Narrator
Nang malaman ni Patrick ang lahat-lahat ng tungkol sa kapatid nya, pinili nyang mapag-isa na muna sana nang masalubong nya sa labas si Abigail at Jen papunta sa loob ng ospital. May dalang pagkain at bulaklak sina Abigail, ngunit nang masilayan ang napakalungkot na awra ni Pat ay parang nanakit ang dibdib ni Abi.
"Pat?" Bungad ni Abigail. Agad namang nasilayan ni Pat si Abi. Ngumiti ito at tumugon.
"Abi? Ahm, bibisita ka ba? Ahm.. Nandon si Mama. M-may ano.. Aalis na muna ako." Naramdaman ni Abi ang pag-iwas ni Pat. Naisip nya na dahil ito sa huling naging pag-uusap nila.
"Akin na, Abi," sambit ni Jen. Kinuha nya ang mga dala ng kaibigan at muling nagsalita. "Sundan mo na. Sige na. Ako nang bahala dito. Ako na ang magpapasok nito sa loob."
Hindi na nakatanggi si Abi. Hinabol nya si Pat at kinausap.
"Patrick, sandali!" Tugon ni Abi. Tumigil naman si Patrick. Hinarap ni Abi si Patrick. "May nangyari ba kay tito?" Tanong nya na agad namang sinagot ng pag-iling ni Pat habang hindi makatitig sa mata ni Abi na tila ayaw ipaalam ang problema nya.
Bumuntong hininga si Abi at nagsalita. "Pat, I'm so~"
Hindi natapos ni Abigail ang sasabihin nya dahil sa biglang pagyakap sa kanya ni Patrick. Kasabay non ang pagbuhos ng emosyon ng binata na tinugunan din naman ng yakap ni Abi bilang pagcomfort kay Pat.
Sa di inaasahang pagkakataon, habang magkayakap silang dalawa ay dumating si Rodney na nakasakay sa kotse nya. Nakita nya ang dalawa. Binalak nyang palihim na bisitahin ang totoong ama ng matanggap ang isang text message galing kay Cess tungkol nga sa nangyari kay Julio. Ngunit nagbago ang lahat ng plano nya nang makita si Abi at Pat na magkayakap.
Hindi nya alam ang dapat maramdamam. Pero alam nya na nanguna ang selos sa puso nya. Hindi pa rin mawawala ang katotohanang iisa ang minamahal nang magkapatid. Na tila parang ibinabalik lang ang nakaraan ni Julio at Bernardo na parehong minahal si Rosa. Kaagad umalis na lamang si Rodney nang hindi man lamang nasisilayan ang ama.
•ABIGAIL•
Hindi ko alam ang dapat maramdaman nang naririnig ko ang hikbi ni Patrick. Ngayon ko lang sya narinig at nakita nang ganong sobra ang lungkot. Ipinagpatuloy at hinayaan ko lang sya maglabas ng emosyon habang yakap ako at yakap ko sya. Parang kami lang dalawa. Sa kabilang banda, nararamdaman ko ang saya sa puso ko dahil sa akin sya umiiyak ngayon. At iyon ang nagtulak sa akin na gawin ang di ko akalaing magagawa ko muli, para sa kanya.
"Tama na yan." Tugon ko. Tumunghay naman sya at nagpunas ng luha.
"Pasensya na." Bungad nya at napatawa. "Sorry talaga."
"Baliw ka ba?" Sambit kong nawiwirduhan sa kanya. E kasi naman, kanina umiiyak sya biglang tatawa.
"Haha! Hindi. Ano, wala to." Sumisinghot-singhot pa sya.
"Hay nako, para kang tanga. Tara, sumama ka sa akin." Hinawakan ko ang kamay nya at isinakay sa kotse ko.
"San tayo pupunta?"
"Basta!"Tahimik lang kami pareho habang on the way kami sa pupuntahan naming ako lang ang nakakaalam. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nya. Isa lang ang alam ko, kailangan nya ng kaibigan tulad nang pagdating nya sa buhay ko.
