ISRAEL'S POV
Umaga ko tinake ang exams ko ngayong araw na ito dahil hapon ang schedule ng Dance Contest sa kabilang school. Bakasyon kasi ngayon ng school na kung saan gaganapin ang contest kaya libreng libre ang lugar na ito.
Nag-simula ng sumayaw ang ibang kalaban ko. Bali pang-huli ako sa sasayaw. Pala-bunutan kasi ang nangyaring sequencing, eh sa kabutihang palad, huli ako. Kahit na nagsisisi ako kung bakit ako ang huli. Sobra-sobra tuloy akong kinakabahan ngayon.
"Let's welcome, Mr. Nil Israel Cruz!"
Luminga linga muna ako sa paligid nagbabaka-sakaling nandito si Stena.
Pero wala siya.
Alam kong galit siya sa akin at nagtatampo, pero masama bang umasa na baka nandito siya at panoorin ako?
Nagpakawala muna ako ng aking hininga bago mag-handa para sumayaw.
Nagsimula na nilang pinatugtog ang kanta na ibinigay ko sakanila ng makarating ako dito. They even tested it, in case hindi compatible ang CD ko sa player nila. Pinadala narin ako ni Mrs. Tan ng USB, in case nga na hindi gumana ang CD.
{ Uptown Funk/Lips Are Movin' Mash - Up ----> }
Alam ko sa sarili kong ang laki na ng pagkukulang ko kay Stena simula nung tinanggap ko ang alok ni Mrs. Tan na sumali sa Dance Contest na 'to. Tinanggap ko parin kasi ang nasa isip ko matutupad na ang pangarap ko. Sinabihan kasi ako ni Mrs. Tan na baka daw may kumuha sa akin ng free scholarship sa College kapag ako ang nanalo or kapag nagustuhan nila ang pagsasayaw ko so I took this opportunity.
Ngayon, walang ibang sisisihin kundi ako. Tama lang na magalit sa akin si Stena at hindi niya ako pansinin at syempre, may karapatan siyang hindi pumunta dito sa Dance Contest na ito.
Pero nasa sa akin parin ang pag-asang nandiyan siya sa tabi, at kapag nanalo ako, yayakapin niya ako pagkatapos.
"Congratulations to.." sabi nung MC. "Mr. Nil Israel Cruz!"
Pero hindi parin siya nagpakita at hindi niya ako niyakap. Bali wala ang pagkapanalo ko kung wala naman siya ngayon.
"WHOO ISRAEL ANG POGI MO!" tumingin ako sa sumigaw at nakita ko ang mga barkada ko. Kahit papaano ngumiti ako.
Binabaan ko sila at isa-isa nila akong niyakap. Pero ang hinahanap ko wala talaga.
"Bilis niyo namang tapusin ang exam." sabi ko.
"Maaga kami nagumpisa, pinakiusapan ang teachers." sagot ni Ram at akbay sa akin.
"Muntik ng hindi umabot kasi naman si Cam ang tagal mag-exam." sabi ni Kyle at tumawa siya.
"Wala ng bago dun." sabi naman ni Eke at umakbay kay Cam.
"Ano, tara? Kain tayo!" aya ni Ram. "Nagluto sila Majo sa kanila." sabay yakap niya kay Majo.
Nagbihis lang ako saglit bago kami umalis. Kada minuto, tinitignan ko ang phone ko, umaasang ite-text ako ni Stena, pero wala. Siguro nag-eexam pa iyon. Nagsasayahan sila sa loob ng sasakyan, habang nagda-drive si Ram, pero ngumingiti ngiti lang ako saknila at kunyaring nakikisali.
Don't get me wrong, masaya ako na nandito mga barkada ko. Pero wala ang girlfriend ko, so ano dapat ang maramdaman ko?
"Kain na!" yaya sa akin ni Lyka ng nakita niya akong pumipili ng movie sa Netflix. Iniinit kasi nila yung pagkain, while kaming mga lalaki deretso dito sa sala nila para manood,
Isa-isa na silang kumuha ng pagkain nila at nagpa-huli ako. Gusto ko sana kasing sabay kami ni Stena. Pero, ano pa nga ba ang magagawa ko kung hanggang sa turn ko wala parin siya at di parin siya nadating?
"Sensya ka na, walang taga-sigaw habang nasayaw ka!" sabi ni Paolo at kumain.
"Nako, wala iyon. Di ko nga inaasahang dadating kayo eh."
"Syempre, bibiguin ka pa ba namin!" sabi naman ni Kyle at tinapik ang likod ko.
"Salamat sa paghabol, hindi ko naman talaga inaasahang pupunta kayo actually." sabi ko at ngumiti ak.
"IIYAK NA YAN! IIYAK NA YAN!" simulang sumigaw si Eke at sinundan nila Majo at hanggang sa lahat sila ngsisigaw na.
"Mamaya iiyak ako." sabi ko at nagtawanan kami.
Kumain kami habang nilalait nila yung nadatnan nilang kalaban ko sa sayaw kanina. Mga loko-loko talagang mantrip 'tong mga kaibigan ko. Bakit nga ulit ako napasama sa kanila?
"Kami na bahala mag-hugas dito, manood ka nalang. Or mag-review, last final na bukas." sabi ni Krishie.
"Don't worry, dala ko notes mo." sabi ni Cam at nilabas ang notes ko mula sa kaniyang bag.
Kinuha ko ito at nagpasalamat tska nag-start na ako mag-review. Electives nalang naman ang exam bukas, pero yung mga pa-major.
"Text mo nga si Stena, Lyks, please. Dapat kanina pa nandito yun ah." utos ni Eke kay Lyka.
Oo nga, kanina pang 3pm ang huling oras ng mag-eexam, hindi naman siguro siya nalate?
"Nakila Joan daw, nag-group study." sigaw ni Lyka mula sa loob ng kwarto niya.
Group study? Kelan pa nag-group study yun? Eh kalimitan namang kila Eke, Majo, Krishie, at Lyka siya nag-group study ah?
Nawala ako sa pag-iisip ko ng sikuhin ako ni Kyle na nasa tabi ko.
"Kausapin mo na siya bukas after Finals ah, baka kasi lumaki pa."
Ngitnitian ko lang siya at tumungo ako. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sakaniya kapag mag-uusap kami. Ayoko siyang mawala sa akin, of course. Lalaki ako, ako ang may kasalanan kung bakit galit at nagtatampo sa akin si Stena. Kaya dapat ako lang ang kumausap sakaniya.
Pero hindi ko parin alam kung paano.
Paano kung ayaw niya ako kausapin? Paano kapag makikipag-hiwalay na siya sa akin? Paano kung nag-sasawa na siya?
I can't live without her.
Iniiwasan kong mag-away kami, pero siyempre nandyan ang tampuhan, pero agad naman namin naaayos. Ito ang pinaka-away namin at pinaka-matagal na hindi kami nagpansinan. Hindi ko nga inakalang mananalo ako sa dance contest kasi walang wala talaga ako sa sarili ko nun habang nasayaw ako.
I can't take it anymore.
Bukas na bukas, kakausapin ko siya. No matte what it takes; makausap ko lang siya. Miss na miss ko na siya ng sobra.
BINABASA MO ANG
Clash of Teen Buddies
Novela JuvenilA clash between two group of friends, na dati ay magkakaibigan naman. Ano kaya ang nangyari sa loob lamang ng kanilang huling taon sa highschool?