¤LHEA¤
Hinintay kong pumasok si Patrick sa office nya bago ako sumunod para kumustahin sya.
Pagpasok nya sa shop, ngumiti pa sya sa akin at bumati. Ngumiti din ako.
Nakita ko yung pasa nya sa pisngi. Agad akong nag-alala.
"Pat, can we talk?"
Ngumiti pa sya habang hinuhubad ang polo nya kasi may white shirt naman sa loob ng polong suot nya.
"Alam mo na no? Madaldal talaga si Anton." Sabi nya.
"What were you thinking? Nakikipagaway ka na ngayon?" Tanong ko.
"Lhea, I'm just trying to help someone." He said.
"And that someone is your girlfriend?"
Napatigil sya sa ginagawa nyang pagkakalikot ng folders sa desk nya. Napatingin sya sa akin.
"Lhea. I can explain."
"Alright. I will listen."
"Oo may girlfriend na ako. Girlfriend ko sya at mahal ko sya kaya nang makita ko na ginugulo sya ng ex nya I protected her." sabi nya. May masakit na naman sa dibdib ko.
Totoo pala talaga.
"Bakit di ko alam? Bakit di namin alam ni Anton?"
"I was about to tell you. Pati kay Anton. Hindi ko lang talaga alam kung paano. I wanted to surprise the both of you. Sorry." Sabi nya.
Ngumiti ako. Pero fake na naman. Ang hilig ko na sa ganito.
"Ok lang. Sandali." Sabi ko.
Paglabas ko nang pinto ng office nya. Napaiyak na naman ako. Tinakpan ko yung bibig ko para hindi nya marinig ang hikbi ko.
Alam ni Patrick na nasa pintuan pa rin si Lhea. Masakit kay Pat na nasasaktan nya pa rin si Lhea hanggang ngayon. Sinadya nyang sabihin yon kay Lhea, baka sakaling maging hudyat na yon sa para piliin nalang nyang sumunod kina Dianne at Rhemie sa Korea.
Kumuha ako ng ice at ice bag para i-cold compress ang pasa ni Patrick.
Bumalik ako ng office nya, natutulog na sya sa sofa.
Napagod yata sa pakikipagbugbugan.
Pinabayaan ko na sya sa pagtulog nya. Umupo nalang ako sa tabi nya. At tinitigan sya habang natutulog sya.
Tinapik tapik ko pa sya para makasiguradong tulog talaga sya.
"Patrick? Huy Pat. Tulog ka na ba talaga?"
Pero hindi sya nagreresponse.
Mukhang tulog na nga.
"Alam ko na masaya ka na ngayon. Pero lagi mong tatandaan na, mahal na mahal kita kahit anong mangyari. Oo, tanggap ko na magkaibigan nalang tayo. Pero hinding-hindi ako mawawala sayo." Bulong ko. Hindi naman nya maririnig. Dahil tulog sya.
Agad kong pinunasan ang luha ko. Tapos tumayo na ako para lumabas ng opisina nya. Pinabayaan ko na sya magpahinga.
