Vote for the story or leave a comment if naiyak kayo sa Chapter 35. Umandar lang po ang pagiging assuming ko.😂✌😘💕
•RODNEY•
Nagtungo ako sa bahay ni Atty. Crisostomo. Gusto kong marinig galing mismo sa kanya na sya nga ang nagpeke ng buong pagkatao ko. Gusto kong marinig galing sa kanya na hindi ako isang Lastimosa.
Pagdating ko sa bahay nya, eksakto naman ang paglabas nya sa gate na parang may pupuntahan. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Aaminin ko, hindi ako handang tanggapin ang lahat-lahat. At ayoko pang malaman ng mga Chavez na ako ang nawawala nilang anak.
Agad akong bumaba ng kotse at tinawag si Roberto bago pa man sya sumakay sa sasakyan nya.
"Atty. Roberto Crisostomo." Tugon ko. Dahilan para matigilan sya. Lumingon sya at di man lang nag-atubiling iwasan ako. Alam nya siguro ang pakay ko.
"Rodney?" Bungad nya.
"Talaga bang yan ang pangalan ko? Attorney?" Sabat ko. "Totoo ba?!""Rodney, makinig ka sa akin.." Tinig nyang takot na takot.
"Sabihin mo! Totoo ba?!" Papalapit ako sa kanya. Nang makalapit ako, agad ko syang kinuwelyohan."Magsalita ka!!"
"Rodney, patawad.. P-patawarin mo ako...~"
"~Bakit!? Sino ako, Attorney! Sino ako!! Sabihin mo!"
"I-ikaw si Jhon Chavez! Ikaw ang nawawalang anak ni Julio!" Pag-amin ni Roberto.Natahimik ako. Hawak ko pa rin kwelyo nya habang nakatitig sa kanya. Punong-puno pa rin ng galit ang damdamin ko.
"Pineke mo ang pagkatao ko. You made me hate my own family!" Sigaw ko.
"Patawarin mo ako, Rodney. Hindi pa huli ang lahat. Maaari ka pang bumalik sa kanila. Tutulungan kita." Pangungumbinsi nya sa akin.
"How can you say that? They even think that I am dead!" Sigaw ko muli sa kanya. Hindi ko na sya matansya. "Akala mo ba hindi ko pa alam!? Alam ko na lahat, attorney!! Sinira nyo ang buhay ko!!!" Akma ko na sanang sasapakin sya ng biglang...
"Rodney! Stop!" Tinig yon ng kapatid ko. Ng pekeng kapatid ko. Binitawan ko si attorney at napabaling atensyon ko sa kanya. "Alam kong galit ka. Pero wag mong hayaang sakupin ng galit ang buo mong pagkatao." Tugon pa nya
"Wala kang karapatang sabihin sa akin ang dapat kong gawin! Dahil kung alam mo talaga ang tama at mali, matagal mo na sanang ginawa!" Sabat ko at agad na sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito.
•CESS•
There is no turning back. But this has to stop. Hindi na nakakapag-isip ng tama si Rodney sa mga ginagawa nya. Nababalot na ng galit ang puso nya. At hindi ko sya masisisi. Sobra-sobra naman talaga ang pinagdadaanan nya ngayon. Pero para hindi tuluyang mahuli ang lahat, kailangan kong tulungan si Rodney. Bilang kapatid nya.
Sadyang napakaliit ng mundo para sa amin at para sa mga Chavez. Kaya I had no choice. I need to talk to Patrick. Dahil kung ano man ang binabalak ni Rodney, may posibilidad na mapigilan nya ang kapatid nya. Pero bago yon, kailangan nyang malaman kung sino ang kapatid nya.
•PATRICK•
I'm on my way to the office right now. Pinakiusapan ko muna si Anton na magstay muna sa ospital kasama sina Mama. At dahil walang bantay ang shop, pansamantala ko na munang pinasara. Tulad ng pangako ko kay Papa. Aayusin ko na muna ang kumpanya. Hindi ko muna ipinaalam kay Papa ang mga nadiskubre ko at lahat ng ginagawa ni Rodney. Bukod sa mga nalaman ko, may mas ikinagalit ako sa mga ginawa ni Rodney. Ninanakawan na pala nya ang kumpanya namin. Kasabwat nya si Cassandra Hermandez sa paraan ng pagpapapirma kay Papa ng mga kung anu-anong papeles.
Lingid sa kaalamanan ng mga tao sa opisina ay may mga pulis akong kasama para sa panandaliang pag-aresto kay Cassandra. Dala ang warrant of arrest, pinuntahan na nila si Atty. Hernandez sa tinutuluyan nito. Kaya lang wala sya. Kaya isa nalang ang alam ko kung asan sya. Kundi sa opisina.
Hindi ako nagkamali, nakasalubong ko pa sya. "Mr. Chavez? What are you doing. I still have no news about Mr. Lastimosa." Bungad nya sa akin.
