Chapter 13- Best friend's Opinions

53 0 0
                                    

¤JENNIFER¤

Nasa apartment ako. Day-off ko ngayon sa trabaho eh. Broker ako ng condo units sa Makati. Sabi nila, madaming yumayaman sa pagiging broker. Tama. Pero mukha pa din akong mahirap.

Oo na. Kuripot na ako. Happy?

Nasa room ako habang nagsasoundtrip at nag-iinternet.

And then suddenly,

BLAG!

Bumagsak ang pinto ng apartment ko.

Nagulat ako don ah?

Agad nga akong lumabas ng room para tingnan ko kung may magnanakaw na ba? Nagbitbit pa ako ng walis tambo.-.-

Bakit ba? Para ready.-.-

Nagulat naman ako nang si Abi lang pala. At..... umiiyak sya.

Umiiyak sya???

Bakit kaya? Agad ko syang nilapitan.

"Abi? Anong meron? Anong nangyari? Hoy?"

Patuloy pa din sya sa pag-iyak nya. Sobra na akong nag-alala.

"Uy? Ano bang nangyari? Ayos ka lang ba?" Ano bang tanong yon? Halata ba, Jen?>

"Abi? Sumagot ka naman? Anong meron best?"

Tumunghay si Abi sa akin. And she's still crying.

"Sumugod si Rod sa shop." *sniff*

"What? Hindi ka pa rin nya tinitigilan? Eh di ba sya ang nakipagbreak sayo? Ano bang problema ng lalaking yan?" Biglang nag-init ang kalamnan ko sa Rodney na yan ah? Bwisit talagang mga ex na yan oh? Di makaintindi ng hiwalay na. Balik pa rin ng balik.>

"Anong ginawa nya sayo?" Huling tanong ko. But indefinitely not the least.

"Mag-usap daw kami. Di ako sumama. Tapos sinaktan nya si Patrick."

"What!? Sumugod na sya? Nanakit pa? Nako ha! Kailangan mo nang kasuhan yan! Tapos magpa-TRO ka! Para hindi ka na nya guluhin! Teka, e anong ginagawa ni Patrick don? Akala ko ba hindi kayo magkikita?"

"Hindi nga. Ganito kasi eh..."

¤ANTON¤

"So nagpanggap ka para tulungan ang taong 2 days mo palang nakikilala? Para tulungan syang malaman kung kailangan na nyang magmove on sa ex nya o minahal ba sya ng ex nya? Or whatever it is? Ganon ba?" I said. I summarized everything sa utak ko ang mga kinuwento ni Pat. Para mas maintindihan ko. Pero ayaw talaga eh. Although may konti naman.

"Pare? Nag-iisip ka ba? Pumasok ka sa isang sitwasyong hindi mo naman alam? Sa isang sitwasyon na.... magulo at mas pinagulo mo pa? Tingin mo ba makakatulong ang pagpapanggap nyo? Anong magagawa nyan? Patrick naman?"

"I want to help her decide." Sagot ni Patrick sa akin.

"Alam mo? Unang-una, bakit mo ba kailangang gawin to? Ano ba sya sayo? Wag mong sabihing in that two days, in love ka na agad sa kanya?"

"Is that even possible?" Ibinalik sa akin ni Pat ang tanong.

"Patrick! Listen to yourself! Pretending won't help her decide! It will just make the complicated situation more complicated! Mas ginugulo mo lang ang dapat maayos." I explained. Para syang bata. Ano bang nangyayari sa matalino at propesyonal kong kaibigan na kilala ko? Asan na sya? Bakit parang ibang Patrick Chavez ang kaharap ko?

Tumayo sya sa kinauupuan nya and yelled, "I KNOW! Ok? I KNOW!"

"Alam mo?" Alam nya? Yun naman pala? E ano to? Ano tong pinasok nya? "Sigurado kang alam mo?"

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon