¤JENNIFER¤
Hindi ko pa din maintindihan kung ano ba talagang nangyayari between Pat and Abi. How come na si Rodney ang naging tagapagmana ng yaman ni Pat?
I know everything. Pero hindi pa din ako makapaniwala na sa dami ng tao bakit si Rod pa?
Pero sa totoo lang, yung gabing yon ang pinaka masakit na nakita ko si Abi na almost breaking down of crying. At sabi nya, she can't even explain to me well why she feels comfortable to cry at hindi nya talaga mapigilan ang pag-iyak.
I will never forget that night. Isa yon sa mga gabing nagpasikip ng dibdib ko.
FLASHBACK
Nagluluto ako ng sarili kong dinner kasi for sure busog na don si best kasama si Pat.
Since mag-isa lang ako nag-earphones ako ng malakas.
Nakakain na ako lahat-lahat, nakapaghugas ng pinggan.
Until I reached my bed. Ready to sleep na sana ako ng makareceive ako ng tawag galing kay Abi.
Incoming Call...
Best Abigail ^_^
"Hi best!! Kamusta ang date?? Haha!"
*sobbing*
"Best? Ok ka lang? Umiiiyak ka ba?"
"Best? Pwede mo ba akong sunduin?" *sobbing*
"O-oo naman... Nasan ka ba? ..... Ok. Hintayin mo ko dyan. I'll be there."
Napataranta ako sa pagbihis at agad kong kinuha ang susi ng kotse ko.
Hindi ko na nga alam kung san ako dadaan sa sobrang taranta. Kasi she really sounds like miserable. Ano kayang nangyari? Anong ginawa sa kanya ni Patrick? Pag may nalaman-laman lang ako, mananagot sa akin yang Patrick na yan.>
Pagdating ko don, naabutan kong umiiyak si Abi na nakaupo sa hagdanan.
Agad akong bumaba ng kotse ko at tumakbo papunta sa kanya.
"Abi! Ano bang nangyari? Bakit ka umiiyak? Bakit ka nandito? Nasan si Patrick?"
Pinunasan nya ang luha nya at tumayo. Nag-aya na sya na umuwi. Napabaling ako ng tingin nakita ko pa ang kotse ni Patrick na nakapark.
Hindi na ako nagsalita ulit. Inalalayan ko sya papunta sa kotse, ganon din ako at nagmaneho na ako pauwi.
Tahimik ang buong byahe. Nakatingin lang sa malayo si Abi. Ni hindi ko alam ang tumatakbo sa utak nya. Wala pa rin akong kaide-ideya sa nangyari.
Ano kayang ginawa sa kanya ni Patrick? Bakit nandon naman pala ang kotse nya?
Hindi kaya, may asawa na si Patrick? Dumating sa party? O kaya pinaalis sya ng magulang ni Patrick? Sinabihan syang hindi sila bagay?!
Oh my? Sobrang mala-teleserye ko naman.-_-
Pagdating namin sa bahay agad syang pumasok sa kwarto at nagsara ng pinto. Kinabahan naman ako at baka kung anong gawin nya.
Kaya kumatok ako bigla.
"Abi? Nakikiusap ako sayo. Wag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo! Best! Kung nakaya mo yung pag-iwan ni Rod---" hindi ko natapos yung sasabihin ko, bigla kasing nagbukas yung pinto.
"Jen, OA ha? Wala akong ginagawa. Baliw. Nagbihis lang ako."
"Sabi ko nga. E bakit ka kasi bigla-biglang naglolock ng pinto?"-_-