Chapter 18- Preparations

34 1 0
                                    

¤ABIGAIL¤

Umagang-umaga nagpasama agad ako kay Jen para pumunta ng mall para bumili ng formal attire.

Ewan ko ba. Si Patrick kasi. Hinahamon ako.

FLASHBACK

Half day na akong absent kaya pinauwi ko na ng maaga ang mga staffs ko sa coffee shop ko.

Pagsara ko ng coffee shop, pasakay na ako ng kotse nang biglang may tumawag sa cellphone ko.

Incoming call...

Patrick Chavez

"O? Napatawag ka? Gabi na ah?"

"Namiss kasi kita eh."

"Sige, ituloy mo, Patrick. Mamaya wala ka nang makokontak."

"Oh? Joke lang. Ito naman? Seryoso masyado? Hahaha! Gusto lang kita kumustahin."

"Magkasama lang tayo kanina ah? Ok lang ako. Thanks."

"What I mean is gusto kong kumustahin ang damit na isusuot mo sa night party."

"Ha? Bakit? Sa isang araw pa naman yon ah? Dapat ba mala-cinderella ang suot ko don?"

"No. Dapat, mas maganda ka pa kay Cinderella."

"Wow ha? Teka? Matanong nga kita, ano bang meron sa party na yon?"

"Ahm... it's my family business party. Inorganize nila ang party na yun para sa bagong CEO ng kumpanya ng dad ko."

"Talaga? Kapatid mo?"

Natahimik bigla si Pat.

"Hello?"

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon