¤LHEA¤
Sobra akong nag-alala sa nalaman ko. Tinext kasi ako ni Anton at sinabi nga nya sa akin ang nangyari kay Patrick.
Nasaktan ako nang malaman ko na may nanakit sa kanya.
Pero wala nang mas sasakit pa sa nalaman kong....
May girlfriend na sya.
Habang naghihintay ako sa shop ni Pat, nakaupo lang ako sa isang table don.
Nang bigla ko nalang naramdaman yung tumulong luha sa mata ko.
Bakit ko ba to nararamdaman?
Kasalanan ko naman di ba? Kung sinunod ko lang sana sya na iwasan ko na sya habang maaga pa, edi sana, wala ako sa ganitong sitwasyon.
FLASHBACK
4th year college na kami nina Pat at Anton. Kasama sina Dianne Lee at Rhemie Mendoza. Sila ang mga bestfriend ko since highschool. At may mga panata kami sa isa't isa na pagkatapos ng college, sabay-sabay kaming pupunta ng Korea para don magtrabaho. Pero nasira ang mga planong yon nang makilala at mahalin ko si Patrick.
(Insert Taylor Swift's I Always Do)
Bukas na ang graduation. Kasama ko sina Dianne at Rhemie dito sa campus. Ineenjoy kasi namin ang last ½ days namin dito.
"Sigurado ka na ba talaga na hindi ka na sasama sa amin papuntang Korea? Ngayon lang tayo magkakawatak-watak eh. Mamimiss kita," sabi ni Dianne habang nakapout pa. Hehe! Ang cute nya!
Sa aming tatlo, sya ang pinaka sweet. Halata naman eh no?
"Ewan ko ba kung anong pumasok dyan sa kokote mo at nang dahil lang dyan sa Patrick na yan, mang-iiwan ka nalang ng basta sa ere." Sabi naman ni Rhemie. Sya naman ang prangka sa aming tatlo.
Sanay na kami sa kanya. Kahit nakakasakit din talaga minsan. Since highschool ba naman?
"Hayaan nalang natin sya, Rhemz." Sabi ni Dianne.
"Hayaan? Eh kung masaktan yan? Hayaan nalang din? Ewan ko ba sayo, Lhea? Matalino ka naman sana, pero bakit pagdating sa mga ganyan, ang bobo-bobo mo?!" Sabi ni Rhemie.
Oh di ba? prangka talaga sya. Masakit yon pero pinabayaan ko nalang. Tama naman sya eh.
"Rhemie, sobra naman yata yan?" pagdedepensa ni Dianne sa akin.
"Uy. Ano ba kayo? Dianne, unang-una sa lahat, may skype at facebook naman. Pwede pa rin tayong magkita-kita at mag-usap gamit ang net. Pangalawa,...."
Bumuntong hininga muna ako at napaupo sa bench. Pati sila napatigil sa paglakad. Tinabihan ako ni Dianne at si Rhemie naman, nakatayo lang sa tabi.
Nginitian ko si Dianne. But it was a fake smile.
"Pangalawa, buo na ang desisyon ko na magstay dito kasama si Pat. At masaya ako don. But it doesn't mean na masaya ako na magkakalayo-layo tayong tatlo. Kung ano man ang kahinatnatan ng desisyon kong to, susunod ako ng Korea kasama kayo, pangako. Sa ngayon, hayaan nyo na muna ako maging masaya." Sabi ko.
"Masaya? Masaya ba yang isasakripisyo mo ang pangarap mo para sa isang desisyong walang kasiguraduhan?" Tanong pa ni Rhemie.
Di ko na napansin ang luha ko.
"Sorry Rhemie ha? Masakit din naman sa akin ito eh. Pero sana maintindihan mo ako."
Umiyak na ako ng tuluyan.
Tinignan ko pareho sina Dianne at Rhemie. Tuloy lang ang agos ng luha ko. Mamimiss ko din ang mga gagang to.T_T
"Sana maintindihan nyo ako. Mahal na mahal ko kayong dalawa. At alam ko na magiging successful kayo don." Sabi ko sabay ngiti kahit alam kong mukha na akong tanga. Umiiyak tapos ngingiti.