/32 Done

683 25 0
                                        

Nakalabas si Lyka ng Saturday. Ginawa na ng mga kaibigan niya ang mga school notes nung mga araw na absent siya, kaya ang ginagawa nalang niya ngayon ang ang manood ng TV.

"Lyks, kain na." yaya sakaniya ni Stena na naghahanda sa hapag-kainan para sa kanilang tanghalian.

"Wala akong gana eh." simpleng sagot ni Lyka, di pa nabalik yung gana niya sa pagkain. Pero bilin sknila ng doktor na wag siyang pababayaan.

"Sure ka ba?" tanong ni Eke ng umupo siya sa lamesa.

"Oo, okay lang ako."

"Kain ka lang dito kapag nagugutom ka, ah?" sabi naman ni Krishie habang nasandok ng kanin.

"O kaya magpaluto ka lang kung may gusto ka." sabi ni Majo habang anghihintay ng turn kay Krishie na ang tagal kumuha ng kanin. "Basta pera mo ang pambayad." nakatanggap tuloy siya ng batok kay Stena.

"Sobra ah?" sabi ni Majo sabay hawak sa ulo. "De joke lang, basta ah?"

"Yes, thanks girls." sabi ni Lyka at ngumiti.

Meron pa kasing ibang dahilan kung bakit hindi siya nakain. Bukod sa walang gana, nag-iisip siya ng paraan para makapag-usap sila ni Paolo, gustong-gusto na niya kasing makapag-usap sila. Hindi siya makapag-load dahil ayaw pumayag ng mga kaibigan. As much as possible, ayaw nilang ipaka-usap muna si Lyka kay Paolo hangga't hindi pa tuluyang magaling.

Bago sila matapos kumain, pumasok si Lyka sa kaniyang kwarto para daw magpahinga dahil natatakot mabinat. Kaya habang nasa kwarto si Lyka, nagusap ang apat.

"Naaawa na ako diyan." sabi ni Krishie at uminom ng tubig. "Ipakausap na kaya natin?"

"Yan din ang naiisip ko, Krish, e." sabi ni Stena.

"Hay nako, kapag nag-usap ang dalawa dapat hindi na extra si ateng higad." sabi ni Eke.

"Okay lang naman saking mag-usap sila, maganda nga yun eh. Para at least makapag-usap sila, malinawan or what nots." sabi ni Majo at nilagay ang plato sa hugasan.

"Kahit labas sa kaloob-looban ko, basta sa ikasasaya niyan ni Lyka, go na ako." sabi ni Eke at umirap.

"Tuktukan kita diyan ah, mas maarte ka pa kay Krishie." sabi ni Majo at natawa.

"Bawal na bang mag-inarte kahit ngayon lang?" sabi ni Eke at inilagay sa hugasan ang plato.

Napagdesisyunan nilang ipakausap ang kaibigan sa Lunes kung saan inaasahan nilang papasok si Paolo. Hindi alam ng mga babae kung alam na ba ni Paolo na nakalabas na si Lyka kaya umaasa silang papasok ang lalaki.

Lunes.

Maaga pumasok ang mga babae sa kadahilanang hindi nila malaman. Kumbaga, wala lang. Gusto lang nila maagang pumasok. Tinext ng mga babae ang kani-kanilang boyfriend para sabihan na nasa school na sila. Mga after 10 minutes, pumasok sila- sabay sabay din.

Unang lumapit si Israel kay Stena at hinalikan sa pisngi; nagbatian ng Magandang umaga my loves (the kakornihan feels all over), sumunod namang umupo si Cam sa tabi ni Eke at niyakap lang siya at si Ram kay Majo at hinalikan ni Ram si Majo sa noo at niyakap ito. Huling umupo si Kyle dahil may tawag siya mula sa kuya niyang nangangamusta.

"Si Kuya, nangangamusta." sabi ni Kyle, hinalikan si Krishie sa noo at niyakap bago umupo. "In case magtanong ka kung sino."

"Sus, walang kaso sa akin ang ganiyan, wag mo lang akong subukan." sabi ni Krishie at nagpatuloy sa pag-re-review. Niyakap nalang ni Kyle si Krishie dahil natakot sa sinabi ng girlfriend.

Clash of Teen BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon