/38 Paano

734 31 0
                                    

Paolo's POV

Dalawang linggo ng naghiwalay kami ni Lyka. Aaminin kong sobrang sakit parin ng nangyari sa amin, ni hindi ako makapag-concentrate sa pag-aaral ko, sa mga ibang activities ko sa school hindi ko na pa-priority. Unlike dati na super hands on ako.

Nung naghiwalay kami ni Lyka, it seems like half of me died. Sounds gay, but it's true. Kumbaga, parang nasa katawan ko na si Lyka. Sobra akong naging depende sakaniya kaya siguro ganito ang impact sa akin. Ay hindi, siguro mahal ko lang talaga siya.

"Pre, tapos na ako sa project sa Social?" sabi ni Ram.

"Talaga, Ram?" sabi ko, "Nagagawa mo pang tapusin ang Social kesa sa pakikipag-ayos kay Majo?"

Natigilan naman siya sa sinabi ko at bigla siyang napaupo at tinignan ang phone niya.

"Tinext ko siya kagabi. Hindi pa nagrereply hanggang ngayon." Sabi niya.

"Baka space ang kailangan niya, Ram." sabi ko at hinarap siya. "Wag mo siyang kukulitin. Sobra siyang nasaktan. Ang timang mo kasi."

"May ka-landian ka ng kayo ni Marjorie. Babae yun pare, alam mo naman ang se-sentitive ng mga yan." sabi ko.

"Hindi ko kasi masabi ang totoo kay Marjorie." pagtatapat ni Ram sa akin na dahilan ng pagka-lito ko. Masabi ang totoo? Ang alin?

"So, may sikreto ka rin sa min?" sabi ko, "So sinarili mo?"

Hinilamos niya ang sarili niya at nagbuntong hininga.

"Dude," sabi niya at humarap sa akin, "Lumapit sa akin ang magulang ni Lianne after kong dumating galing Canada, or let's say nung bumalik akong galing apartment nila Marjorie nung bumalik ako form Canada."

"Ano namang connect sayo nung magulang niya?"

"Lianne have Stage 2 Leukemia." at nagualt ako sa sinabi niya, "Pinakiusapan akong mag-alaga or tumabi muna sa kaniya habang nagpapagamot siya."

"N-o way," sabi ko dahil sa gualt, "Eh teka, bakit kailangan ikaw?"

"Ako ang kilala nilang naging boyfriend niya," sabi ni Ram sa akin.

"That's unbelievable?" sabi ko pa, "Eh bakit hindi mo sinabi kay Majo?"

"Natatakot ako."

Tss, isa't siraulo at kalahati din itong lalaking ito.

"Kung ako sayo? Magpaliwanag ka na habang maaga pa. Wag mong patatagalin, dahil lalong iisipin ni Majo na totoo ang inisiip niya,"

"Ayoko nga rin siyang pilitin kasi!" sabi ni niya, "Baka hindi niya ako paniwalaan sa paliwanag ako. Baka mangyari ulit yung nangyari noon."

"Gaya nga ng sinabi namin sainyo nun, kung ayaw niyang paniwalaan ang side mo, eh problema na ni Marjorie iyon. Wala ka ng part dun kasi angsabi ka na ng totoo."

Napatahimik lang si Ram at hinilamos ulit ang sarili. Kung ako sakaniya, ayusin niya ang problema niya ng ganito pa kaaga, kasi the more you wait, the more things will get complicated,

Naramdamn ko nalang na umalis na sa tabi ko si Ram; hindi ko alam kung saan pupunta. Basta ako, nasabi ko na ang part ko sakniya.

Pero to be honest, hindi ko alam kung ano ang ire-react sa sinabi niyang secret. May ganun na palang nangyayari pero wala manlang kami alam? Tsk.

"Pre, alis muna kami ni Cam at Kyle, sama ka?" yaya sa akin ni Israel at sinusuot nila ang sapatos nila.

"Hindi na, may tatapusin pa akong project." dahilan ko,

"May ibababili ka ba?" tanong sa akin ng matapos silang mag-sapatos.

"Wala, okay lang ako. Thanks." sabi ko, "Ingat kayo." at tumungo lang sila.

Okay, I'm home alone. I get it.

