag-utos kila Eric para gawin samin yung kahapon." panimula ni Krishie.

"Gusto lang naming matapos to para sa ikatatahimik natin, at ng batch natin." dagdag pa niya.

"Oo, di tayo suki sa Guidance Office dahil ineexpect na nila tong clash na to. Pero, hindi ba pwedeng gawin natin to para sa ikasasaya nating lahat?" sabi uli niya at napatahimik uli silang lahat.

Umabot siguro yong ng 5 minutes na tahimik lang sila.

"Deal kami." biglang sabi ni Ram at sinangayunan ng mga lalake.

Nabuhayan ng loob ang mga babae sa sinabi ni Ram at sa pagsang-ayon ng mga lalaki.

"Uh.. Lyka, pwede ka ba makausap saglit?" yaya ni Paolo skniya.

"San tayo punta?" tanong ni Lyka.

"Maguusap lang tayo." at tumayo si Paolo at in-offer niya ang kamay niya kay Lyka at kinuha niya ito.

"Kapag ito plano niyo, sasapakin kita ngayon palang." banta ni Lyka bago sila umalis.

"Ako rin sana, Eke. Pwede kaba makausap?" sabi ni Cam.

"Pwede naman. Kaya lang wag matagal, magaaral pa ako." dahilan ni Eke.

"Di lang naman ikaw ang magaaral no Sabi ni Cam at umalis narin sila.

"Kain tayo, Stena." sabi ni Israel.

"Anonh nakain mo at iba ang aya mo sakin?" sabi ni Stena.

"Actually, kakain ng kikiam at magususap. Expect mo na sana yon." sabi ni Israel.

"Libre mo ha."

"Psh, oo na." umalis na sila.

Tanging sila Kyle, Ram, Majo at Krishie nalang ang natitira.

"Mauna na ako." sabi bigla ni Majo at umalis.

"Teka, Majo!" sigaw ni Ram at sinundan niya ito.

Ngayon, sila nalang ni Krishie ang naiwan.

Di makaimik si Krishie dahil sa mixed emotions na nararamdaman niya ngayon.

May galit parin sa loob niya at inis. Gusto niyang sapakin si Kyle kaya lang di niya magawa.

"Krishie.." sabi ni Kyle.

"Kung okay lang sayo, pagusapan natin yung last na paguusap natin noon."

Di alam ni Kyle kung gusto bang pagusapan ni Krishie ang tungkol don dahil hindi ito nagrerespond sa tanong ni Kyle. Pero, nagstay parin si Krishie don, na ang ibig sabihin,

gusto niya iyon pagusapan.

--

Heller!

Next UD yung paguusap nila :)

Baka this week din if ndi ako busy, don't expect tho =)))))

Clash of Teen BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon