¤ABIGAIL¤
"Abi, yung tungkol sa pagpapanggap? Ahmm... itutuloy pa ba natin? Obvious naman na kaya sumugod si Rodney, mahal ka pa rin nya pagkatapos ng lahat ng nangyari sa inyong dalawa. Hindi ba mahal mo pa rin sya?"
Napatigil ako sa pagkain. Tapos napatingin ako sa kanya.
Napatungo naman sya at natahimik.
"Sorry." Sabi nya.
"Hindi, ok lang. Ahmm, ok lang naman sa akin kung ayaw mo na ituloy kasi..." sabi ko. Kaso naputol yung sasabihin ko kasi bigla syang sumigaw.
"Hindi! Gusto ko!..."
I was like, o_O
Pati nga sya nagulat sa nagawa nya.
"I mean, gusto ko hangga't nakakatulong pa ako sayo... ito, di ba?"
"Ahmm, sige? Sa bagay.."
Pakiramdam ko biglang naging awkward.
"So, anong balak mo na ngayon?" Tanong nya.
"Naisip ko din kasi na baka hindi ka tigilan ni Rodney. Baka masaktan ka na naman nya."
"Abi, ok lang ako. Wag kang mag-alala. Atsaka kaya ko naman labanan yun eh."
Nakonsensya akong bigla. Siguro kaya nya biglang natanong dahil nga sa nangyari.
"Tama ka. Tigilan na natin to." Sabi ko.
Biglang naramdaman ko ang kamay nya sa kamay ko.
Hinawakan nya yung kamay ko na nakalapag sa mesa.
"Abi, I'm ok. First of all, hindi ko hiniling sayo na tama na at ayoko na. Iniisip lang kita. Second, ako? I'm fine. And third, this is all of my idea. So, walang iwanan sa ere. Sagarin na natin hanggang sa malaman natin ang totoong motibo nya kung bakit ka nya iniwan. Tapos ngayon hinahabol ka nya dahil ang alam nya tayo na."
