Thursday.
Thursday ang araw na plano nila Paolo, Lyka and Nonet mag-usap. Request kasi ni Lyka na kasama si Paolo kapag mag-uusap silang dalawa;; kinakabahan kasi ito sa mangyayari o kaya naman na-pa-paranoid si Lyka kakanood ng kdramas?
Napagdesisyunang 5PM ang oras ng paguusap nila. Sinundo ni Paolo si Lyka galing sa apartment bago sila mag-punta sa isang cafe malapit sa downtown.
"Scared?" tanong ni Paolo habang on the way sila sa cafe.
"Kinda but I'm fine." sabi ni Lyka and she gave him an assuring smile.
"Just tell me later, kung uncomfortable ka," sabi ni Paolo at tumungo lang si Lyka.
Nakarating sila sa cafe na naghihintay na si Nonet na kakarating lang din. Biglang kinabahan si Lyka dahil sa ganda ng babae, kung ipagku-kumpara niya ang sarili niya dun? Walang-wala siya, siguro kuko lang ni Nonet si Lyka.
"Nonet, here's Lyka, my girlfriend." sabi ni Paolo at ngumiti laang si Lyka.
"Nice to meet you, Lyka." sabi ni Nonet at biglang nagbeso-beso siya na ikinabigla ni Lyka. "Finally." sabi pa nito at ngumiti.
"N-ice to meet you too." sabi ni Lyka. Umupo silang dalawa habang nagoorder ng drink si Paolo.
Silence.
Silence. Ang nangingibabaw sa dalawa. Walang gustong mag-salita. Nagkakatinginan sila pero parehas silang nag-iiwasan ng tingin. Hindi tuloy nila alam kung matatawa sila sa ginagawa o magpatuloy lang sa ginagawa.
"So ano na?" biglang dating ni Paolo at inilapag ang order nilang tatlo.
Sa kasamaang palad, nakalimutan ni Paolo na Lactose Intolerant si Lyka, kaya ang kape niya, no cream. Hindi napansin ni Paolo ito at masayang umupo.
Habang binibigay ni Paolo ang drinks nila, biglang hinawakan ni Nonet ang braso ni Paolo at nagpasalamat.
"Hindi mo parin talaga nakakalimutan yung favourite drink ko sa cafe na 'to." sabi nito at ngumiti.
"Sus, daig mo pa nga yata ang lion kung mag-wala kapag hindi mo nakuha ang gusto mo." sabi ni Paolo.
Hindi mahawak-hawakan o matikman manlang ni Lyka ang kape na binigay ni Paolo. Hindi ito napapansin ng dalawa kasi magkausap sila, para tuloy chaperone lang ang peg ni Lyka.
Halos mga-30 minutes din nag-usap ang dalawa. Gumagamit nalang si Lyka ng phone para maaliw ang sarili at para naring mapansin nilang dalawa na kasama nila si Lyka; kaso hindi talaga nila siya pinapansin.
"Uh, sorry," sabi ni Lyka at nag-ayos ng gamit. "Kailangan ko ng umuwi, pasensya na sa abala." sabi niya at aakmang tumayo.
"Hati-"
"H-indi na, marami pa ata kayong paguusapan," sabi ni Lyka at ngumiti siya, fake smile. "Nice to meet you, by the way."
"Same here." sabi ni Nonet at dali-daling umalis si Lyka ng cafe.
Hindi niya naisipang mag-taxi, iyak siya ng iyak habang naglalakad pauwi. Hindi niya alam ang gagawin niya. Sinisisi niya ang sarili niya na ang tanga-tanga niyang pumayag siyang makipag-kita sa babae, para saan? Para pag-selosin lalo siya? Para ipamukha skaniya na wala siyang kwentang girlfriend kay Paolo?
"Hindi yan, Lyka, matagal lang sila hindi nagkita kaya ganiyan." pilit na ina-assure ni Lyka ang sarili kahit sa totoo hindi niya matanggap.
BINABASA MO ANG
Clash of Teen Buddies
Teen FictionA clash between two group of friends, na dati ay magkakaibigan naman. Ano kaya ang nangyari sa loob lamang ng kanilang huling taon sa highschool?