Hindi nga naging maganda ang nakalipas na dalawang taon namin, pero naisip ko na hindi sapat yon para hindi magsimula ulit. Kung tutuusin ay matagal ko na syang napatawad. Pero di maiaalis sa akin yung takot. Takot na baka pag nagsimula ulit kami ay magkasakitan ulit kami sa huli. Pero di ko alam kung bakit nag-iba ang pakiramdam ko nang makita ko sya kanina. Kailangan nya ng kaibigan.
Nagulat sya nang itinigil ko ang pagmamaneho at tila pamilyar sa kanya ang lugar.
"Abi, bakit tayo nandito?" Tanong nya. Bumaba ako ng kotse at binuksan ang pintuan nya. Baligtad ang mundo ngayon. Babae ang tagabukas ng pinto ng lalaki.
"Baba." Pagmamando ko. "Wag ka nang matanong. Bumaba ka na." Sabay hablot sa braso nya at sapilitang pinababa sya mula sa sasakyan.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong nya ulit. Dinala ko kasi sya sa tulay kung san kami unang nagkakilala. At dahil matanong sya, binitawan ko na muna sya.
"Dito mo isigaw lahat ng hinanakit mo, sama ng loob at yung dahilan kung bakit ka malungkot." Tugon ko habang nakatingin sa malayo. Sumunod sya sa kinatatayuan ko at tumabi sa akin.
"Paano mo naman nasabi na may hinanakit at sama ng loob ako? O malungkot ako?" Tanong nya. Nagsalubong ang kilay ko. E ano yung pag-iyak-iyak mo kanina? Drama? Sabi ko sa isip ko.
"Edi ikaw na ang perpekto. Wala lang pala yung pag-iyak-iyak mo kanina e." Akma na iiwanan ko na sya don. Naglakad ako pabalik ng kotse nang bigla syang sumigaw.
"BAKIT KAILANGANG MANGYARI SA AKIN ITO! BAKIT NGAYON KO LANG NALALAMAN ANG LAHAT NANG TOTOO TUNGKOL SA BUHAY KO? ANG TUNGKOL SA KAPATID KO?!!"
Nagulantang ako sa narinig ko. Hindi sya mukhang nagbibiro. Hindi ko naiwasang magtanong sa kabila ng hindi maipaliwanag na emosyon na nakapinta sa mukha nya ngayon.
"M-may kapatid ka?"
"Oo." Sagot ni Patrick. "Kinausap ako ni mama. Inamin nya sa akin kanina ang tungkol sa nawawala kong kapatid na nawala. Sinukuan nila ang kuya ko. Sa mga pag-aakalang kinidnap sya o pinatay."
Humarap sa akin si Patrick.
"Gusto kong hanapin ang kuya ko, Abi. Gusto ko syang makita. Alam kong mahihirapan ako. Pero gagawin ko ang lahat. Hindi lang para sa akin ito. Para din ito kina Mama at Papa."
Ni wala akong masabi at magawa kundi hagurin ang kamay ko sa likod nya. Sa pagkakataong ito, gusto kong tulungan si Pat. Sa pagkakataong ito, wala na yata akong rason para lumayo sa kanya.
"Tutulungan kita." Wala sa sariling sambit ko.
"Nandito lang ako para sayo."
Ngumiti sya sa akin na tila nakapagpagaan ng loob nya ang mga sinabi ko.
"Salamat, Abby. Pagkatapos ng nagawa ko say~"
"Tapos na yon, Pat. Kalimutan mo na. Ang mahalaga, nandito ako, nandyan ka. At hindi ka na lalayo. Ganon din ako. Hindi na ako lalayo. Hinding hindi na."
Hindi ko alam pero parang may nagtulak sa akin na mabanggit ang mga bagay na yon. Pero yung mga salitang yon ay nanggaling sa puso ko. Kusang lumabas sa bibig ko.
