•CESS•
I went to the cemetery to visit my parents' grave bago ulit ako bumalik ng Paris.
3 years ago, I stayed here but narealize ko na, kailangan ko din bumalik ng Paris, hindi dahil sa trabaho ko, kundi dahil sa hindi ko na talaga mababago ang desisyon ng kapatid ko.
Napaluhod ako sa harap ng puntod ng mga magulang ko and I sobbed...
"Ma, Pa, I can be a good sister to him....
But I can't...
I can't be his sister knowing that I'm not really his sister!" *sniff*
"Bakit nyo ko kailangang iwanan with this kind of responsibility? Ang hirap sa akin makita na kinamumuhian ni Rodney ang sarili nyang pamilya dahil sa ang akala nya, ibabalik nya ang kumpanya sa inaakala nyang pamilya!" *wipes tears*
Kung naging fair ka lang siguro dad kay tito Julio noon sa kumpanyang pinaghirapan nyong dalawa, hindi siguro mangyayari na kinakailangan nyo pang manguha ng ibang anak para gamitin at para mabawi ang kumpanyang inaangkin mo, Pa! Alam mo ba, Pa, kung gaano kahirap sa konsensya ko na makitang kinakalaban ni Rodney ang sarili nyang kapatid!? Maging sa babae minamahal nya?!"
Pinunasan ko ang luha ko.
"Pa, Ma, I want to correct our family's mistake. By letting them know truth na ang baby John nila na inakala nilang namatay ay walang iba kundi si Rodney Lastimosa!"
•PATRICK•
Nung nakarating sa akin ang balita tungkol sa kumpanya namin, nag-alala na nga ako agad. Kaya nang makauwi si Lhea, agad akong tumawag kay Mama.
Ayon kay mama, napapansin nya na parang unti-unting nauubos ang pera ng kumpanya. Nagrereklamo na ang ilang miyembro ng board. Madami ding kung anu-anong papeles ang pinapapirma ni Rodney at ang tanging dahilan ng binata ay may mga bagong materyales na binili para sa mas matibay na mga modelo ng kotse. Lahat daw halos ay galing sa China, Korea at Japan.
Madalas din daw kasama ang isang babae na nagngangalang Cassandra Hernandez na pinakilala ni Rod kay papa bilang bagong abugado ng kumpanya.
Madalas itong kasama at iharap ni Rod kay papa pag may mga papeles na papapirmahan.
Ayon pa kay mama, madami na nga daw nabago bukod sa bagong abugado. Samantalang, si Atty. Ramon Crisostomo lang ang magiting na abugado at tanging pinagkakatiwalaan ni papa.
Sabi ni mama, nagpasa daw ng resignation letter si Atty. Crisostomo sa di malaman at maipaliwanag na dahilan.
Nararamdaman ni mama ang pagkalugi ng kumpanya. Bukod sa bumababang benta at sa paraming reklamo ng board, pati ang shares nila ay may ilan ng investors ang umaatras at umaalis.
Nakararamdam man daw si papa ng mali, patuloy naman ang paliwanag ni Rod na makakabawi din sila. Na natural lang daw yon katulad ng mga ganong problema pero hintayin lang daw ni papa ang pagbawi nila at maiintindihan nila na may maganda kahahantungan ang lahat ng nawawala ngayon sa kanila.
Habang nakikinig ako kay mama, di ko maiwasang magalit. Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi namin alam ang plano ni Rodney. Yung dahilan kung bakit nya ginagawa to. At kung ano ba talaga ang nangyayari sa kumpanya. Bakit may mga umaatras na investors? Bakit kailangang magresign ni Atty. Crisostomo? At sino si Atty. Cassandra? Anong koneksyon nya kay Rodney?
At ang isa pang katanungan na dapat kong sagutin...
Kailangan ko na ba talagang bumalik sa Pilipinas?
•ABIGAIL•
Another day has ended. I packed up nagsara ako ng coffee shop. I called Jen na I'm on my way na sa apartment.