Narrator
Nagpatuloy ang magandang nasimulan ni Rodney pagkatapos ng pag-iwan nya kay Abi ng ganon-ganon lang. At dahil nga sa nangyaring yon... nakaabot pala sa pamilya ng mga Lastimosa.
At dahil nga don ay napauwi ang kapatid ni Rodney galing sa Paris.
Isang sikat na designer si Cess Lastimosa sa Paris. At dahil nga sa nalaman nyang nakipaghiwalay ang kapatid nyang si Rodney kay Abi para sa GranMotors. Ang sikat na kumpanya ng mga kotse sa Pilipinas, agad nyang pinuntahan si Rodney para harapin.
Dumeretso na si Cess sa opisina ni Rodney. Noong una ayaw syang papasukin ng nga tao ni Rodney. Pero di sya natinag, makaharap lang ang kapatid.
Dahil nga sa pagpupumilit ay nakapasok din sya sa opisina ni Rodney.
Nilapitan muna ni Cess ang assistant ni Rodney para pagbawalan na tawagan ang boss nya para sabihin na nandito ang kapatid nya.
Natakot naman ang assistant kaya hindi din nito nagawa ang pinaplano para malaman ni Rodney na nag-eeskandalo ang kapatid nyang si Cess sa labas ng opisina nya.
Sa di kalayuan nakita nya din ang pintuan ng opisina ng CEO ng GranMotors.
¤CESS¤
Hindi na ako kumatok at nagderederetso na ako sa pagpasok.
Wala na akong pakialam. Pumasok na ako.
"Mr. Rodney Lastimosa." Tugon ko.
Na mukha namang ikinagulat ng magaling kong kapatid na nakaupo sa desk nya.
"Ate? Anong ginagawa mo dito? Kailan ka pa nakauwi?"
"Actually kani-kanina lang. Pero dumeretso ako dito para harapin kang tukmol ka!" Napatayo sya para isara ang pintuan nyang iniwan kong nakabukas.
"Pwede bang sa bahay ko nalang tayo mag-usap? Di mo naman siguro gusto akong ipahiya sa sarili kong opisinahan, ate."
"Yun nga ang gusto ko eh! Para gumaling ka na dyan sa sakit mo! Ano tong nabalitaan kong nakipaghiwalay ka kay Abi, para lang dito!?"
"Lang? Hindi to basta-basta ate. Pinaghirapan ko ang pagpasok dito. At alam yon ni Abi. Sobra-sobra na ang sakripisyo nya sa relasyon namin. Kaya tama na."
"Rodney! Simula nang mamatay sina Mama at Papa, wala silang ibang gusto kundi ang maging masaya ka! At nang dumating si Abi sa buhay mo, naging masaya ka! Minahal mo ba talaga sya? O isa lang din sya sa mga laro mo!?"
"Wag mong kukwestyunin ang pagmamahal ko kay Abi ate. Alam mo ang dahilan kung bakit ko to ginagawa. Para kina Mama at Papa! Hindi ako titigil hangga't di ko nakukuha ang hustisya para sa pagkamatay nila. Hindi mo alam kung gaano kasakit sa kin ang mawala si Abi sa buhay ko at kamuhian nya ako nang dahil sa kagagawan ko. Pero wala akong magagawa. Ayoko sya madamay sa mga plano ko."
Hindi na ako nakapagpigil at nasampal ko si Rodney.
Kaya pala nya ginagawa ang lahat para makapasok dito ay para makapaghiganti.
Alam kong masakit kay Rodney ang pagkawala ng magulang namin. Pero ganon din naman ako. Hindi ko naman naisipang gumanti. Dahil ipinasa-diyos ko na ang lahat.
Pero si Rod... kitang-kita kong buo na ang desisyon. Sinadyang mangyari ang sa kanila ni Abi.
Sinadya nyang saktan si Abi.