¤ANTON¤
Isang linggo na nagpabalik-balik si Abi sa shop ni Pat.
Bakit ko alam? I was there.
Ako ang nasa opisina ni Patrick. I took over Patrick's job as the manager ng shop nya and hired new employees para sa pagbebake ng cakes and paggagagawa ng pastries.
I also did some trainings para sa mga bagong empleyado.
I took over since Patrick left to go to Korea with Lhea.
Pati nga ako nagulat. Kahit si Lhea.
Samantalang ipinaalam lang naman ni Lhea kay Pat na nakapagdecide na sya na pumunta na ng Korea kasama sina Rhemie at Dianne. Ang mga bestfriend ni Lhea na nauna na sa Korea.
Naikwento sa akin ni Pat ang nangyari sa gabi ng pagkilala.
Nagulat din ako nang malaman ko na si Rodney pala ang bagong tagapagmana ng yamang tinalikuran ni Pat galing sa ama nya.
Talaga ngang napakaliit ng mundo.
Dahil si Rodney din ang ex boyfriend ni Abi. Ang pretending girlfriend ni Pat. Na mukhang nagiging totoo na.
Dahil nasasaktan sya ng makita nyang hinalikan si Abi ng ex nyang si Rod.
Nang makita nya daw yon ay agad syang napalabas ng hall kung san nagaganap ang event.
Don nya natanggap ang tawag ni Lhea.
"Pat?"
"Lhea? Napatawag ka? May problema ba?"
"Ahm, wala naman. Gusto ko lang sanang sabihin sayo na nakapagdesisyon na ako. Narealize ko kasi na tama ka. Hindi ko dapat pinapalagpas ang oppurtunities na matupad ang mga pangarap ko. I made up my mind na, sumunod na ng Korea kasama sina Rhemie and Dianne."
"T-talaga? That's good." Malumanay na sagot ni Pat.
"Are you okay?" Tanong ni Lhea.
