¤PATRICK¤
Wow! I feel like I'm in a grand competition in baking. Kailangan kong matalo si Lhea. Every week kasi kaming ganito. Para makita kung sino ang nag-iimprove sa aming dalawa sa baking. At ang judge namin? Ang bestfriend kong si Anton na tumataba na sa kakatikim ng cake namin every week. Minsan nga inuuwi na nya. Last week natalo na ako ni Lhea. Hindi na ako papayag ngayon.
"DONE!" Sigaw ni Lhea.
Haaay! Nagdedesign palang ako.
Di ko sya pinansin. Tinuloy ko lang ang ginagawa ko.
"Pare bilis! Gutom na ako." Tugon ni Anton.
Bwisit. Mampressure ba? Konting suporta naman bro.
At sa wakas, natapos din. "DONE!" Tugon ko. Pumalakpak si Lhea.
"Mabilis ka pero di na ako papayag matalo." tugon ko kay Lhea.
"Titignan natin, Mr. Chavez." tugon nya at nag-evil smile.
"Salamat at natapos ka din Pat. Akin na titikman ko na ang kay Lhea kasi sya ang huling nanalo." tugon ni Anton. Matakaw talaga. Parang kakakain lang nya ng sweets kanina tapos gutom na naman sya.-_-
Nang matikman nya ang kay Lhea. Kinabahan na ako. Dahil mukhang in love na naman si Anton. 《♥o♥》
"Tikman mo na yung akin!" tugon ko na ikinatuwa naman ni Lhea.
"Threatened ka no? Kalma. Hindi to Grand Competition. Hahaha!" pang-aasar ni Lhea.
"Pft. Ewan." pagkukunwari kong napipikon.
"Eto na. Wag kang atat!" tugon ni Anton
Pagtikim ni Anton..,
~.~
"Ano na?"-ako
-_-
"Talo na naman ako?"-ako -_-
"Yes!"-si Lhea. (^~^)
"Panalo si Pat!" biglang tugon ni Anton. ^o^ "Ang saraaaap! Iuuwi ko na to ha? Pati yung kay Lhea."
"Ano!?" Pagkabigla ko. Pumalakpak ulit si Lhea.
"Congrats!"-si Lhea
"Yes! Hahaha!"sigaw ko. tuwang tuwa ako at napayakap ako kay Lhea. Niyakap nya din ako pabalik.
Bigla kong narealize na baka nabigla ko sya. Agad akong kumalas.
"Sorry."
"Ok lang."-si Lhea.
Biglang dumating si Anton na hinakot ang mga cake sa kotse nya.
"Ano? Tara na umuwi?"-Anton
"Tara."-Lhea
"Sige ihahatid na kita, Ley."-ako
"Hindi na, Pat. Kay Ton nalang ako sasabay. Kami yung magkalapit lang ang bahay. Mapapalayo ka pa. Mas malapit ang bahay mo."-Lhea
"O sige. Ako na dito. Ingat kayo. Bye."-ako.
"Sige bro. Una na kami ni Lhea."-Anton
"Bye."-Lhea
Ngumiti nalang ako hanggang sa lumabas sila ng shop.