Krishie's POV
Mga kamote yung limang bakulaw na yon!! Nakakapang-init ng dugo sa totoo lang! Ano bang problema nila samin? Bakit kami lang ang pinu-puntirya? Diba dapat buong Seniors yan? Ang unfair naman yata!
"Krishie, ano gagawin natin sknila?" tanong sakin ni Lyka.
"Eh ano pa, edi gaganti tayo." sabi ko skniya habang nagtutupi ako ng pang-PE uniform ko mamaya.
"Baka lalong magalit satin yung Principal." sabi ni Eke.
"Natatakot ka ba?"
"Hindi naman, Krishie. Kaso, baka mapasama tayo."
"Hindi yan, Eke. Titirahin natin sila ng patalikod." sabi ni Majo.
"Wow, Majo! Nabasa mo iniisip ko! HAHAHAHA! Apir tayo diyan girl!" At nag-apir nga kami.
"Adik niyo talagang dalawa, Majo at Krishie." sabat ni Stena.
"Ajujujujuju, seloss!" sabi ni Lyka.
"Neknek mo!"
"Ay tama na yan, tara na't male-late na tayo sa school!" sabi ni Eke na nagsasapatos.
Dahil sa sinabi ni Eke, nagmadali kami ng bongga kaya nakarating kami sa school ng 20minutes before the bell rings.
Stena's POV
Nung dumating na kami sa school, umupo muna kami sa plant box ng school para magpahangin. Gawain na namin to habang naghihintay mag-bell.
"Nako naman. Pampa-sira ng araw" sabi ni Eke at nagbuklat ng libro at kunyaring nagbabasa.
Tumingin ako sa eye view ni Eke at nakita ko ang limang bakulaw na, kamote pa.
"Girls, kalma." sabi ko.
"Don't wory, Girls. Hahanap tayo ng timing." sabi ni Krishie at nag-bell na.
Matapos ang isang period, PE na namin. Dahil Highschool students kami, dinadala namin ang PE uniforms namin unlike sa Elementary na may sariling schedule ng PE kaya maghapong nka-suot ng PE Uniform.
"Lyka, nakita mo ID ko?" tanong ko kay Lyka. habang naghahanap ako sa paper bag ko.
"Hindi eh. San mo ba nilagay?" sabi ni Lyka sakin.
"Dito ko lang yun sa paperbag nilagay eh. Before matapos ang Math class, hinubad ko na yung ID ko at nag-CR ako." paliwanag ko skanila.
"Parang kilala ko na kung sino." sabat naman ni Krishie.
At nagkaron na kami ng ideya kung sino.
Nasa kalagitnaan kami ng PE at nagpapahinga dahil kakatapos lang namin mag-warm up. Habang yung teacher ay pumuntang Lounge, tumayo ako at pumunta kay Israel.
"Hoy, Israel. Balik mo ID ko." kalmadong sabi ko skniya.
"O ba't sakin mo hinahanap?" mataray na sagot niya sakin.
"Kung wala sayo, bakit dalawa yang suot mong ID?" sabi ko skniya.
"ID ko at ID ko bakit?" sabi niya at tumawa naman yung mga apat na lalaki, pangasar.
"BWISET. IBALIK MO ID KO!"
Nagulat silang lahat sa sigaw ko.
"What's happening here Ms. Casavant?" tanong skin nung teacher.
BINABASA MO ANG
Clash of Teen Buddies
Ficção AdolescenteA clash between two group of friends, na dati ay magkakaibigan naman. Ano kaya ang nangyari sa loob lamang ng kanilang huling taon sa highschool?