Chapter 10- the Plan

72 0 0
                                    

¤PATRICK¤

Hindi ko din alam kung bakit ko nagawa ang bagay na yon, pero... mukha namang tama ang ginawa ko. Kahit na hindi naman dapat. Hindi naman siguro mali na tumulong sa kaibigan di ba? Pag mukha namang kailangan nya talaga.:)

Pagkatapos non, yinaya ko sya sa isang lugar dahil sigurado ako, sa likod ng pagngiti nya ngayon at sa pagpapasalamat nya... there are thoughts running in her mind. And I'm interested to listen kahit ano pa yon. She can even say bad words to me. I'll let her... gumaan lang ang loob nya.

We went to a park at sa isang bridge kami tumigil. Don kami tumambay para mag-usap.

"Grabe. Sa tulay tayo nagkakilala tapos sa tulay mo na din ako dinadala sa tuwing magmemeet? Ganon?"

"Haha! Napansin mo?"

"Seriously?"

"Haha! Joke lang. Wala lang. Ang ganda lang kasi dito at good place to stay, to think and to relax."

"Sa bagay, tama ka."

"But not a perfect place to scream." And then I did my sarcastic smile.

"Haha. Sira! Niloloko mo na ako ngayon ha."

"Joke lang.."

"Ewan."

"Hahaha! Anyway, ok ka lang?" Tanong ko sa kanya. Pero yung tanong na yon ay sa sitwasyon kanina.

Nagtaka yata sya sa tanong ko.

"Oo naman? Bakit hindi?" Sagot nya.

"Ngayon, 'oo naman'.... eh kanina? Nong kausap mo yung babae?"

Natahimik sya at napabaling ng tingin.

Sabi ko na eh.

"I will listen."

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon