Chapter 33 - She's done, He wants more

12 0 0
                                    

•ABIGAIL•

If you still managed to love someone who have destroyed you, you're lying to yourself. Because how can you love someone if you don't really know him,  right? Akala ko kasi kilala ko na. Kaya di ko inaasahan na ang panandaliang pagkakakilanlan namin sa isa't isa ay panandaliang ding katapusan ng pagkakaibigan naming dalawa. Pero, natapos nga ba? May makakapagsabi ba na natapos ang isang pangyayari? May nakakapagsabi ba na tapos na kapag pagod at tinapos mo na? Kapag ba tinapos mo na, sigurado ka ba sa sarili mo na tapos na talaga? O alam mo rin sa sarili mo na nagsisimula palang ulit ang lahat?

Nasurpresa talaga ako sa tumugon ng pangalan ko mula sa likod ko. Nang marinig ko palang naman ay may duda na ako. Pero para ako isang robot na awtomatik lumingon sa kanya. Nang makita ko si Patrick, natuwa ang puso ko. Sa kabilang banda, parang sa palabas na nagflashback at bigla nalang sumagi sa utak ko ang nakaraan kasama na ang gabing ayaw na ayaw ko nang maalala. Nakaramdam ako ng sakit. Kasabay non, bumalik yung galit. The next thing I know, nagpaalam na ako kay Tita Rosa para umalis na.

"Pasensya na po, tita. May kailangan pa pala akong asikasuhin sa shop. Babalik nalang po ako bukas. Ipagdadasal po namin ang kaligtsan ni tito." Tumingin ako kay Jen at ngumiti kay tita Rosa. "Sige po." Tugon ni Jen.

"I-ihahatid ko na kayo." Utal na tugon ni Anton. Alam ba nya na nandito na si Patrick? Hindi na ako nag-atubiling sumagot. Basta't ang alam ko, gusto kong umiwas. Gusto ko nang umalis sa lugar na yon.

Naramdamam yata ni Anton na "hindi na" ang sagot ko sa alok nya at bigla syang tumigil sa pagsunod sa aming dalawa ni Jen. Habang naglalakad ako pabalik, parang istatwang nakatigil pa rin doon si Patrick. Hindi ko sya tinitignan pero naaaninag sya ng mata ko. Malamlam at malungkot ang mga mata nya. Parang palihim na nagmamakaawa sa atensyon ko. At hindi nga ako nagkamali. Nang matapat ako sa kanya, hinawakan nya ako.

[Insert "I don't want to be your friend" by Nina]

"Abi, c-can we talk?" Utal nyang paanyaya. Huminga ako ng malalim para sagutin ang alok nya. "Sorry Pat. Maybe some other time. Busy kasi ako ngayon eh." I smiled. A fake one. "And by the way, nice to see you again. Get well soon kay tito. Alam ko na gagaling din sya." I said, ending our conversation. At tuluyan na kaming lumabas ni Jen ng ospital.

•PATRICK•

Malamig. Alam ko kung bakit. Dahil nakasakit ako ng tao. Akala ko, ako lang ang nasaktan. Tama si Lhea. Nang inakala kong alam ko na lahat, wala pala talaga akong kaalam-alam. Naramdaman ko ang pag-iwas nya sa akin. Ni hindi umabot sa tatlumpong segundo ang pag tingin nya sa akin. Ako? Hindi ko alam kung ilang minuto ako nakatingin sa kanya. Umaasa na daanan man lamang din nya ang mata ko.

Nang makaalis na sya sa harapan ko, nagmukha lang akong istatwa don. Namangha ako dahil nakita ko sya ulit. Kasabay don, hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa pagkikita namin na yon. Ibang-iba na. Ibang-iba na sya.

Maya-maya pa ay nilapitan na ako ni Anton. Para pa akong nagulat nang magsalita sya. Napansin ko si mama na nakatingin sa akin. Alam nyang naging girlfriend ko si Abi. Pero hindi nya alam na nagpapanggap lang kami non.

"Pare, ano na?" Tugon ni Anton. Tumingin ako sa kanya. "Kamusta si Papa?" "Ok lang sya, bro. Ikaw ang kumusta." Sambit nya na syang kumuha ulit ng atensyon ko. Pilit kong ngumiti, pero umiwas din agad ako sa bubuksan nyang topic.

"Pare, hindi mo man lamang ba susundan?" Tugon ulit ni Anton. Napatingin ulit ako sa kanya. Pero sa puntong to, nanatili ang mga mata ko kay Anton. Ganon din sya sa akin. "Ano na?" Sabi nya ulit. Napatingin ako kay mama. Tumango sya na parang alam nya ang nangyayari. Kaya agad akong tumakbo pabalik.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon