/31 Hirap

613 25 1
                                    

A/N: Hello guys, naiisip kong gawan ito ng Book2 or Sequel manlang. Kapag sequel, of course, hindi sila ang nasa story, which is either new generation or yung anak nila. Kapag book2, siyempre sila parin ang bida. 

So, okay ba yun sainyo? Or wag nalang? I need to hear your opinions! Hehe~ 

You can vote thru the external link, pa-click nalang. 

THANK YOU 

***

Pinuntahan agad nila ang maraming tao at tinignan kung anong nangyari sa kaibigan. Naghahalong kaba at takot ang nararamdaman nila dahil sa nakita. 

"May pulso pa siya," narinig nilang sabi ng isang pulis pagkatapos i-check ang leeg nito. 

"K-ami po yung mga kaibigan niya, ano pong nangyari?" tanong ni Eke sa mga pulis. 

"Sa tingin namin kanina pa siya nandito, umiinom at kinakausap ang sarili hanggang sa bigla nalang siya nag-collapse, base sa nakakita skniya." 

"Kami na po magdadala sa hospital," sabi ni Cam, "Salamat po."

Dali-dali nilang dinala si Lyka sa hospital. Nagdadasal silang lahat na walang nangyaring masama kay Lyka, di nila inaasahang iinom ang dalaga dahil hindi naman iyon sanay uminom. Sa katunayan, sinusumpa niya ang mga umiinom at alak. 

"Ano ba 'tong nangyayari sa kaibigan natin." sabi ni Krishie ng maipasok si Lyka sa observation room. Halos lahat sila nag-aalala sa kaibigan, hindi nila akalaing mangyayari ulit skanila ito. 

"Sana okay lang siya," sabi ni Majo. 

"Sinaktan na naman niya ang sarili niya," sabi ni Eke. "Seryoso, kapag nakita yang Paolo yan, baka di ko alam ang magawa ko." 

"Shush, sinasabi mo lang yan kasi gali-" natigil sa pananalita si Cam ng biglang sumingit si Eke. 

"Kapag ba ako nasa kalagayan ni Lyka ngayon, anong gagawin mo? Pababayaan mo rin ba ako gaya ng ginagawa ni Paolo? Hahayaan mo bang magkaganon ako?!" sabi niya. 

"Hi-"

"Uy, tama na yan." pagpipigil ni Israel sa dalawa. Lumipat ng upuan si Eke dahil ayaw niyang makatabi si Cam. 

"O ano? Wala parin bang pakealam yang kaibigan niyo?" tanong ni Stena sa mga lalaki na nagsipag-check ng cellphone. 

"Tignan mo, walang kwenta talaga." sabi ni Krishie ng makita niyang umiling ang mga lalaki. 

"Hinding-hindi ko yan palalapitin kay Lyka once na okay na siya." sabi ni Majo. 

"Hinding-hindi na niya masasaktan si Lyka ulit." sabi ni Krishie. "Itaga niyo man sa bato."

Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas ang doktor at nagsitayuan silang lahat.

"Guys, tatapatin ko kayo ha?" sabi ng doktor, "Yung stress, depression na natatanggap niya, hindi na nakakabuti sakniya. Kaya sana as much as possible, wag niyo siyang bibigyan ng dahilan para saktan uli ang sarili niya, dahil hindi niya alam ang nagagawa niya sa sarili niya sa tuwing sasaktan niya ang sarili niya. Lalo na't nabanggit niyo sa akin na first time niyang uminom." 

Nagpasalamat sila sa doktor at binisita ang kaibigan sa kwarto. Napaiyak nalang ang ibang mga babae sa nakita. Hindi nila aakalaing hahantong sa ganon ang nangyari sa kaibigan. Ano nga naman bang ginawa niya at nakaka-tanggap siya ng ganyan to the point na nasasaktan ang sarili niya?

Dahil tapos na ang visiting hours ng ospital, at dahil tulog parin si Lyka, napag-pasyahan nilang umuwi na at dumaan kinabukasan para bisitahin si Lyka. Napagdesisyunan nilang wag muna pumasok ng isang araw para bisitahin ang kaibigan, pero hindi kayang umabsent nila Cam and Eke, na hindi parin magkaayos,  kaya naintindihan nila sila.

Sila Majo, Ram, Krishie at Kyle ang naunang bumisita kay Lyka dahil sila Stena, at Israel bumili ng prutas para sknila. Nadatnan nilang gising si Lyka kaya dali-dali silang lumapit. 

"Okay ka lang ba?" pag-aalalang tanong ni Krishie. 

"O-o, okay lang ako." sabi ni Lyka at ngumiti, "Bakit kayo lang?"

"Sila Eke at Cam nagpaiwan, hindi kayang mag-absent, sila Israel at Stena bumili lang ng makakain, baka maya-maya nandito na yun." paliwanag ni Majo. 

"Mga GC talaga yung dalawang yun." sabi ni Lyka at ngumiti.

"At yung walang kwenta mong boyfriend, wag mo ng hanapin," sabi ni Krishie at siniko siya ni Kyle. 


Hindi nalang agad nakasagot si Lyka, dahil ayaw niya munang pag-usapan ang issue nila ni Paolo. "Penge nga ng makakain diyan." sabi nito at ngumiti, para nalang iwas sa issue.

Pinaghanda nila siya ng pagkain, nag-kwentuhan din ng kung anu-ano, umiiwas sila sa topic about kay Paolo, Nonet at kung anong nangyari sakniya. Nag-kwentuhan nalang sila kung anong nangyari nung upper highschool years and elementary days nila. 

"Hellooo!!!" excited na bati ni Eke na may dala-dalang cake kasma si Cam galing silang school at mga naka-school uniform pa. "Tamang-tama pala 'tong binili namin, tara kain narin kayo." 

"Okay na ba kayong dalawa ha?" tanong ni Stena ng tinutulungan niya sila Cam at Eke mag-ayos. 

"Oo, alam mo na." ngiti nalang ni Eke at niyakap niya si Cam. 

"Di niya ako matiis, Ste, kaya ganiyan." sabi ni Cam kaya nakatanggap siya ng suntok sa braso. 

Ngumingiti lang si Lyka, pero naiinggit siya sa dalawa. Buti pa yung mga kaibigan niya, okay ang pagsasama, pero bakit hindi niya ma-experience iyon?

Umuwi na sila, maliban kay Eke, gusto kasi niyang kausapin ang kaibigan. Tska, may isang oras pa bago matapos ang visiting hours. 

"Eks," tawag ni Lyka habang nag-aayos ng mga gamit sa upuan. 

"Bakit?" sabi nito. 

"Gusto kong kausapin si Pao-"

Biglang naibaba ni Eke ang mga libro na hawak niya dahil sa narinig, 

"No." 

"Plea-" naputol ang pagsasalita ni Lyka ng sumingit si Eke. 

"Ano bang mapapala mo sa paguusap mo kay Paolo? Lalambot na naman yang puso mo? Tapos ano? Sasaktan ka niya ulit? Pagkatapos nun sasaktan mo na naman ang sarili mo?" sabi ni Eke at lumapit kay Lyka. Iritang irita siya kapag nababanggit ang pangalan ni Paolo. "Tama na, Lyka. Nasasaktan ka na eh." sabi ni Eke ng mahinhin, 

"G-usto ko lang magka-ayos kami." sabi ni Lyka at umiiyak na. Niyakap nalang siya ni Eke bago magsalita. 

"Kami rin naman, gusto rin naman namin kayo mag-ayos, ang kaso sinasayang ni Paolo ang pagkakataon. Tska dapat siya ang nandidito, hindi lang kaming mga kaibigan mo." sabi ni Eke. 

"Gusto ko la-ng malaman ang to-too. Nahihir-apan na kasi a-ko." sabi ni Lyka at humikbi ulit. Hindi nalang nag-salita si Eke at patuloy niyang kino-comfort ang kaibigan. 

Umalis na si Eke dahil tapos na ang visitin hours ni Lyka at nangako siyang babalik ulit bukas. 

Clash of Teen BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon