Chapter 11- Past VS Present

56 0 0
                                    

¤ABIGAIL¤

January 16, 2014. Yes. Official na ang pagpapanggap namin ni Patrick.

Official nang kami.


Pero lahat to ay may rason. I want to know kung minahal ba talaga ako ni Rodney. O kailangan ko nang kalimutan sya at magmove on na.


Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng pagpapanggap na to pero alam ko na hindi ako pababayaan ni Pat.


Nasa kotse nya ako ngayon. Hinatid nya ako pabalik ng shop.


Biruin mo yon? Inabot kami ng hapon? Mag-aalas tres na. Pano ba naman kasi nagkwentuhan pa kami.


Naikwento nya sa akin ang buhay nya. Pero mga ilan lang.

"Thank you." Sabi ko.

"No problem. Girlfriend na kita ngayon." Ikinagulat ko yung sinabi nya.o_O

"Ano?"

"Girlfriend na kunwari. Ikaw naman. Kinabahan agad? Masyado kang nerbyosa. Sobrang kape na yan. Hahaha!" Sabay tawa nya.


Loko to ah. Teka eh bakit naman ako magugulat eh totoo naman. Para kasing sa pagkakasabi nya, totoong-totoo.

"Hoy. Hindi na nga ako nagkakape ngayon." Nagulat ako nang bigla syang bumaba. Sinundan ko lang sya ng tingin.

Yun pala, bubuksan nya yung pintuan ko.


Gentleman talaga sya. Ang swerte ng magiging gf nya. Mabait at gwapo at responsible si Pat.


E kaso ako kunwaring gf nya ngayon. Kaya.... ang swerte ko. ^_^v


Pagbaba ko ng kotse, biglang may humarurot na kotse din sa harap namin nagpark.

Parehas kaming napalingon ni Pat. Nung bumaba ang driver, nagulat talaga ako.

"Abi, pwede ba tayong mag-usap?"

Si Rodney.


¤PATRICK¤

Hindi ko kilala yung lalaki. Pero isa lang ang hinala ko. Sya si Rodney. Ang ex ni Abi. At gusto daw nyang makausap si Abi. Well, he has to know na may boyfriend na si Abi. At ako lang naman yon kahit na nagpapanggap lang kami.

"Wala na tayong dapat pag-usapan, Rod. Umalis ka na." Sabi ni Abi.

Tama ang hinala ko.

"Pwede ba, Abi? Kakausapin lang kita. Wag ka nang umarte." Sabi nung Rodney. May pagkabastos nga. Sabay hawak nya sa kamay ni Abi akma nyang hahablutin palayo sa kinatatayuan namin. Parang wala ako don at di man lang nya napapansin. Walang modo ang lalaking to.

"Aray! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ni Abi na mas ikinainis ko pa.

"Pare! Bitawan mo si Abi! Bastos ka ah? Nasasaktan yung tao!" Sigaw ko sa kanya sabay hawak sa kamay ni Abi kung saan hawak din ni Rodney.

Napatingin sa akin si Rodney. and he smiled sarcastically.

"Bakit ha? Sino ka ba? Hindi mo ako kilala kaya wag kang mayabang dyan. Tumahimik ka at wag kang makialam dito." Hawak nya pa rin ang kamay ni Abi at hinihila nga nya ito. Pero hindi ko binitawan si Abi.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon