¤RODNEY¤
Hindi ko akalaing makakarating kay ate ang nangyari sa amin ni Abi. Akala ko naman nagsumbong si Abi. Pero alam kong hindi na gagawa si Abi para magkabalikan pa kami dahil nakatatak na sa puso nya ang galit sa akin. Kahit na pangako ko sa sarili ko na babalikan ko sya pagkatapos ng mga plano ko, alam ko na hindi nya ako pagbibigyan ko. Pero hindi ako titigil. Ipapakita ko sa kanya na mahal ko talaga sya. At kung kinakailangan, sasabihin ko sa kanya ang totoo.
"Hindi na kita kilala, Rod. Hindi na ikaw ang lalaking kilala ko."
At nagwalk-out si ate. At dahil alam kong hindi don magtatapos ang lahat.. agad ko syang hinabol.
"Ate! Sandali!" Sigaw ko. Nagtinginan lahat ng mga tauhan ko sa opisina. Hindi siguro nila akalain na may kapatid ako.
"Ate sandali nga." Sabi ko sa pangalawang pagkakataon.
Tumigil sya.
"Sana wag mo nang guluhin si Abi. Ako ang mag-aayos sa problema ko." Tugon ko. Lumingon naman sya sa akin.
"Wala na akong pakialam sa mga plano mo. Kaya wala kang pakikialaman sa mga desisyon ko. Hindi dahil wala na kayo ni Abi, tapos na din ang pagkakaibigan naming dalawa. Bumalik ka na sa trabaho mo. At baka naiisturbo na kita. Sorry, Mr. CEO."
Napabuntong hininga nalang ako.
"I'll go ahead." Sabi ni ate.
Tatawagin ko pa sana sya pero tinawag ako ng assistant ko. Bwisit!
¤CESS¤
Hindi ako papayag na mabulag si Rod sa paghihiganti nya. Kailangan malaman to ni Abi. Pupuntahan ko sya sa coffee shop nya.
Bago pa man maging sila ni Rodney ay buo na ang coffee shop nya. Regalo yon ng magulang ni Abi sa kanya.
