NORMAL POV
Kinabukasan, nagsimula ng mag-start ng pagpa-practice sila Stena at Israel tuwing vacant time at after school. Kaya, palaging yung walo lang ang naglalakad pauwi.
Nung uwian kahapon, nauna si Majo dahil may bibilhin daw siya sa downtown kaya ang natira ay sila Kyle, Cam, Paolo, Ram, Krishie, Lyka, Eke. Wala silang ibang pinagusapan kundi ang issue about kila Majo at Ram.
"Ram, di na ba talaga maayos?" tanong ni Paolo.
"Di ko alam, Pao." sagot nalang ni Ram.
"May maitutulong ba kami?" biglang sabi ni Lyka
"Oo nga, kase gusto rin naman naming mag-ayos kayo." sabi ni Eke.
"Oo nga pala, gusto lang magpasalamat senyo kse binigyan niyo kami ng pagkakataong mag-usap ni Majo non." sabi ni Ram.
"Oo nga, about don, ano nangyare? Ba't parang mas lumala pa?" tanong ni Cam.
"Ah..yun ba?" bigla siyang tumawa ng parang wala lang at saka nagsabi uli. "For all these days, akala ko galit siya dahil dun sa letter na binigay ko nung magkakaaway pa tayo, pero di pala."
At dahil don, mas lalo silang naguluhan.
"Galit siya dun sa nakita niyang may kahalikan daw akong babae." nagulat sila sa sinabi ni Ram.
Papagalitan sana ni Krishie si Ram pero agad itong nagsalita.
"Pero, ang totoo niyan, set-up lang talaga yun."
"Ah, naalala ko na." biglang sabi ni Kyle.
"Kilala niyo si Lianne diba? Yung nagpatulong sakin para pakawalan siya ng boyfriend niyang two-timer."
"Lianne? Yung nag-transfer sa ibang school last year?" sabi ni Krishie.
"Oo." sagot ni Ram.
"Eh ba't di mo sabihin ang totoo?" sabi ni Lyka..
"Baka kse di niya ako pakinggan. Masyado ko na siyang binigyan ng sakit. Nung araw na hinalikan ako ni Lianne, yun dapat ang araw na liliwagan ko na si Majo. Kaya lang nga, nag-iba lahat." sabi ni Ram.
"Baka naman papakinggan ka niya. Ang gusto lang naman niya yung paliwanag mo eh." sabi ni Krishie.
"Natatakot lang ako baka ksi di niya ako paniwalaan."
"Kung di ka niya, paniwalaan, kasalanan na niya yun kase ikaw nagsabe ka na ng totoo." sabi ni Eke.
"Nasa-sakaniya nalang naman yung kung handa ka niyang patawarin kahit sinabi mo na ang lahat." sabi nalang ni Cam.
"Bahala na, di ko pa alam kung kelan." sabi ni Ram.
"Mauna na ako ah." dagdag ni Ram at umalis na.
At pagkatapos non, di na sila nagusap-usap pa.
Ngayon, wala uli si Majo dahil umuwi sa bahay nila. Kaya silang tatlo nalang nila Lyka, Eke, at Krishie. Si Stena, nasa school kasama si Israel dahil sa practice.
Wala silang pasok dahil holiday kaya nasa sala sila ngayon.
"Uy, gusto ko talagang pag-ayusin yung dalawa." sabi ni Eke habang nagbabasa ng libro.
BINABASA MO ANG
Clash of Teen Buddies
Подростковая литератураA clash between two group of friends, na dati ay magkakaibigan naman. Ano kaya ang nangyari sa loob lamang ng kanilang huling taon sa highschool?