Thanks for the wait for this guy. Sorry, busy kase talaga. If di niyo alam, wala ako sa PH. So, di pa namin bakasyon dito sa Canada.
Here's the update!
--
NORMAL POV
Kinabukasan nung managinip sila, Pumasok lang uli sila sa school na parang walang nangyari. At nang dumating sila sa school, parang may kakaiba.
"Ba't parang ang weird ng atmosphere?" sabi ni Lyka.
"Oo nga no?" pang-sangayon naman ni Stena.
"Baka may pina-plano yung mga yun." sabi ni Eke.
"Hayaan niyo na. Baka kung ano lang ginagawa nung mga yun." sabi naman ni Majo.
"Nako, wag niyo na nga pansinin. Baka naman kse mabati pa diba?" sabi ni Krishie at naglakad na papuntang classroom nila.
Nang makarating sila sa classrooms nila ay sobrang tahimik- parang nakakapanibago. Minsan kase, kapag pumapasok ang mga yan, nagsisigawan na ang buong klase. E ngayon? Wala sobrang tahimik.
Nagsi-upo lang yung lima ng gulong-gulo yung isip.
--
Nagdaan ang first, and second period at wala paring kibuan yung sampu. Ni-hindi rin dumadaldal ang limang lalake sa klase na normal naman nilang ginagawa. Di alam ng mga babae kung matutuwa ba sila o kakabahan.
"Ano kayang nangyayare?" sabi ni Eke at kumagat ng mansanas.
"Di ko rin alam, medyo naguguluhan pa ako." sagot ni Lyka.
"Medyo buffering parin sakin e." sabi ni Stena.
"Sana tinanggal na nila yang cla-- " sabi ni Majo nung nabuhusan siya ng Juice o let's just say, binuhusan ng juice?
"ANONG PROBLEMA MO JASPER?!" sigaw ni Krishie.
"Baket? Clash nga dba? Di naman ata fair kung yung barkada lang nila Kyle ang gagawa senyo neto?" sagot ni Jasper at nagsitawan at apir-an naman yung mga kasama niya.
"Mga bwiset kayo!!" sabi ni Eke at sinabuyan rin ng softdrinks sila
"ABA NAMA-" akmang sasampalin ni Jasper si Eke pero sinipa ni Stena yung binti niya.
"OH ANO, SUSUGOD PA?" pagta-taray ni Lyka.
"OO!" at sinabuyan ni Eric si Lyka ng spaghetti sa uniform niya.
Kinuha ni Lyka yung spaghetti na natitira sa uniform niya at pinahid sa uniform ni Eric.
"Pinahiran na kita, baka kase naiinggit ka dahil bakit ako lang ang meron." sabay sinabuyan ni Lyka si Eric ng tubig sa mukha.
"Ayan pa, baka kase nauhaw ka." sabi ni Lyka.
Nagalit ng tuluyan si Eric kay Lyka kaya kinuha niya ang buhok nito.
"Wag kang haharang-harang sakin, Lyka. Baka nakakalimutan mo kung sino tong kinakawawa mo." at hihigpitan pa sana niya ang pagsabunot kay Lyka pero hinawakan ni Krishie yung girlfriend kuno ni Eric at sumigaw.
"Eh pano naman tong girlfriend mo kuno, Eric? Paano kung apihin rin namin siya gaya ng ginagawa mo sa kaibigan ko?" pagtataray ni Krishie.
"Baka gusto mong mawalan ng buhok tong kaibigan mo?" sagot naman ni Eric at hinigpitan lalo ung pagsabunot niya.
"Pano naman kung sabihan ko ang girlfriend mo kuno na pang-walo siya sa girlfriend mo ngayon?" dahil sa sinabi ni Krishie, nabitawan kagad ni Eric si Lyka at nagulat naman yung girlfriend ni Eric at lumapit skniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/3330317-288-k126245.jpg)
BINABASA MO ANG
Clash of Teen Buddies
Fiksi RemajaA clash between two group of friends, na dati ay magkakaibigan naman. Ano kaya ang nangyari sa loob lamang ng kanilang huling taon sa highschool?