¤ABIGAIL¤
Pagkatapos namin magdaldalan ni Jen, nakatanggap ako ng text mula sa asst. manager ko sa coffee shop. Madami daw customer.
Wow? Nagulat naman ako sa balitang yon. Agad akong nagpaalam kay Jen na aalis muna ako sandali para puntahan ang coffee shop.
"Jen, aalis na muna ako."
"Mmmhh? Bakit? Si Mr. Savior? Nagtext? Nakikipagmeet? Hihihi!"
Baliw talaga tong babaeng to kahit kailan.
"Sa coffee shop ako pupunta, Jen"-_-
"Mmmhh? Don kayo magkikita? Hihi!"
"Jen, hindi kami magkikita. Pupunta ako ng coffee shop para tumulong. Madami daw customer."
"Huh? Bakit? Anong meron?"
"Ewan ko nga eh. Kaya nga pupunta ako don. Wala naman akong promo."
"Hmm.. sus! Sige na. Ingat ka."
"Ewan ko sayo."
Tinarayan ko muna sya ng tingin bago maligo at magbihis.
Mga ilang minuto nakadating na din ako agad ng coffee shop. Tama nga....
ANG DAMING TAO!o_O
Ano kayang meron? Pagpasok ko sa loob di na muna ako dumeretso sa office ko para ibaba ang bag ko. Pinuntahan ko na muna yung mga taong nakapila at pinaupo ko sa mga may bakanteng table. At inisa-isa ko nalang silang inasikaso at kinuha ang order.
Karamihan sa kanila, yung best seller namin ang ino-order. Yung Mocha Caramel. Tapos yung iba choco-cookie naman.
