•CESS•
And there you have it. Ibinalik ko kay Rod ang sampal na hindi lumapat sa mukha ko. Pero mas masakit ang ginawa kong sampal sa kanya. Sakit na itinago ko ng maraming taon. Responsibilidad na iniwan sa akin ni Mama at Papa magmula nang mamatay sila. Ang kasinungalingan na alam kong hindi basta-basta matatanggap ni Rodney. Hindi nya maiintindihan. Ano pang magagawa ko? Nasimulan ko na.
"Anong sinasabi mo ate?" sambit ni Rodney na litong-lito sa mga sinasabi ko. Naiintindihan ko sa boses nya na hindi nya malaman kung ano ang ibig kong sabihin?
"You heard me Rod." Tugon ng mahina kong boses. Nakatingin pa rin ako sa mga mata nya.
Nabalot ng katahimikan ang buong unit nya. Maya-maya...
"HAHAHAHAHAHA! Ate ha? Not a good joke. Haha! Pero alam mo? If that's a joke..."
Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya.
"It's all true." I said. Nanatili lang ang mga mata ko sa kanya.
"Ano ba to ate!? Are you trying to say these things para tigilan ko na ang mga Chavez? Well, let me tell you something!..."
"Makinig ka, Rodney! Ang totoo mong kapatid ay si Patrick!" Sabat ko.
"What!? No! Shut it!" All he can say.
"Tinatraydor mo ang sarili mong ama!" Sabi ko pa.
"And now you're trying to tell me na Chavez ako?! Oh come on sis! Stop this!" Tugon nya.
"No Rod! You stop! You listen!"
"Wala kang ebidensya! Papano ako maniniwala sa mga pinagsasasabi mo!? Lastimosa ako ate! Lastimosa ako! Now get out!" Sigaw nya. Nakatingin lang ako sa kanya. Umiiyak. "Get out!"
"Rodney, I am sorry. Si dad at si Julio, magkaibigan sila. Dun nagsimula ang lahat. Ninakaw ni dad sa kanila bilang ganti ng pagkuha ni Julio sa kumpanyang sabay nilang pinalago. Nasira si dad ng selos at galit. Dahil na kay Julio ang babaeng pinangarap nya. Napabayaan ni dad ang tungkulin nya sa GranMotors kaya walang nagawa si Julio kundi kunin sa kanya ang shares nya at palaguin lang ng husto ang kumpanya. Dad felt that he lost everything. The woman he loves, the company, his shares... Until he met mom. They had me. And Chavez had you." Napaupo si Rodney sa mga narinig nya mula sa akin. Pinunasan ko ang luha ko at ipinagpatuloy ang pagsabi sa kanya ng buong katotohanan.
"Napansin mo ba na halos magkaedad lang tayo, Rodney? Dad knew that Julio's company is growing stronger. His best friend having a happy family. Gusto nyang makita si Julio na miserable. And that happen na sa tingin ni dad pumapabor ang tadhana sa kanya nang mawala ka sa mga Chavez. Dad looked for you. And when he did found you, hindi ka na nya binalik sa kanila. Dad faked you identity. Your birth certificate and everything." I took a deep breath at pinagisipan ang sunod kong aaminin sa kanya. I can see him suffering. But I had no choice.
"Stop.." He begged.
"Rodney, mom tried to convince dad to give you back. Pero masaya si dad makita at mabalitaang miserable at nagsusuffer ang mga Chavez lalo na si Julio. They even thought na patay na ang panganay nilang anak. And that's when they stopped looking all over for you. Pataas na ng pataas ang money offer nila sa mga makakakita sayo. That's why you grew up in States. And just moved here for your highschool." I continued.
"No..." patuloy ang hikbi ni Rodney. I can't even go near him. I can't even touch him.
"Rod, I'm so sorry. If you don't want to believe me, you can ask the company's resigned attorney, si Mr. Crisostomo. Alam nya na panganay ka ni Julio. That's why he served Julio for his entire life bilang kabayaran sa pagtatraydor nya sa mga Chavez. Dad and Mr. Crisostomo were great friends. Including, Julio. Mr. Crisostomo knew everything. Until now, tinatago nya sa konsensya nya ang sikretong yon. Because he can't do anything about it. Hanggang sa mamatay si dad. Alam nyang walang maniniwala sa kanya dahil ilang taon na ang lumipas. He didn't even tried to."
"Bakit sasabihin sa akin ni dad na ipaghiganti ko sya sa mga Chavez, kay Julio. Dahil kumpanya natin ang inagaw nila. Ang kumpanya nila. Bakit!?" Tanong nyang gulong-gulo pa rin.
"Because he still envy Julio..."
"Hanggang kamatayan nya wala syang konsensya ganon ba!?" He stood up. This time, nakakatakot na ang mga mata ni Rodney. Puno na ng galit ang mga mata nya. Puno ng sakit.
"Rodney, I'm so sor~ Rodney!" I was surprised when he walked away from me. Sinubukan ko syang sundan pero di ko sya naabutan.
Elevator from 6th floor then ground floor. Sumakay sya sa kotse nya na nakapark lang sa labas at humarurot paalis.
Sinubukan kontakin ang telepono nya pero hindi sya sumasagot. Until cannot be reach na. Kinabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari at gawin ni Rodney. Kaya I tried my best na hanapin at habulin sya with my car.
•RODNEY•
If this a fucking dream, please wake me up. Tuloy lang ako sa pag-iyak ko. Hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa galit at poot. How could they do this to me? Sumisigaw ako sa loob ng kotse pero hindi sapat ang ginagawa ko. Hindi ko alam kung papano. Hindi ko alam kung anong dapat gawin para pagaanin ang loob ko.
Paulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi ni ate. Na hindi nya ako kapatid. Na peke ang pagkatao ko bilang Lastimosa. Ginamit lang ako! Ginamit lang ako ni dad para gumanti sa mga Chavez! Para gumanti sa pamilya ko! Ni hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala. Hindi ko na alam!
Ninakaw ako ni Bernardo Lastimosa sa pamilya ni Julio Chavez. Para gumanti sa kumpanyang inangkin ni Julio. Kapatid ko si Patrick. Ang mahal ng babaeng mahal ko. Ninanakawan ko at binabawi ko ang kumpanyang dapat sa Chavez. Dapat sa pamilya ko. Ninanakawan ko ang sarili kong kumpanya.
Napapailing ako sa mga sinasabi ng utak ko. Ni hindi ko napansin na umover take ako without checking kung may kasalubong ba o wala. And when I realized na may kotseng kasalubong, hindi na ako makabalik sa lane ko dahil sa katapat ko na ang inover take-an ko.
"Is this my time?" I thought to myself. Nang mapansin ko na may space sa kaliwang side sa lane kung saan may kasalubong ako, bigla kong inilipat sa kaliwa ang baling ng steering wheel ko at deretso ang kotse ko sa space na yon. I stepped on the break as fast as I can and it miraculously stopped on the right time. Kasabay non ang biglang busina ng malakas at matagal ng kasalubong ko.
I found myself barely breathing and shocked. Still, hindi nawala sa isip ko ang mga nalaman ko sa ate ko. About myself. About my true self and identity. I continued crying and hurting myself by hitting the steering wheel hoping that it was all just a dream.