A/N: Short update (''v'')v
---
Last week of February. Bilang graduating, nagsimula na silang maging busy. Normal na iyan sa isang graduating class. Matalino man o boblaks. Mayaman man o mahirap. Basta graduating, busy yan lalo na't malapit na ang graduation.
Hindi nila pinaguusapan ang nangyari kila Majo at Ram. Pero, of course, puro sila nagbibigay ng advice sa kaibigan. Pero parehas ayaw makinig. Hanggang sa hindi nalang nila ulit binuklat, dahil gusto rin naman nilang sila mismo ang mag-ayos non. Yun lang naman ang role ng kaibigan, tagapag-payo at bahala na ang taong involve kung susundin ang payo o hindi.
"Bakit ang bilis ng panahon," reklamo ni Stena at umakbay kay Israel. "Last week na ng February!"
"Nakapasa na pala ako sa isang university na pinag-aplayan ko." Nakangiting sabi ni Lyka. "Bali Civil Engineering ang course."
"Nice, may Engineer na tayo." sabi ni Kyle at inapiran niya si Lyka.
Sila Ram, Paolo at Majo nalang ang hindi pa nagshe-share ng kanilang accepts letter sa university. Siguro may natanggap na sila, pero hindi lang sinasabi dahil sa mga nangyari nitong mga araw. Siguro hindi nila naiisip yung dahil sa problema nila.
"Guys, lunch tayo." aya ni Eke.
"Anong nangyayari sayo at palagi kang gutom?" tanong ni Cam sa kaniyang girlfriend at nakatanggap siya ng palo sa braso gamit ang dala-dalang libro ni Eke. "And what was that for?" hawak niya sa braso niya.
"Papansin." sabi nalang ni Eke at nang-irap. Kapag ganiyang ang expression ni Eke, kailangan ng manahimik ni Cam at intindihin ang girlfriend. Senyales kasi iyon na meron siya.
Nagpunta ang barkada, minus Paolo, Ram at Majo, sa canteen para kumain ng lunch. Nararamdaman na nilang minsanan nalang sila magsasama sa kanilang lunch. As in nararamdaman na nila dahil nga sa super kabusy-han ng graduting class. Kahit magkaka-klase sila, may kani-kaniya naman silang projects na gagawin.
"Israel, gusto mo?" pag-prisinta ni Stena ng kaniyang half-eaten ham&cheese sandwich. It is odd pero bigla siyang nabusog. Eh dati naman ang isang sandwich kulang pa niya. Bakit ngayon anong nangyari?
Nagtaka agad si Israel sa tanong ni Stena. Matakaw si Stena, sa tuwing hihingi siya sakniya, ayaw niyang mamigay hanggang sa natutunan niyang wag manghihingi sa girlfriend. Pero ano ang nangyayari ngayon at nangaalos siya ng pagkain?
Kinuha ni Israel ang sandwich ni Stena at kinain ito. Wala namang naging reaksyon si Stena which is really odd talaga.
"Are you al-"
"I know, Israel. Ang weird, dati kulang na kulang pa sakin ang sandwich," sabi niya "Pero ngayon feeling ko super busog na ako."
"Well, it must've been some changes? Nagdadalaga ka na ba?" birong tanong ni Israel na narinig naman ni Eke na dahilan ng mapatawa siya.
"Late bloomer!" asar pa niya at nagsitawanan ang barkada.
"Bwisit kayo, thanks ha." sarkastikong sabi ni Stena at umirap.
Natapos ang lunch time at nag-resume uli sila ng kanilang klase. Ngarag na ngarag ang mga itsura nila dahil sa sunod-sunod na requirements na ginagawa para lang maka-graduate. Ayaw kasi nilang magka-problema kung nagkataon, gusto nilang makaa-alis ng kanilang Alma Mater as peaceful as possible.
"Last subject!" biglang sabi ni Israel at nag-unat.
"Guys, guys. Gala mamaya." yaya ni Kyle. At nagisip ang lahat. Unang-una, parang hindi maganda ang idea ni Kyle dahil sila Lyka, Paolo at Majo, Ram ay hindi magkaayos. Ayaw naman nilang iwan sila at magkaron ng awkward atmosphere at pangalawa, hell month na nila. Masama ang mag-cramming.
"Saka na, after hell month nalang." sabi ni Cam at pinag-sangayunan naman nung iba.
Kanina pang gustong kausapin ni Ram si Majo pero naduduwag siya. Gusto niyang magsabi ng kaniyang side para naman patas. Palagi nalang ba pinapairal ang instinct ng babae? Kapag lalaki, hindi na kailangan?
"Maj-"
"No, shut up."
Nagulat ang ilan sa panandalian usapan nila Majo at Ram. Hindi pa handa si Majo na kausapin ang boyfriend pero gustong-gusto na niya malaman ang side niya. Natatakot kasi siyang baka iwanan siya ni Ram at balikan si Lianne. Natatakot siyang baka mawala si Ram at hindi na siya balikan.
"Baka naman mangyari ulit ang dati, na baka pagsisihan mo na naman ang hindi pagka-usap sakaniya?" sabi ni Lyka nung nagka-usap sila nung kailan.
Binabagabag parin siya ng konsensya niya. Sinasabihan siya na kausapin siya at intindihin, kung totoo man ang nangyayari sa pagitan nung Lianne, tanggapin niya at i-let go si Ram.
"Kausapin mo nalang kung handa ka na. Don't overthink." sabi sakaniya ni Krishie.
Naguguluhan tuloy siya. Isang part sa kaniya gusto ng i-let go si Ram, pero sa isang part gustong-gusto pa niyang hawakan.
Busy ang mga babae after nilang makauwi galing eskwelahan. May kani-kanila silang ginagawa; project sa Physics, final project sa TLE, individual assignment sa Social and etc. Halos bihira lang silang kumain para lang matapos ang ginagawa at hindi sila mag-cramming.
"Ang hirap talaga nung sa Social, bwiset." Reklamo ni Stena at nagkamot sa ulo.
"Ay totoo yan." pag-sangayon ni Lyka.
"Bwisit naman kasi yung teacher," reklamo ni Eke.
Dahil naisip nilang wala namang patutunguhan ang pagrereklamo nila, pinagpatuloy nila ang kanilang paggawa ng projects.
Mag-a-alas onse ng gabi ng naisipan nilang matulog. Si Lyka, nauna ng matulog sakanila dahil nga sa problema niya kapag late siya natutulog.
Ang hulingn pumasok sa kanilang kwarto ay si Majo na naligo pa. Muntik na niyang makalimutan na magpalit ng pambahay kanina kaya ngayon lang siya naligo.
Pahiga na siya sa kaniyang kama ng nag-vibrate ang phone niya.
From: Baby
Majo, Can we talk?
At dahil diyan, di niya alam ang nararamdaman. Kumbaga, mixed emotions.
BINABASA MO ANG
Clash of Teen Buddies
Fiksi RemajaA clash between two group of friends, na dati ay magkakaibigan naman. Ano kaya ang nangyari sa loob lamang ng kanilang huling taon sa highschool?