"Hindi ko sya hinahanap, Atty. Hernandez. At wala nang dahilan para hanapin ko sya. Wala na syang lugar sa kumpanyang to." Tugon ko na halatang ikinagulat nya.
"What exactly do you mean, Mr. Chavez?"
"I mean, he's not the CEO anymore." I claimed. Pero ngumiti sya ng nakakaasar.
"You have no right to do that, Mr. Chavez. Ever since talikuran mo ang kumpanya. Mr. Lastimosa have gave a lot for the company."
"That's why I am back, attorney. I have now the every right to fire him. I am still the son of Julio Chavez. The owner of this company." Hindi ko iniaalis ang mga mata ko sa kanya. At kitang-kita ko sa kanya ang pagkamuhi. "And yes, maybe Rodney have gave a lot for the company. Dahil trabaho nya yon. Pero pati ba ang paggagawa ng secret bank account at pagnanakaw sa shares ng kumpanya ay trabaho na din nya? At ikaw?"
Nanlaki ang mga mata nya na akala mo ay nakakita ng multo.
"Bakit? Nagugulat ka?" Kasabay ng sinabi ko ang pagpasok naman ng mga pulis.
"What is the meaning of this? Wala kang ebidensya sa mga ibinibintang mo sa akin, Mr. Chavez. I am a lawyer!" Sambit nya.
Napangiti naman ako dahil wala pa namang sinasabi ang mga pulis.
"Relax ka lang, attorney. Wala pang sinasabi ang mga pulis." Pinadaan ko ang isang pulis na may hawak ng sobre na naglalaman ng warrant nya. Agad narin syang pinosasan pagkatapos.
"You can't do this to me." Sabi nya.
"I just did." Sagot ko. At tuluyan na syang isinama ng mga pulis.Tinapos ko kaagad ang mga gawain ko sa opisina at nagtungo na din agad sa ospital dala ang ilang mga pagkain. Ipinaalam ko kay Papa ang ginawang pag-aresto kay Atty. Hernandez at ang bigo pa ring paghahanap kay Rodney Lastimosa.
I went out of the room and looked for mom para magpaalam na muna sa kanya. But she seem waiting for me too. Nakaupo sya labas ng kwarto ni Papa.
"Ma? Anong ginagawa mo dyan? Bakit di ka pumasok sa loob?" Bungad ko sa kanya.
"Hinayaan ko na muna kasi kayong mag-ama e. Namiss ko yung ganon kayo." Tugon ni Mama habang may ngiti sa labi nya. Natuwa ang puso nang makita ko yon.
"Mama talaga. Ang drama." Tugon ko. Umupo ako sa tabi nya. Mga ilang saglit na katahimikan bago magsalita ulit si Mama.
"Anak," tugon ni Mama. Nagbuntong hininga pa muna sya bago ulit magsalita. I lay my eyes on her. "May kailangan kang malaman."
"Ano po yon? May problema po ba?"
"Anak, patawarin mo sana kami ng Papa mo." Nagngingilid ang mga luha ni Mama. Bigla akong kinabahan."Ma.."
"Patrick, may kapatid ka."Pansamantalang tumigil ang mundo ko. Iniisip ko kung totoo ba tong naririnig ko. Hindi mukhang nagbibiro si Mama. Tumulo ang pawis ko kasabay ang mabilis ng tibok ng puso ko.
"Anong.. Anong ibig sabihin nyo mama?"
"Si kuya Jhon mo. 25 years ago, nawala sya. Madaming kumalat na balita na kinidnap sya, dinukot pero walang kahit anong tawag ang dumadating sa amin para humingi ng ransom." Kwento ni Mama habang umiiyak. Hinaplos ko ang likod nya para sa pagpapakalma sa kanya.
"May dumadating din sa amin na balitang patay na sya pero walang bangkay na lumulutang. Hanggang sa nanghina na ang loob namin ng Papa mo. Nagdesisyon kami na wag nalang sabihin sayo kasi gusto ka naming protektahan."
"Protektahan saan Ma? Pamilya tayo. Ang problema nyo, problema ko rin. Naiintindihan ko na bata pa ako non. Pero ma ang di ko maintindihan, nagkaisip na ako, pinili nyo pa ring itago sa akin to." Napabuntong hininga ako. Niyakap ako ni Mama.
"Patawarin mo ako, anak. Patawarin mo kami." Muling tugon ni Mama pero pinili ko muna manahimik ng ilang saglit.
"Hindi nyo po ba naisip na kung sinabi nyo sa akin baka nagkatsansa pa tayong makita si Kuya? Sigurado ako ma, na nasasaktan si Kuya ngayon dahil pinili nyong sukuan sya. Pero ma, ako hindi susuko. Ibabalik ko si kuya sa pamilya natin. Hahanapin ko sya, ma. Pangako ko sayo yan." Ginantihan ko ng mahigpit na yakap si Mama.