LYKA'S POV

Umalis silang lahat; maliban sa amin ni Majo. Tinamad lang talaga akong mag-gala ngayon lalo na't sunod sunod ang deadline. Tapos 3 weeks from now, Finals na namin at 1 week na practice ng graduation bago ang graduation proper.

Simula nung naghiwalay kami ni Paolo, everything's so unreal. Nag-aaral ako na dati hindi namain, naglilinis ako na dati hindi naman, nagigising ako ng maaga, dati tulog mantika ako. Alam niyo yun? Yung after effect ng break up namin, nakakapag-pabuti sa sarili ko, pero may kulang parin. Parang nasa akin na ang lahat, pero may kulang parin.

Hay, stop thinking about him, Lyka. Ikaw na nga nagsabi nung nag-break kayo, yung mga masasamang bagay na ginagawa mo, nagiging mabuti sayo so bakit ka pa naghahanap ng iba?

Tumigil ako sa pag-iisip ko ng tumunog ang phone ko;

Nagulat ako't si Paolo ang nag-text.

I need to change his name. Hindi ko na siya Baby. And bakit niya ako tinext?

From: Pao-wow Baby.

How are you?

what.

Kinakamusta niya ako?

From: Pao-wow Baby.

sorry, wrong send.

What the f-?

Sarap batuhin ng cellphone ko. Sino na naman kaya ang kinikitaan ni Paolo at nagtext ng ganon? Yeah right, Lyka. Wag ka ng umasang ikaw ang itetext talga niyan. HIndi mo ba nabasang Wrong send? Wag ka ng umasa. Dahil walang pag-asa.

Hay, mag-aral na nga ako.

*10 minutes passed*

Pucha. Tinititigan ko lang ang notes ko. Nagalaw ang mata ko, pero walang napasok sa utak ko. Ang tanging nasa utak ko lang ay 'Iniisip ba ako ni Paolo kahit minsan?'

Ugh. Bakit ko ba siya iniiisip? Nagmumukha lang akong tanga; kung insiiip ko siya, wala namang magagawa iyon. Break parin naman kami, wala parin kami. Wala paring mangyayari sa amin ng dahil sa pagiisip ko lang. Break na kami, break na.

Lumabas ako ng kwarto ko para uminom ng tubig, hoping mawawala ang pagiisip ko kay Paolo. Baka kailangan ko lang talagang ma-distract para hindi ako nagiisip.

"Lyks," nalunok ko agad ang tubig na nasa bibig ko ng narinig ko ang pangalan ko. Humarap ako kay Majo na lumabas ng kaniyang kwarto at mukhang lugmok na lugmok.

"Hm?" tanong ko at hinugasan ko ang baso at binalik sa lagayan.

"Paano mo nagagawa?" tanong niya at hindi ko naintindihan. Kumunot ang noo ko sa tanong niya,

"Ha?"

"Paano mo nagagawang mag-move on?"

Kung alam mo lang kung gaano kahirap, Marjorie.

"Kung makapag-salita ka naman diyan para break na kayo ni Ram ah?" segway ko sakniya. Hindi pa naman sila break pero kung makapag-tanong sa akin ng pagmo-move on.

"Hindi ko na kaya, Lyka." sabi niya at umupo sa may lamesa. Hinilamos niya ang kaniyang mukha. "Feeling ko nagmamahal ako ng wala."

Tinabihan ko siya at hinagod ko ang likod niya. "Alam mo, kung gusto mong mag-ayos kayo or kung may magagawa man yan, mag-usap kayo. Wala namgn mawawala kung maguusap kayo ng maayos at mahinahon. Gusto mo rin namang marinig mula sa kaniya ang katotohanan diba?"

Hindi ako inimikan ni Marjorie at nagsimula siyang umiyak.

"Tska, kung handa ka na, kausapin mo. At dapat kung handa ka, isasantabi mo muna ang galit mo saglit hanggang sa marinig mo ang side niya. Kasi alam mo naman ang kahihinatnan kapag nagdesisyon ka ng galit ka."

True.

Pinagsisisihan ko kung bakit ko napag-desisyunang mag-break kami ni Paolo eh cool off lang naman ang hinihingi niya. Pero dahil sa inis ko, nakapag-desisyunan ko ang mali. Kaya ngayon sa akin ang karma.

So I guess, I just have to deal with it.

Clash of Teen BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon