¤ABIGAIL¤
Nasa office ako habang naglalaptop nang may tumawag sa phone ko.
Calling...
Jennifer
"Hmm.. Hello best? Napatawag ka?" sagot ko.
"Eh asan ka na ba? Mag-aalas dose na ah? Wag mong sabihing nasa coffee shop ka pa rin? Ano? Nagpapayaman lang?" sabi ni Jen.
-.- aizt! Ayan na naman sya. Nag-ala nanay ko. Palibhasa kasi iisa ang apartment na tinutuluyan namin. Yung duplicate ko naman naiwala ko. Di ko alam kung san napunta kaya wala syang choice kundi hintayin ang pag-uwi ko.
"Opo na. Uuwi na nga eh. Di ko naman kasi napansin ang oras."-ako
"Talaga? O hinihintay mo lang na sunduin ka ng walang kwenta mong boyfriend? Na kinakarir ang pagiging bachelor? Kahit may girlfriend na. Alam mo? Sa lahat ng tanga, ikaw na ang pinakatanga bestfriend. E parang ikinakahiya ka ng boyfriend mong mayabang eh? Pilingero hindi naman gwapo!"-sya
Napailing nalang ako sa kabilang linya habang nagsha-shutdown ng laptop.
"Ano ba yan. Hindi ka na nagsawa sa litanya mong yan. Araw-araw mo nang binanggit sa kin yan pag nasa apartment tayo ah."-ako
"Aba bakit? Natuto ka naman ba? Bakit? Nakikinig ka ba? Hindi naman di ba?"-sya
"Sabi ko naman sayo... ginagawa nya yon para sa kasal naming dalawa. Malaki ang naiitulong ng pagiging outstanding bachelor nya. Pinag-aagawan sya ng mga kumpanya. Kapag nakapili na sya ng papasukan, hanggang don nalang ang lihim na relasyon namin. Konting-tiis lang. Para sa kasal namin yon at sa future namin."-ako habang nagsasara na ng coffee shop.
"Ah so nagpagamit ang gaga. Hindi ka lang tanga, gaga ka pa. Ewan ko na sayo."-sya
"Ang sakit mo naman magsalita. Mahal ko lang ang tao bestfriend."-ako
"Mahal? Mahalin mo ang mukha mo. Umuwi ka na nga. Kundi sa lansangan ka matutulog ngayon."-sya
"Oo na. Ito na sarado na. Pauwi na ak---" paglock ko ng pinto ng coffee shop nakita ko bigla si Rodney sa harap ng kotse ko. Nakatayo lang sya at hindi maipinta ang mukha. Kinabahan akong bigla. Ano kayang meron?
"Oh bakit? Anong nangyari sayo dyan? Hoy Abigail?" tugon ni Jen. Nasa kabilang linya pa nga pala sya.
"Ahm, matulog kana, bestfriend. Sa bahay nalang ako uuwi. Sige bye." pinatay ko na agad dahil alam kong sasatsat lang ulit si Jen.
"Ano? E ang layo ng bahay nyo ah? Ho----" huling sambit ni Jen sa telepono. At dahil alam kong unli-call sya, shinut down ko ang phone ko at tinuon ko ang pansin kay Rodney.
"Di ko naman inexpect na susunduin mo ako. Busy ka di ba?" Sabi ko. Ngumiti ako pero wala pa din syang imik. "Ok ka lang ba?" tugon ko ulit. Bigla syang lumapit. Ibang-iba ang pakiramdam ko. Malamig ang paligid naming dalawa. Ibang klaseng lamig.
"Boyfriend mo ako. May iba ka pa bang ine-expect?" tugon nya. Ha? Anong sinasabi nya? "Baliw." Sabi ko habang namemeke ng tawa. "Syempre wala. Ikaw lang naman ang mahal na mahal kong boyfriend eh. Gusto mo magkape? Ititimpla ko yung lattè na paborito mo." tugon ko pa. Ngumiti sya at tumango. "Pwede pa ba? Mukhang sarado na." "Bubuksan ko. Ikaw naman. Basta ikaw." tugon ko. "Sige. Mas maganda na din kung dito na tayo mag-uusap." tugon din nya. Napatigil ako sa pagkilos nang marinig yon. Hindi ko gusto ang pakiramdam na bumabalot sa akin ngayon.
Maya-maya pa ay nasa loob na nga kami ng shop pero naka-closed sign na. Naka-upo na kaming pareho. Habang hinihintay yung lattè nya, nagkakwentuhan kami ng konti. We were like strangers from nowhere. It's like parang hindi kami ni Rodney. Hindi na kami tulad ng dati. Nagbago na sya. Pero sa kabila non. I still love him the same as before.
Nang matimpla ko na ang lattè nya, inihain ko na sa kanyang harapan yon at umupo sa harap nya.
Humigop muna sya ng konti at ngumiti.
"Thank you." sabi nya.
"Wala yon. Ikaw pa." At katahimikan ang sumunod sa sinabi ko. "Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko. Kahit na hindi ko talaga feel ang moment nato. Pero naitanong ko pa rin.
Humigop ulit sya.
At huminga ng malalim.
"Let's break up."