¤JENNIFER¤
Paggising ko ng 6am, usually nauuna ako kay Abi pumasok. Nagulat ako, wala na sya sa kabilang kama.
Hinanap ko sya sa sala, kusina, at banyo, pero wala talaga kahit anino nya.
Agad kong kinuha ang phone ko para tawagan sya. Bigla din akong kinabahan kasi.
Calling...
Best Abigail ^_^
"Jen?"
"Ahh? Akala ko hindi mo na ako kilala eh. Asan ka?"
"Sira ka talaga. Bakit ba? Nasa shop ako bakit?"
"Ano? Ang aga mo naman? Di ba 7am pa ang bukas ng shop mo?"
"Nagpaaga ako ngayon. May mga customer na din kasi. Ikaw? Di ba may pasok ka pa? Asikasuhin mo na ang sarili mo. Sorry kung di na ako nakapagpaalam sayo. Ang sarap ng tulog mo eh."
"Abi naman eh?"
"Bakit? Sige na best, may mga customer na. Bye. Ingat ka."
**tututut**
Huh? Binabaan ako?
Nagulat pa ako, eh lagi naman akong binababaan ng telepono non.
On the way na ako sa trabaho ko nang napagdesisyunan kong magchange course.
Dumaan muna ako sa shop ni Abi.
At nakakapagtaka, hindi ko nakita ang kotse ni Abi sa harap ng shop.
Kaya tumigil muna ako sa shop nya at nagtanong-tanong sa mga staff nya kung asan sya.
Pero isa lang ang nakuha kong sagot...
"Sorry ma'am. Hindi po namin alam eh. Bigla nalang po sya umalis eh."
Sinubukan ko ulit tawagan si Abi pero hindi ko na macontact ang cellphone nya.
Kaya tinawagan ko ang office ko, at nagpaalam ako na mag-ha-half day ako sa trabaho.
Hindi ko naman kasi pwedeng pabayaan ang bestfriend kong broken hearted no. Baka mamaya hindi lang puso nya ang ma-broken.-_-
